Chapter Forty three

Start from the beginning
                                    

"Punyeta, under ka pala Banana." Napataas ako ng kilay kay Mrs. Jade. Ang talas kasi ng dila at sobrang lutong ng mura niya. Pambihira, wala bang filter ang bunganga nito?

"Mrs. Jade, mag usap nga muna tayo." Ngumisi siya sa akin at tumango-tango na parang balewala lang sa kaniya at alam na ang dahilan kung bakit. Napalingon naman ako kay Victoria. "Mahal, mag uusap muna kami nitong kaibigan mo. Dito ka lang at 'wag na 'wag kang aalis."

"Bakit kailangan pa kasing iwan niyo ako dito? Hindi ba p'wedeng mag usap na lang kayo dito mismo?" Napailing ako. Importante ito, kailangan kong makausap ang kaibigan niya kahit ilang minuto lang. "Fine! Wala naman akong karapatan malaman ang lahat!"

Napaawang ang labi ko dahil sa nahimigan kong sakit sa boses niya at tumalikod ito sa amin na nagdadabog bago pumasok sa isang sasakyan. Sasakyan siguro ni Mrs. Jade ito.

Napahila ako sa buhok ko dahil sa inis. Tang ina talaga, Banana. Kakatago mo ng mga sekreto hindi mo namamalayan na nasasaktan na si Victoria.

Hindi na kami umalis ni Jade sa p'westo dahil may ilang sasakyan pa bago ang sasakyan nila ni Victoria. Sapat para hindi kami marinig.

Napabuntong hininga na lang ako bago lingunin si Mrs. Jade.

"Ano bang ginagawa niyo ni Victoria dito, Mrs. Jade?" Wala man lang nag balita sa akin na may naligaw na ibang tao sa lugar ko.

"You don't need to be formal, Banana. You can call me Jade." Napairap pa ako. Ang layo ng sagot nito sa tanong ko. "I just saw a while ago, dapat nga ay nag iingat ka— sandali. You want to talk to me, right? Is it about me, being a member of your organization?"

"Oo, Jade Green Imperial. Pambihira, ang galing mong umarte e. Bakit hindi ka nagsalita?" Takang tanong ko agad dito. Blangko lang akong nakatingin habang nakangisi siya at nakatingin sa ibang tao na dumadaan sa kabilang side ng daan.

"Wala akong balak mamatay at pangunahan ang nakakataas sa akin, Banana." Humarap na rin ako sa kabilang daan kung saan siya nakatingin. "Kay Violet mo nalaman na kasama ako sa hawak mong organization?" Tumango ako. "Dapat kasi kilala mo ang lahat ng kasama, Banana. Ikaw na ngayon ang pinuno."

"Kilala ko na lahat, Jade. Nakita ko ang papel at kontrata na pinirmahan mo. Para sa connection lang ba?" Nakita ko na ang lahat ng papel ng mga kasama sa organization. Wala akong kinaligtaan kahit isa. Nakabisado ko silang lahat. Sa dalawang linggo na pananatili namin dito ay napag aralan ko na rin lahat.

"Part of it, yes. I need a name, Uno. I need connection and money. Gusto kong may maipagmalaki ako kay Alicia pagdating ng araw. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kaibigan mo, Banana Crescencio." Napalingon ako ulit sa kaniya. Naiiling dahil hindi makapaniwala na nagawa niyang sumali at maging parte ng ViPe Organization para lang kay Alicia.

Pambihira naman kaibigan. Dapat hindi mo pinapakawalan ang ganitong tao na kayang gawin ang lahat para makuha ang atensyon mo.

Uno. Ang mga taong nasa listahan ay tawag sa akin ay uno. Ang totoo, dati ang Daddy ko ang nasa listahan pero nalamangan ko siya dahil sa dami ng connection na naipon ko sa pakikipaglaro sa mundo ng trabaho sa kompanya. Lalo na at Crescencio din ako, mas lumakas ang pangalan ko sa loob ng business na 'yan. Kaya rin naging desperada na sila na gawin akong pinuno agad-agad.

Pero hindi naman dapat Crescencio ang nasa unang listahan. Iba dapat pero ang mga taong iyon ay kusang hindi nagpasama sa listahan. Sila ang nasa likod ng organization na hawak ko.

"Tatlong taon ka na dito sa organization. Hindi na bago sa 'yo ang karahasan na nangyayari sa mundo natin?" Tumango ito.

"Ginagawa ko ang gawain ng organization, Banana. Pinili ko ang ilegal na gawain at kila Silvestre ako nakagrupo."

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Where stories live. Discover now