Chapter Forty seven

Comincia dall'inizio
                                    

"Hello po, Tita Amanda! You're pretty po!" Tumango si Amanda kay Ash bago lumapit dito. Nilagay pa ni Amanda ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ni Ash.

"Hello, Ashlyn. Lagi kang bukambibig ng Mama mo. You're pretty too like your Mommy."

"Thank you po!" Ang cute talaga ng batang 'to. Hinarap naman ako ni Amanda bago ako tanguan. Lumayo siya sa amin ng kaunti at hinayaan akong kausapin muna si Ashlyn pero 'yong layo naman niya ay sapat pa rin na maririnig kami ni Ash.

Sigurado namang makikinig ito sa amin pero hinayaan ko na lang din. Alam naman niya ang balak kong gawin kaya ako narito.

"How's your Mommy, Ashlyn?" Inayos ko ang buhok nitong humaharang sa mukha niya. Napansin ko rin ang suot nitong sobrang linis at hindi man lang ata nagusot na uniporme. Nakikipaglaro ba ito sa mga kaklase niya?

"Mommy is sad po. Did you and Mom fight po ba before you leave? She's really sad. She's not eating ng marami na din po and 'pag nagigising po ako ng night I see her working pa rin po. May problem po ba si Mommy, Mama?" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa narinig. Ganito rin ang sabi sa akin ni Tito at maski na rin si Jade. Humingi kasi ako ng pabor kay Jade na bantayan si Victoria. Ito ang rason kung bakit ko siya gustong kausapin personally noong nasa Pangasinan ako.

Tapos ngayon naman kahit si Ashlyn ay napapansin na rin niya ang nangyayari sa Mommy niya.

"You don't have to worry about your Mom, okay? She's just busy, Ash. Maraming work from University." Napasimangot naman ito kaya nataranta ako. "Pero she'll be okay naman. Kaya don't forget na alagaan ang Mommy mo, okay?"

"Okay po." Hindi ko alam kung paano ko siya ichi-cheer up e.

Napalingon ako sa likuran ko ng may maalala ako. Iyong dala ko pala.

"By the way, I have a gift for you!"

"Talaga po?! Ano po 'yon, Mama?" Ngumiti ako ng malaki sa kaniya. Natutuwa ako sa reaksyon niya e. Mabuti na lang at nawala na ang lungkot sa mukha niya. Kinuha ko na lamang ang nasa likuran ko at pinakita sa kaniya. May dala akong maliit na cage at isang tuta ang nasa loob ng lagayan na 'to. "A puppy!" Pambihira, naalala ko bigla si Poppy. Buti at hindi parehas ng spelling. "Is it a boy? Mama, thank you!"

Nangniningning ang mga mata nitong humawak sa cage.

Sapat na ang makita ko siyang nakangiti at masayang nilalaro ang maliit na aso sa lagayan nito. Namiss ko talaga ang batang ito.

Habang pinapanood ko itong naglalaro at tumatawa ay doon naman ako biglang kinabahan. Tumingin-tingin ako sa paligid at doon ko nakita ang isang lalaki na hindi kalayuan sa classroom nila Ashlyn. Kilala ko siya, isa sa mga sumusunod sa mag ina at naghahanap ng pagkakataon para makuha ang dalawa.

Hindi sila parte ng organization. Ibang mga tao sila.

Ilang araw na rin ako dito sa Manila. Nagmamanman at inaalam ang lahat. Kaya alam ko kung parte ba ng organization ang nasa paligid nila o hindi.

Nilingon ko si Amanda. Tumango ito sa akin hudyat na alam niya ang nakita ko. Naglabas siya ng cellphone bago nagtipa doon. She already knows what to do.

"Ashlyn?" Tumingin si Ashlyn sa akin kaya sinenyasan ko itong lumapit sa akin. "You are a big girl now, 'di ba?" She nodded. "Do you trust me, Babe?"

"I trust you, Mama. Lagi po."

"Okay. If you trust me then listen to me, okay? I need you to listen carefully, alright?" Tumango-tango siya. Seryoso na rin ang tingin sa akin na akala mo isa akong teacher niya at kailangan niyang makinig. "I know that you understand me kasi you are a big girl now. Matalino ka gaya ng Mommy mo. I want you to help me, okay?"

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora