Chapter 8

44 1 0
                                    


Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view


Tanaw ko mula sa inakyatan kong puno ang masquerade party na ginaganap sa gabing ito. Wala akong balak na sumali sa party pero kailangan ko pa ring pumunta upang magbakasakaling makita ang kapatid ko.

"Welcome to South wing.. enjoy the party." iyon ang paulit-ulit na naririnig ko sa mga studyanteng taga-South wing mula sa di kalayuan sa pwesto ko.

Napansin ko si Wynn na marahil mga kaibigan nito ang kasama. Pinipilit niya akong sumama kanina sa kanya ngunit nagdahilan akong may masakit sa akin kaya hindi na din siya muling nagpumilit. Ngunit nag-iwan din siya ng maskara sa akin upang iyon daw ang suotin ko kung maisipan ko mang pumunta. At ngayon nga ay dala-dala ko kahit naririto ako sa itaas ng puno. tsk.

Mabilis kong napatay ang sigarilyo ko ng may dumaang mga studyante malapit sa punong kinaroroonan ko. Wala naman kasing nakalagay sa rules na bawal manigarilyo sa loob ng paaralang ito. Nakakatawa lang isipin na iyon pa ang nadala ko imbes na pagkain nang pumasok ako dito.

Napatingin ako sa paligid. Pinagtakhan ko pa ang mga mamahaling sasakyan na nakahilera sa kaliwang parte nitong lugar. Akala ko ba ay bawal pumasok ang hindi studyante sa paaralang ito? O sa mga studyante talaga ang mga sasakyang ito. Sabagay, mayayaman pala sila.

Nilibot ko pa ang paningin ko. Maraming studyanteng nakasuot ng mask. Inaasahan ko ng makikita ko ang mga lalakeng nakaputing maskara pero ni isa ay wala akong nakita. Ni ang kulay na puti ay wala ding nagsuot.

Nagkalat din ang mga iba't ibang inuming nasa bawat lamesa kung saan nakaupo ang mga studyante. Ang iba pa nga ay lasing na.

Kanya-kanyang grupo ng mga studyante ang naririto. Wala akong nakikitang hindi nakaformal ang kasuotan, mga kinapos nga lang sa tela ang style ng mga damit nila.

Napalingon akong muli sa pwesto ni Wynn ng mapansin kong may iilang kalalakihan ang lumapit sa kanila ng mga kaibigan niya. Nakipagbeso pa siya sa isa sa mga ito at alam kong si Naver ang lalakeng iyon batay na din sa katawan nito.

May limang minuto din silang nag-usap at lumipat din ng pwesto si Naver kasama ang mga kaibigan nito upang batiin pa marahil ang ibang studyanteng naririto.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa pagtingin sa mga babaeng naririto. Muli akong nagsindi ng sigarilyo dahil sa prustrasyong namumuo sa kalooban ko. Paano ko naman makikilala ang kapatid ko kung puro nakamaskara ang mga tao dito? Tsk.

Naagaw lang ang pansin ko ng may biglang kumalabog sa harapang bahagi nitong venue.

"Oh my gosh!" tili pa ng mga babae ng mapansin na nila ang nangyayari sa harapan.

"Invaders! Who the hell invited you here?!" dumagundong ang boses ng lalakeng automatikong nagbigay sa akin ng inis.

Kahit bahagyang nakatagilid ang mukha nito mula sa pwesto ko ay alam kong ang stupid na lalakeng iyon ang isang ito.

Lumapit siya sa lalakeng natumba at muli niya na naman itong sinipa ng malakas.

Tuluyang nakuha nito ang atensyon ng lahat na mula sa pagbubulungan kanina ay biglang tumahimik sa sandaling muli na naman itong magsalita.

"Who?!" mariing tanong nito na pansin kong nagbigay lalo ng takot sa lalakeng kaharap nito ngayon.

"W-wala. ." sagot din ng lalake na hindi pa naman natapos sa sasabihin ay muli na naman itong nakatanggap ng malakas na sipa ng kaharap na lalaki.

"P-patawad, Emperor. . H-hindi ko na uulitin ito." pakiusap ng lalakeng halatang nahihirapan na dahil sa natamong sipa ngunit malakas lang na tinawanan ng walang modong lalake ang pakiusap nito at muli na naman siya nitong sinipa.

