Chapter Thirty six

Start from the beginning
                                    

Umamin ako sa kabila ng nangyayari sa amin ngayon. Nakita ko nga ang reaksyon niya ng sabihin ko iyon at sa tingin ko ay hindi naman siguro ako lagot.

Mahalagang malaman niya ang nararamdaman ko dahil araw-araw ay hindi naman ako ligtas. Bilang isang taga pagmana ng malaking organization ay nakalibing na ang isang binti ko.

"Edi bago tayo umalis ay puntahan mo siya. Hindi naman tayo aalis agad-agad e." Napatango-tango ako. Kung sabagay.

Tumahimik na lang ako at nag iisip.

Hindi ko rin kasi p'wede hayaan na si Alex lang ang haharap sa ama niya. Gusto kong makita ang itsura ng gunggong niyang ama na mamatay sa kamay ni Alex. Malaki ang kasalanan nila kay Alex kaya't hindi p'wedeng hindi ako makabawi sa kanila sa sakit na pinaramdam nila sa kaibigan ko. Kahit sana sa mga tauhan lang ako makabawi tapos si Alex na ang bahala sa boss nila. Swerte pa nga nila at baka makita pa nila ang kagandahan ng isang Crescencio 'pag lumitaw ako. Kaso malas pa rin nila dahil may mamamatay sa kanila sa mga kamay ko.

Tungkol naman sa listahan na binanggit ni Alex kanina. Listahan iyon ng pinakamataas na mga pangalan sa mundo. Mga taong hindi gugustuhin ng iba na makabangga dahil kasalanan ang banggain sila. Kaparusahan at kamatayan ang kapalit. Kung bakit may ganitong kaparusahan ay dahil na rin sa pangalan kong malaki ang kinalaman sa isang organization. Sa listahan, sampo lang na pangalan ang naroon. Sabihin nating Crescencio ang nasa unahan. Si Santillan ang pumapangalawa at pangatlo si Alex. Susunod na roon ang iba pa naming mga kaibigan. Kaming mga narito sa loob ng bahay na ito ay nasa listahan. Hindi halata dahil sa pagkatao namin at sa edad namin. Bilang lang ang may alam kung ano kami sa parte ng business world at sa iba pang ilegal na matatawag ninyong business. Ang Organization na hawak ng tatay ko ang pinakamatunog dahil sa Crescencio rin ang may gawa— hindi pala, dahil merong isang tao ang gumawa ng organization na ito na ang Crescencio ang nagmana at humawak.

"Ano na? Tumahimik naman na kayo? Nahanap ko na ang pinagtataguan ng tatay mo, Alex. Gaga, nasa Pangasinan lang naman pala siya. Tamang-tama at nando'n lahat ng takas mental na tauhan ng mga Crescencio. Maski ang mga tambay na nasa Organisasyon ay naroon din. Marami tayong back up." Mabilis na turan ni Cathrice bago pinakita sa amin ang laptop at hinarap sa amin.

Nakakahilo ang dami ng number at letra na nasa laptop ngayon. Mayroon pa atang parang lokasyon na hindi ko naman maintindihan kung bakit gano'n ang itsura.

Madalas na makita ko ay kulay green tapos may dalawa pang kulay kung saan ang lokasyon namin at lokasyon ng taong hinahanap namin. Pero ang kaniya ay ang hirap intindihin. Masakit lang sa mata, parehas na parehas sila ni Elliot.

Sila lang nakakaintindi ng lokasyon na pinapakita nila e.

"Pambihira, ano naman kayang naintindihan ko sa laptop e puro code, wala akong naintindihan." Reklamo ko na naman rito. Binaba ko ang hawak na baril at umupo ulit. Inabot ko ang basong inabot ni Patrice na may lamang beer at ininom ito. Ito ba ang pinunta ni Patrice sa kusina? Ang kumuha ng alak?

"Ang talino pero walang alam sa mga code. E puro code nga ang nasa cellphone mo." Pang iinsulto nito sa akin na ikinatawa ko na lamang. Magkaiba naman ang tinutukoy niya e. Ibang code ang naintindihan ko at hindi code na kung paano niya nakukuha ang lokasyon ng ibang tao. Ang talino e.

"Pangasinan? Ang malas naman niya." Iling ni Amanda rito pagkatapos magkomento.

Napansin ko naman na tahimik lang na naman si Alicia at hawak pa rin ang cellphone. Kanina pa niya hawak ang cellphone niya na nakakapagtaka talaga. Hindi siya mahilig humawak ng cellphone lalo na kung kasama niya kami dahil wala naman siyang gagawin sa cellphone niya at puro libro ang hawak niya. Hindi naman mahilig mag text si Elliot dahil madalas ay puro tawag siya. Kaya anong pinagkakaabalahan ng isang ito sa cellphone niya?

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Where stories live. Discover now