Sobrang bilis ng panahon, bukas twenty seven na ako. Samantalang dati nineteen lang.

I smiled bitterly as I remembered what happened on my nineteenth birthday. Kamusta na kaya siya ngayon? Eight years na ang nakalipas, ni-isa wala akong naging balita sakaniya.

Dahil sa pagod ay mabilis akong dinalaw ng antok, nagising nalang ako dahil sa sunod-sunod na doorbell sa pinto ko.

"Hala! Bakit hindi niyo sinabi na pupunta kayo?" Agad kong tanong bago sila salubungin ng yakap.

"Happy birthday," bati nila kaya nag pasalamat ako. "Surprise talaga yun hahaha," sabi ni tito bago tumawa.

"Hindi naman ako na-surprise, nainis lang ako. Ang aga-aga may nangbubulabog," biro ko na siyang kinasama ng tingin ni tito Liam kaya natawa kami. "Joke lang. Nasaan pala ang regalo ko?" I asked.

"Hindi kami makaisip ng i-reregalo kasi nasayo na ang lahat... boyfriend nalang ang kulang." Tsk! Tumatanda ng paurong ang tito ko, "kailan ka ba kasi magkakaroon ng boyfriend?"

Simula noong mag twenty five years old ako, ayan na ang palagi niyang tinatanong. Nakakairita lang, eh sa ayaw ko ngang mag boyfriend eh.

"Baka si kuya Ethan padin ang laman ng puso," naka-ngising saad ng kapatid ko.

I just shook my head, "Ethan mo bulok."

Hindi ba pwedeng ayaw lang mag boyfriend ng tao, eh sa na-trauma na ako. Anong magagawa ko sa puso kong hindi pa muling tumitibok para sa pagmamahal kuno na iyan?

"Lahari, kami na dito. Mag pahinga ka nalang jan." Saway ni tita Ali nang makita niyang naghihiwa ako ng hatdog na ilalagay para sa spaghetti.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa kwarto ko kung nasaan ang kapatid ko.

"Levi, gala tayo." Saad ko dito pag pasok.

Minsan lang kami makapag bonding ng kapatid ko kaya susulitin ko na. Simula nang mailibing si Mamang ay dito na ako nagpatuloy ng pag-aaral sa Manila hanggang sa ngayong nagkaroon na ako ng trabaho. Minsan lang din ako kung makauwi sa Zambales dahil sa trabaho ko.

"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Ivan.

"Punta ka dito sa baba. Dalian mo, birthday girl."

Nag mamadaling bumaba ako papuntang parking lot kung nasaan naka-park ang sasakyan ni Ivan. "Happy birthday," bati niya bago yumakap sakin.

"Thank you, ay hala nag abala ka pa." Gulat na saad ko nang may i-abot siyang bouquet of sunflower, at cake.

"Welcome, aysus wala iyon. Ayan ha, ikaw na mag iihip ng kandila jan para hindi kana mag tampo." Malokong sabi niya bago ngumisi.

"Baliw. Ang aga ata ng shift mo ngayon?" Kunot noo na tanong ko.

"Naki-usap ako kay Doctor Duminguez na kung okay lang na mag palit kami ng shift hour. Mabilis namang pumayag nang marinig ang pangalan ng favorite nurse niya." Ngumiti siya, "puntahan kita sa condo mo ng six p.m," dagdag niya bago humalik sa noo ko at mag paalam na mauuna na.

Parang tanga na napalingon ako sa kaliwang direksiyon dahil sa naramdamang parang may naka-tingin. Pag lingon ko ay wala naman. Pshh! Guni-guni ko lang iyon.

"Pumili kana ng mga gusto mo jan," saad ko kay Levi ng makarating kami sa men & women's fashion.

Napangiti ako habang pinag mamasdan ang kapatid kong namimili ng damit, grabe binata na talaga siya.

"Ate, saan mas bagay sakin?" He asked as he showed me two t-shirts.

"Parehas bagay sayo, sige na ilagay mo na iyang dalawa sa cart." Udyok ko dito bago bumalik sa pamimili ng damit para kay Aliza.

"Iyan lang ba ang gusto mo?" Tanong ko dito na siyang kinatango niya.

"Ang dami na nga nito, eh."

Siya ang klase ng kapatid na hindi talaga magastos, ako lang ang nag uudyok sakaniya para bilhin ang gusto niya.

"Minsan lang naman tayo magkita, minsan lang din kita nalilibre kaya sulitin mo na." I smile before ruffling his hair.

"Ate, sobra-sobra na nga, ehh. Ikaw din nag babayad sa tuition ko," saad niya bago yumakap sakin. "Thank you so much, ate. Kung hindi dahil sayo baka matagal na akong sumuko."

Ako ang mas matanda, natural ay ako na ang gagastos sakaniya. Lalo ngayong may trabaho na ako. Gampanin ko na iyon dahil ako ang panganay.

"Shh, ano ka ba. Sinabi ko naman sayo na andito lang ako palagi."

Nang sumapit ang ala-singko ay agad na akong nag ayos ng sarili. "Lahari, mauuna na kami. Mag-iingat ka dito," paalam ni tito Liam.

"Ate, mag ingat ka dito. Gusto ko na ng pamangkin." Saba't ng kapatid ko.

Muntik ko ng maibato ang cellphone ko dahil sa sinabi niya. Bwiset talaga itong kapatid ko na ito. Hindi ko alam kung kanino nagmana.

"Manahimik ka nga Levi, ingudngud kaya kita jan." Pagsusungit ni tito kaya natawa kami.

Pag-alis nila ay tinuloy ko na ang pag aayos ng buhok ko. Nag suot lang din ako ng plain white dress at sandals. Maya-maya lang ay narinig ko na ang doorbell kaya mabilis kong binuksan ang pinto.

"Tara na?" Bungad ni Ivan nang makita ang ayos ko, tumango naman ako bago kuhanin ang shoulder bag at susi ng pinto ko.

"Bagay na bagay sayo ang suot mo." Ivan said.

Napangisi ako, "nagagandahan ka na naman sakin."

"Sa suot hindi sayo," simpleng saad niya na kina kunot ng noo ko, aba't baliw itong Doctor na ito, ah.

"Tigilan mo ako kung ayaw mo na gawin ko ulit ang pagkulong ko sayo sa kabinet," ako naman ang nag seryoso kaya siya napailing.

Bago pa kami makasakay sa sasakyan ay natigilan ako dahil sa nakita, hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko kung noon pa man ay alam ko ng naka move on na ako.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now