Nangunot ang kilay ko. Muli akong napalingon sa mga taong naririto dahil tahimik lang nilang pinapanood ang nangyayaring panggugulpi ng stupid na lalakeng Grim ang pangalan sa walang kalaban-labang studyante.

Namumuo ang katanungan sa isipan ko kung ano ba talaga ang posisyon ng lalakeng ito dito bukod sa pagtawag nila ng Emperor dito. Batay kasi sa nakikita ko ngayon, kinakatakutan nila ang isang ito.

"Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang suwayin ang mga batas ko!" may autoridad na sambit nito sa lalake. "Ang hindi imbitado ay hindi pwedeng pumunta sa kahit anumang pagtitipon sa paaralang ito. Lalong-lalo na kung mababang kulay ang card na hawak mo!" nang-iinsulto niya pang dagdag.

Malakas kong nabuga ang usok na nasa bibig ko. Hindi lang pala mayabang ang isang ito, matapubre din. Tsk.

Dahan-dahan na akong bumaba sa puno. Wala ding saysay ang pagpunta ko sa party na ito. Hindi ko din naman makikilala ang kapatid ko dahil sa mga pesteng maskarang suot nila.

Tahimik akong naglakad palayo. Nakapamulsa akong naglakad patungo sa madilim na bahagi upang walang makapansin sa akin. Lilibutin ko na lang muna ang paligid ng paaralang ito habang busy silang nakikipag party.

Tinungo ko ang direksyon papuntang East wing. West at South palang ang napuntahan ko kaya hindi ko pa alam kung anong klaseng lugar ang bandang iyon.

Bumaling ako sa relo ko. Alas nueve na din ng gabi. May isang oras pa bago magcurfew. Nabanggit ni Wynn na bago mag alas 10 nang gabi ay tapos na din ang party kaya kailangan ko ng bilisan ang pagpunta sa East wing upang walang ibang makakita sa akin.

Nasa gilid na naman ako ng malawak at madilim na field. Bago kasi ako makapunta sa East wing ay kailangan kong daanan ang gitna ng field.

Malalim akong napahugot ng hininga. Ano bang mayroon sa field na ito at nakakaramdam ako ng kakaibang takot kapag naririto ako. Tsk.

Inaninag ko muna ang gitnang bahagi bago ako maglakad. Baka kasi andoon na naman ang taong iyon kaya nakakaramdam na naman ako ng takot sa mga sandaling ito.

Nang masiguro kong walang kahit na sino ang nandoon ay inumpisahan ko na ang paglalakad. Mahigpit kong hinahawakan ang telang nasa loob ng bulsa ko. Pakiramdam ko kasi may biglang susulpot sa paligid at gugulatin ako. Tsk.

Tuloy-tuloy akong naglakad. Pinipigilan kong lumingon at wari'y pati na ang paghinga ng maayos ay napigil ko na din. Frustrated akong napakagat sa labi ko habang lihim akong naiinis sa sarili ko. Bakit ba kasi ako natatakot ng ganito? Tsk.

Napabuga ako ng hangin ng magtagumpay akong daanan ang gitnang bahagi nitong field. Wala namang nangyayaring kakaiba. Pinaglalaruan lang siguro ako ng imahinasyon ko kaya ako nakakaramdam ng takot.

Napatingin ako sa direksyon papunta sa East wing. Katulad ng dinaanan ko ay madilim na din ang bahaging iyon. Ganito ba talaga ang lugar na ito? Sa pagkakaintindi ko kasi sa pahayag ng stupidong emperor kani-kanina lang ay bawal pumunta ang mga yellow card sa anumang pagtitipon. Ibig sabihin nasa dorm lang ang karamihan sa kanila. Ngunit nakapagtataka namang nakapatay ang lahat ng ilaw ng yellow wing.

Iniling ko ang ulo ko at tinuloy nalang ang tahimik na pagbaybay sa malidim na paligid.
Kahit medyo malayo na ako sa South wing, rinig pa rin sa bahaging ito ang tugtugin mula doon.

"🎶Are there angels or devils crawling here~..

Tsk. Pwede nang maging theme song ng school na ito ang kantang iyon. Sa tingin ko kasi'y may sa demonyo ang mga ugali ng mga nasa mataas na level ng paaralang ito.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Where stories live. Discover now