May kumaway sa'kin na isang lalaki na naka jacket ng manipis at may butas pa! Anong klaseng jacket yun? Ang baho niya tignan!

Nang tuluyan na itong naka lapit sa'kin, nakumpirma kong siya nga ang lalaking kumaway sa'kin. Ganito pala ang buhay niya? Mangingisda? Hindi ba siya nag tapos sa pag-aaral at hanggang pangingisda lamang siya?

Umalis siya sa bangka at sumalubong ang mga ilang tao. Tumulong sila sa pagbubuhat habang siya nama'y nakangisi habang ginagawa iyon. Lalong ngumiti siya nang nasilayan muli ako. Syempre! Maganda ako eh!

Lumapit siya sa'kin at bumuka ang mga kamay at biglaan akong niyakap. Naamoy ko agad ang amoy ng isda sakanyang katawan! Kadiri! Bwisit!

Tinutulak ko siya pero lalo niyang hinigpitan ang yakap. "Pwede ba? Hindi ko matiis ang baho ng amoy mo!" sigaw ko sakanya pero hindi siya bumitaw.

"Tangina Ariel! Ang baho mo!" sigaw ko sabay tulak ng marahas sakanya. Magpagpag ako ng mga parte na na dikitan niya bago tumingin sakanya.
"Pwede ba? Huwag mo akong idamay sa amoy mong pang hampaslupa! Bwisit ka!" sigaw ko. Pero hindi siya umiimik at nakatitig lang sa'kin. Doon ko lamang napansin na lahat pala ng tao ay nakatingin samin. Pati narin ang batang si Shantal.

Malungkot ang kaniyang mukha. Parang nasaktan sa sinabi ko. Lumunok ako at handang panindigan ang sinabi ko. Anong paki ko sakanya? Wala kaming connect sa isa't isa! Babayaran ko siya kung i-susumbat niya ang tulong niyang mas lalong nagpahirap sa'kin!

"Oh? Bakit? Talaga naman ah! Ang baho mo!" ani ko. Tumalikod siya at papunta ng dagat. Gulat akong naghubad siya ng pang-itaas at naglublob sa dagat. Ang ganda ng katawan niya, parang pang modelo.

Maya-maya'y umahon siya at naka ngiti na. Napatingin ako sa naka hain niyang katawan. Shit! Ang sa..ang ganda!

Papalapit ng papalapit ang katawan naiyon kaya nanlalaki naman ang mata ko at laking bigla na ang katawan naiyon ay dumampi sa'kin kasabay ng kaniyang mga bisig sa aking bewang. Isang yakap, mainit na yakap pala niya iyon.

"Oh.. naligo na'ko. Hindi naba ako mabaho asawa ko?"

Ilang segundo rin akong hindi nakaimik at nakagalaw sa yakap niya bago matauhan dahil kay Shantal na umubo o sinasadya?

Ano daw asawa ko?

Tinulak ko siya ng malakas at hindi mapakali kung saan titingin dahil sa mga taong nag sipulan na parang mga tanga. Kakainis! Bakit kasi hindi ako gumalaw?

"H-hindi na.. wala kanang a-amoy." ani ko. Shit lang, bakit ako nauutal?

Tumingin muli ako sakanya at lalong nahiya dahil sa labi niyang nakangiti. Tila ba'y nang-aasar dahil hindi Ko tumutol sa yakap niya!

"M-mauna na'ko." iyon lamang at tumalikod na'ko. Pero hindi ako tumakbo, kahit gustong-gusto ko. Baka kasi anong isipin nila.

"Naku! Ganyan talaga iyang Misis ko. Dala siguro ng pagbubuntis!" napatakip ako ng tenga at tuluyang tumakbo. Ano daw? Pagbubuntis? Bakit ba hindi manlang siya nasaktan at parang ginawa niya pang katuwaan ang asal ko kanina?

Nang nakapasok na ako sa loob ng bahay. Isang buntong hininga ang narinig ko sa aking tabi. Walang ya! Hindi ba ako tatantanan ng batang ito?

"Ate, ang bilis mong tumakbo! Sabi ni kuya sundan kita kasi baka nasusuka kana daw.." ani niya habang hingal na hingal.

Aba't talaga nga naman ang lalaking yon! Anong nagsusuka? Tsaka diba may girlfriend siya? Bakit ako ang hinarap niya dito?

"Huwag kang maniwala sa antipatiko na iyo! Hindi ako buntis at mas lalong hindi ako magpapa buntis sa katulad nya!" ani ko at padabog na pumunta sa kuwarto.

Humanda ka sa'kin mamaya! Buntis pala ha? Naglilihi? Nagsusuka? Humanda ka talaga sakin mamaya! Iiyak ka sa pagod at sakit ng katawan mo pati na sa mga sasabihin ko sa'yo!

Hinding-hindi ako magpapatalo sa'yo! Ako si Cassandra Santiago! Anak ng Gobernador at susunod sa yapak niya!

Gusto mo pala ng ganitong laro ha? Sige, pagbibigyan kita hanggang sa umayaw ka!

Nang pumikit ako para sana matulog. Imahe niya ang nakita ko. Imahe ng walang pang-itaas niyang katawan kanina! Bwisit! Bakit ganon kaganda ang hubog ng katawan nun? Samantalang isa lang naman siyang mangingisda?

Mangingisda lang pala siya. Sayang, kung mayaman lang sana sya edi ngayon palang sana baka kinikilig na'ko sakanya! Pero, may girlfriend? Ano yun? Nasaan ang girlfriend niya? Sino? Bakit siya naandito? Paano sila nagkakilala? Bakit sabi ni Shantal kababata? Kung dito siya lumaki, edi taga dito?

Napaisip tuloy ako. Sino ba ang mga magulang niya at bakit wala siyang kamukha manlang dito? Hindi kaya.. ampon siya? Kasi ang gwapo niya! Oo! Gwapo naman talaga lalo na kapag naka hu.. Kapag, tulog..ay hindi! Hindi ko naman siya tinitignan Kagabi ah? Hindi ko tinitigan ang maamo at perpektong muka niya! Sinilip ko lang!

Umiling ako at hinampas ang unan bago pinikit ang mga mata. Nakakaloka! Matutulog na nga lamang ako! Baka sakaling sa panaginip ko mayaman siya at maging mabango! Sayang eh, sayang sya!

"Asawa ko.." bigla kong minulat ang aking mga mata at napatingin sa pintuan ng kuwarto. Ang lintik na ito ah! Hindi talaga nadadala!

Ibinato ko sakanya ang unan habang siya naman ay tumatawa lang na tila ba'y nag eenjoy pa siya! Bwisit! Humanda ka sa'kin mamaya!

"Gusto ko na umuwi!"

"Ano? Huwag kang mag selos kay aling pising asawa ko.." ani niya kaya nilapitan ko na at sinuntok ang dibdib niya.

"Bwsit ka talaga! Mamaya ka sa'kin!"

"Asawa ko.. maaga pa baka maipit pati ang Baby natin.."

"Gago ka talaga! Bwisit ka!" sigaw ko bago umalis at padabog na isinara ang pinto habang siya nama'y hindi maawat at pag tawa sa loob. Kainis!

Humanda ka sa'kin! Ipapakita ko sayo ang pag-uugali ng totoong buntis! Iiyak ka talaga sa sobrang hirap ng mga ipapagawa ko sayo! Makakaganti rin ako!

Badass Señorita Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz