Chapter 8

14 3 0
                                    

LEX POV

Habang kumakain ay pinagmamasdan ko lang sya-- yung pagsubo nya ng kanin hanggang pagnguya at itsura ng pagkakaupo.....


Sige wag nalang natin pansinin yun tsk. Sa mukha nalang ulit kahit blangko atleast andiyan yung mata nya na magandang tignan na akala mo nakatingin ka sa malalim na parte ng dagat dahil sa dark blue na kulay neto. Labi nya na manipis at may kaliitan pero pink na pink. Yung ilong naman nya pointed bagay na bagay sa mukha nya.

Hindi ko masabi kung bakit ganito ako ngayon sakanya pero alam ko sa sarili ko na gusto ko sya baka mahal na nga eh-- oo araw palang ang lumipas pero kasi.... Alam nyo yun. Yung feeling na gusto mo palagi sya nakikita at ayaw mo na lumayo sakanya kapag nasa tabi mo na siya-- ahh basta! Ganun yung nararamdaman ko pag nasa paligid siya.

Habang inaayos ang pinagkainan namin ay may naisipan akong itanong.

"Bakit pala wala kang kasa-kasama? Pansin ko lang" sabi ko at uminom ng tubig.

" Trip ko lang. Tsaka kasama na kita eh---"

Pwoooooshhh!!!!

Naibuga ko agad yung tubig na iniinom ko at umubo ubo pa habang nanlalaki ang matang nakatulala sakanya. "H- ha?" gulat na tanong ko.


Natawa naman sya sa itsura ko na lalong kinalaki ng mata ko

Ang puso ko...

Napahawak ako sa puso ko ng maramdaman na biglang bumilis ang tibok neto at nawala pati pandinig ko

Para syang anghel na tumatawa sa harapan ko nakakagaan ng pakiramdam marinig ang tawa nya

"Hoy!" Tawag nya at tinapik pa ako sa balikat na nagpabalik sakin sa katinuan.tsk.panira talaga


"Oh" sabi ko at tumayo na para umalis para sa panghapon na klase.


"Tulala ka eh" sabi nya at nag umpisa na maglakad kya sumunod na ako

Palagi nalang ako sumusunod sa babaeng toh!


Pero sakanya ang daan patungo sa magandang kinabukasan kaya...sundan lang hahahah



Tsk


Malala ka na Lex, Patay ka


Habang nasa likuran nya ako ay pinagmamasdan ko ang paglalakad nya.... tomboy ata talaga siya, hiphop na hiphop ang datingan nya kulang nalang  shades at yosi.tsk. Pero hindi eh malakas ang pakiramdam ko na babae sya at ganyan lang talaga sya sa pananamit nya astigin ang trip eh


"Hai, Lex"


Napasimangot ako sa babaeng nasa harapan ko. Tinignan ko si Ianne at medyo nakakalayo na sya kaya lalo akong napasimangot


Di nya man lang ako hinintay!




IANNE POV

Itong baklang to dipa umamin na may crush sakin eh halata naman sa mga kilos nya. Hindi naman yan sasabay ng sasabay sakin kung trip nya lang kasi boring naman akong kasama. Tsaka pag kaharap ko palaging natulala sakin eh parang tinitignan nya lahat ng meron sakin.tsk bakla talaga.

Tapos ngayon nanaman habang naglalakad kami nasa likuran ko sya at ramdam ko na tinitignan nya ako mula ulo hanggang paa



"Hai, Lex"


dinig ko sa isang babae. Hindi na ako lumingon at nagdire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa diko na marinig ang pinag-uusapan nila.


She's Mine OnlyWhere stories live. Discover now