CHAPTER 12: SHOW ME THE REAL YOU

8 3 0
                                    

CHAPTER 12
SHOW ME THE REAL YOU

Mizikiela's point of view

" Mga par. Boys. Aalis muna ha? Punta muna ako sa office ni ashy" Pagpapaalam ko sa kanila. Nagulat silang lahat dahil alam nilang lumalabas lang ako ng bahay tuwing weekend, since it's monday nirequest sa akin ni ashy na gusto niya ng home made foods, of course i can't say no. Kung makiusap pa naman sa akin yon kala mo ikakamatay niya.

" Eh? Sure ka par? May kasama kaba?" Tanong sa akin ni ericka.

" Actually wala. Pero sabi ng bodyguard ni ashy ihahatid nila ako papunta sa office" Tugon ko sa kanya. Kinuha niya ang bag niya na nasa sofa at tsaka bumalik ulit sa akin

" Samahan kita par, gusto ko naman din mabisita yung office niya kahit papaano" Masaya niyang sambit sa akin. Wala akong ginawa kundi pumayag sa desisyon niya, since it's akward if ako lang pupunta sa office ni ashy..

" Oh may sasama paba?" Tanong ko sa kanilang lahat. Nandoon silang lahat sa lamesa kung saan nakain ng tanghalian

" Um no thanks, busy ako sa mga ginagawa ko" Wika ni froi habang ninunguya ang pagkain niya

" Yeah same for me, gagawin ko pa yung kotseng nasira nung last mission" Sambit ni xyl habang naghuhugas ng plato

" Ikaw mik? Sama ka?" Tanong ni ericka kay mik. Kumuha ng kitchen towel si mik at ipinahid sa basa niyang kamay na galing lang sa paghuhugas ng pinggan

" Nako par gusto kong sumama. Kaso pinagluluto ko pa mga damulag dito" Biro niya sa aming lahat

" Ack-"
Nabulunan naman si froi at hiroto na kumakain sa lamesa. Natamaan ata sa silang dalawa sa sinabi ni mik

" Oi. Busy lang talaga kami ngayon, were not baby's. Mabuti ka nga nag luluto ka lang. Besides may gagawin pa ako after this" Naiiritang sambit ni hiroto. Napa halakhak nalang kami ni ericka at mik dahil sa ekspresyon ng muka ni hiroto na nakanguso

" Oh siya. Mag ingat kayo ha? And kamustahin mo yung sugat non, alam mong hindi pa nag hihilom yon. Kilala mo naman din si ashy. Minsan matigas ang lahi"
Paalala sa amin ni mik. Niyakap ko muna siya bago kami umalis ng bahay ni ericka at tsaka pumasok sa loob ng kotse.

Nang makarating na kami sa harap ng opisina ni ashy ay agad kaming bumaba ni ericka sa kotse at pumasok sa loob. Maraming tao pag pasok palang namin, at nagkukumpulan silang lahat at nag uusap

" Hey how the heck is our office in the 4th floor full of bullets?"

" The cctv didn't caught anything at all..."

"That's weird... Maybe because of what happend at summer festival.."

"But here in our company?"

Uh oh... Oo nga pala. Naalala namin na doon kami naglaban ni hakura. Magpaulan ng maraming bala si hakura sa loob ng office kaya panigurado puro bakas ng bala ang naandoon.

" Ops i didn't see that..." Mahinang wika ni ericka habang tinatakpan ang muka sa hiya. Geez nakakahiya nga naman.. Buti nalang hindi bukas ang cctv nung time na yon..

" Yeah let's forget about that.."
Sambit ko sa kaniya. Nang nagbukas ang pintuan ng elevator ay walang katao tao dito kaya tinanggal namin ang kamay namin sa muka.

" Yow par saang floor ba yung pinaka office ni ashy?" Tanong sa akin ni ericka habang namimili ng button na pipindutin niya

" Sabi niya sa 30th floor daw siya." Tugon ko sa kaniya. Pinindot na niya ang 30th floor sa elevator at tsaka nagsara ang pintuan ng elevator. Habang naghihintay kami ay nagkwentuhan kami ni ericka, since malayo pa naman ang floor na bababaan namin

Anonymous friend requestWhere stories live. Discover now