Chapter Thirty six

Start from the beginning
                                    

"Parang tanga, Banana. Itigil mo na 'yan. Kung papatayin ka dapat hindi ballpen. Mukha bang mamamatay ka diyan?" Parang gusto ko ng kuwestyunin ang mga ito kung talaga nga bang natatakot sila sa akin minsan. Kasi sa nakikita ko ngayon ay parang ni katiting ay wala e.

Wala na bang epekto ang pagiging Crescencio ko sa kanila? 'Di bale at kaibigan ko naman sila.

"Anong balak mo? Naiinip ako, Alex." Irap ko na lamang dito bago nakiupo sa tabi niya. Narinig ko ang mahinang buntong hininga niya bago sumandal sa couch.

"Haharapin ko na siya." Oh? Buti naman.

"Ano?!" Inis na sinamaan ko ng tingin si Hera, Patrice, at Amanda na sabay-sabay sumigaw na akala mo mga bingi ang kasama namin. Tahimik lang naman si Alicia habang hawak ang cellphone nito. Kinuha naman ni Cathrice ang laptop ni Alex na nasa mesa. "Easy, Banana. Nagulat kami e."

Dagdag pa ni Amanda bago ako irapan. Tamo ang mga attitude ng mga ito. Napakasama nilang nilalang.

"Hahanapin ko kung nasaan siya. Hindi naman p'wedeng hindi ko siya makita." Hindi ko pa alam ang sasabihin kay Alex. Tama rin namang hanapin na niya ito o hanapin namin dahil tutulungan namin siya.

Isang tawa naman ang narinig namin galing kay Cathrice habang mabilis na pumipindot sa laptop ni Alex. Kung ano ang ginagawa niya ay hindi ko alam. Siya na lang ang nakakaalam no'n.

"Kailan mo ba siya balak puntahan?" Taka kong tanong.

"Pupuntahan ko muna si Tala bago ako umalis." Napairap ako. Inis na tumayo. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang baril bago ito ikasa at itutok sa kaniya. "Gago, Banana! Anong ginagawa mo?!" Gulat na reklamo niya sa akin. Tinaas pa niya ang isang kamay para itulak ang baril. Ang sarap sana nitong tamaan kung hindi ko lang siya kaibigan.

Tumawa ako ng pagak. "Binibiro mo ba kami, Alexandria Gabriel? Bago ka aalis? Sinong nagsabi sa iyo na ikaw lang ang aalis? Sa tingin mo ay hahayaan kita?" Irita kong reklamo sa kaniya. Mukhang gano'n talaga ang pagkakahulugan niya dahil umiwas ito ng tingin sa akin.

"Balak ko lang naman sanang ako lang ang haharap sa kaniya. Banana, huwag mo naman pairalin ang pagiging Crescencio mo ngayon! Kainis ka. Oo na, sumama na kayo!"

"Alex, kahit takot 'yang si Banana sa 'yo e alam niya pa rin kung kailan siya magpapakaboss sa harapan natin. Huwag natin kalimutan na kahit gago 'yan ay siya pa rin ang pinakamataas sa atin." Tawa ni Patrice dito. "Pero wala naman tayong pakialam kung pinakamataas siya, aba sino ka ba?" Natatawa pa niyang dagdag. Napakunot ako ng noo dahil parang kakasabi lang niya na huwag kalimutan tapos tatanuning ako kung sino ba ako? "Pantay-pantay tayo rito. Who you ka, Saging."

Tumayo siya at pumasok sa malapit na pintuan. Siguro ang kusina.

"Anak ng tokwa." Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga ito o maiinis e.

"Pakialam ko rin ba kung siya ang pinakamataas sa listahan? Ha, takot nga sa akin 'yan e." Nagmamalaking sagot pa ni Alex na hindi ko na pinansin pa lalo na't nagkaroon na rin sila ng kaniya-kaniyang ilang komento tungkol dito maliban na lang kay Alicia. "Bakit ako matatakot diyan e takot nga siya kay Miss Victoria. Duwag."

Kunot noo akong napatingin sa kanila ng nagsimula silang matawa. Nakitawa pa nga si Alicia bago nag smirk sa akin.

"Ha! Kanina nga may pa I love you pa 'yang si Banana kay Miss Victoria e." Napaiwas ako ng tingin. Nakaramdam ng pag iinit sa pisngi ng maalala ang ginawa ko bago kami umalis.

"Nag confess ka na, Banana?!" Napailing ako kay Alex. "Ang kapal ng mukha mo a. Paano mo ginawa 'yon?"

"Bwisit ka! Pakiramdam ko na kailangan kong sabihin. May pakiramdam din kasi ako na pagkatapos ng pag uusap na ito ay matatagalan ulit na makita ko siya." Sa totoong gano'n naman talaga.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Where stories live. Discover now