Chapter 13

4 1 0
                                    

MATT POV

Habang on going ang klase hindi ako makapagfocus sa pakikinig dahil iniisip ko si Lex, ano naman kaya problema niya? Eh hindi niya naman ginaganyan si Ianne, ayaw niyang lumapit sa ibang babae dahil sabi niya baka magselos daw si Ianne pero ngayon kahit may instructor sa harap grabe pa din ang harutan nila ni Lovely.

Pinagmamasdan ko lang siya at kita ko na hindi siya naiilang sa kaharap niyang babae, kelan pa sila naging ganiyan kaclose? Eh ngayon ko lang nakitang nakipag usap sa ibang babae si Lex.

Hanggang matapos ang klase ay wala pa din silang tigil sa pinagtatawanan nila kaya sumabay na ako.

"Lex, tara na hatid oa natin si Ianne---"

" Kayo nalang. Ihahatid ko pa si Lovely eh" putol niya sa sinasabi ko.

Wow... Ihahatid pa?

" Paano si---"

" Kayo nalang maghatid" hindi nakatingin saaming saad niya bago isukbit ang bag niya at binitbit ang bag ni Lovely, oaalis na sana sila nang pigilan ko siya.

Tangina.....

"Andali nga! Seryuso Lex. Ano problema mo?!" Medyo inis na sabi ko

"Wala naman. Bakit mukha bang meron?" Kalmadong sabi niya kaya lako akong nainis.

"Hoy! Marcel! Si Ianne ang hinahatid mo hindi yang babaeng yan?!" Turo ko kay Lovely na napayuko sa sinabi ko.

" Don't you dare talk to her like that, Matt" madilim ang mukhang sabi niya pero hindi ako natakot dahil sa sobrang inis ko.

Magsasalita pa sana ako kaso nakita ko si Ianne na lalabas na sana ng room, parang wala lang sakaniya yung ginagawa ni Lex?!

Isa pang nakakainis!

"Yan---"

"Tara na" yaya niya saamin bago tumingin kay Lex at tinanguan lang?!

Seryuso?! Ano sila nagpapatigasan?! Kung sino susuko?!

"Pero--"

"Ano diyan pa kayo?" Lingon niya saamin dahil nakalabas na sita ng room.

Tinignan ko ng masama si Lex bago sumunod kay Ianne.

Bwesit ka Lex! Siguraduhin mong may paliwanag ka dahil kung hindi masasapak talaga kita!

"Hatid ka na namin, Yan" sabi ko sakaniya.

"Wag na. May puntahan pa kami ni Axis" sabi niya.

Isa rin itong si Ianne na may Axis kaya ayan nag aaway sila, ano sila nagpapaselosan?!

"Ano mo ba si Axis?" Di na ako makatiis!

Huminto ng paglalakad ni Ianne at lumingon sa akin na parang nagtataka.

"Hehe wag mo nalang pansinin tanong ko, Yan" bawi ko habang kumakamot sa batok.

Ang hirap magtanong nakakatakot baka hindi sagot ibigay

"Young--- Ianne! Ano tara na?" Masayang yaya ni Axis kay Ianne habang palapit sa pwesto namin

"Dala mo ba pinabili ko?" Tanong ni iyan sakaniya

" Oo, nasa kotse na. Let's go" sabi pa niya bago tumingin saamin.

" Excuse us" sabi niya at yumuko pa saamin

Paano ko aawayin ito eh sobrang galang niya saamin?! Tangina!

"Wala pa din yung isa niyong kasama?" Tanong niya at tumingin kay Ianne kaya tumingin din kami sakaniya.

She's Mine OnlyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant