Chapter 11

9 2 0
                                    

IANNE POV

"The process of training is on going, young lady. For the uero exam they take 28 nalang po agad ang natira" paliwanag nya. Exam lang bente otso na agad natira sa 150?  Unbelievable!

"Continue the process, Sea." Yun lang sinabi ko at binaba na ang tawag.

Masyadong marami ang tumatakbo sa utak ko at gusto ko muna makalimot kahit sandali lang

Kumuha ako ng chocolate sa bag ko at binalatan iyon bago isubo, kisses chocolate lang naman

Inunat ko ang dalawang kamay sa ibabaw ng sandalan nitong inuupuan kong bench at huminga ng malalim bago pumikit at nagmulat ulit nang maalala ko ang mga taong sakit sa ulo ko

Isa yang anaconda este Amanda na yan ang problema ko, masyado na siyang sineswerte sa pagpapahirap sakin akalain mo nga namang nairatay ako sa hospital ng limang araw, tangina ang sarap niyang balian ng leeg at ipakain kay Bite.

Tapos ito namang Lex bakla hindi ako tinatantanan simula nang lumabas ako sa hospital sabi niya baka sa kabaong na daw bagsak ko kapag hindi niya ako nabantayan, para namang hahayaan ko pa silang makaulit baka sila ang ilalagay ko sa kabaong ng buhay.

Idagdag mo pa si Ziya na kinukulit ako magkwento sa nangyare sakin habang wala siya, my god! Hindi ba sila marunong makiramdam na gusto ko manahimik?! Mga sakit sila sa ulo ko sarap nilang pagbubuhulin! Lakas nila makasira ng araw----

"Hey"

may isa pa palang nagkainteres sa buhay ko. Tsk

Tinignan ko lang ang lalaki sa likod at diko napigilang mapairap, ano naman kaya kailangan neto sakin

"Kailangan mo?" Tanong ng hindi nakatingin sa kanya

Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko tsaka bumuntong hininga.

"Napag isipan mo na ba ang alok ko?" Tanong niya-- ito nanaman siya

Napapikit ako ng mariin sa tanong niya

"Oo, ayoko" maikling sabi ko

Nakita ko sa gilid ng mata ko na humarap siya bigla sakin habang nakanguso

Ano ba namang mga lalaki meron ang eskwelahan na ito puro babaklain ang lalaki naman ng katawan

"Bakit ba ayaw mo? Ang ganda na nga ng offer ko eh" sabi niya habang umiiling pa

" Kung maganda yang offer mo sana hindi mo na ako pinipilit ngayon" kontra ko sakanya kaya lalong ginulo niya ang buhok kaya natawa ako.

Bigla naman siyang humasap ulit sakin na nanlalaki ang mata kaya tumigil ako bigla bago tumikhim.


"Ok i will tell you something pero wag mo sabihin sa mama mo" sabi niya kaya napaharap ako sakanya na may nagtatakang itsura at biglang dumilim ang mukha " bakit kilala mo mama ko? Sino ka?"

Nakita ko ang takot sa kaniyang mata at tumikhim

"M-mag promise ka muna kasi" mahinang sabi niya at medyo umatras ng upo

Bumuntong hininga ako para kalmahin ang sarili ko sa pagbanggit niya sa mama ko

"Sige,sabihin mo na" seryusong sabi ko

"I'm Axis Feliz from Italy and for your information i am here for almost two years and watching you from a far, my family is serving the Guererro clan since I was 12 maybe, ang hirap mo kasing mapapayag kaya kailangan ko sabihin sayo ito,  sabi niya wag ko daw sabihin sayo kaya wag mo sabihin sa mama mo na sinabi ko sayo ha" sabi niya na akala mo nakombinsi na ako sa sinabi niya.

She's Mine OnlyWhere stories live. Discover now