"Heheheh I'm just kidding, tsaka nga pala have you two entertain our visitor?" Hindi sumagot ang dalawa.

"Well I guess hindi, Jasmine meet Brenda my little sister and Juny. Brenda and Juny meet your ate Jasmine," ang akward kasi si Juny lang ang ngumiti sakin ng pilit at habang si  Brenda di nakikinig at di interesadong makinig.

Napatahimik nalang si Jerome ng maramdaman nyang wala talagang may interesadong mag usap-usap ngayon—syempre ako nahihiya ring magsalita lalo nat bisita lang ako rito baka atakihin rin ako bigla ng anxiety. Mahirap na.




Di naman nagtagal ang nakakabinging tahimik at akwardness sa loob ng dining area ng dumating si Manang Hermenia bitbit ang isang mangkok na may lamang ulam.

Inilapag ni Manang ang samut-saring ulam at kanin sa hapag, bago sya umupo ay inaya ang lahat na mag pray muna before kumain.

"Bless us O Lord in this thy gift which we are about to receive from thy bounty through Christ our Lord, Amen." nang matapos ang prayer ay kanya-kanyang lantakan na sa pagkain— di na ako nahiyang kumuha ng pagkain dahil nag wrestling narin ang mga bituka ko sa tiyan.

Habang kumakain ay dumadaldal rin pa minsan-minsan si Manang Hermenia at sinasagot o sinasabayan naman ito ni Jerome, habang kaming tatlo never nagsalita at tutok lang ang atensyon sa pagkain.

"Manang anlaki na ni Juny, binatang binata na heheheh baka may napupusuan na yang anak mo po," napahagikhik naman si Manang Hermenia bilang tugon.

"Naku senyorito may napupusuan nga iyan—"

"Naaaayyyyyyyy" sumingit sa usapan si Juny at halatang nahihiya ito sapagkat sya naman kasi ang usapan ng dalawang to. Imbes na mag sorry ang dalawa ay tumawa naman ito ng todo, ansaya nila parang nanalo ng lotto.

Kaya ayun ang mukha ng dalawang bata ay biyernes santo kasi pinag titripan ito ng dalawang kasama namin sa hapag. Di parin sila tumigil kakaasar sa dalawa, deep inside natatawa rin ako pero ayaw ko lang ipahalata baka kagalitan ako ng masyado ni Brenda— I don't think she likes me.

Mas pokos lang ako sa pagkain, tsaka ang ulam for today ay Ginataang gulay na kalabasa, tortang talong, at tinola na manok. Lahat ng dish ay masasarap, syempre luto ni Manang Hermenia. Kilala si Manang bilang isang magaling na cook sa baranggay Makakuyog, at isa si Manang Hermenia na mayordoma sa bahay na to.

"Bat ba tayo nag tatagalog?," may bahid na inis na tono sa pananalita ni Brenda na ikinahina at tigil ng dalawang kasama namin, syempre nagulat rin ako. Napabalik agad ako sa reyalidad matapos nya itong banggitin.

"Kung pwede man unta ta mag bisaya? Patagalog-tagalog pud, bisaya mang dako" (Kung pwede namang mag bisaya? Patagalog-tagalog, laking bisaya naman) napatikhim si Jerome at umayos ng upo, parang biglang nag bago ang aura sa loob ng dining area.

"Tagalog muna ang gamitin natin since hindi nakakaintindi masyado si Jasmine ng bisaya—" malumanay na sabi ni Jerome ngunit nangingibabaw ang seryoso na aura nito, ngayon ko lang nalaman ang side nyang to.

"Tsk. Kita pajuy mo adjust? Kita ang tag iya dapat silay adjust" (Tsk. Tayo pa talaga ang mag a-adjust? Tayo naman may ari dito dapat sya mag adjust) Brenda murmured pero narinig naman iyon naming lahat.

*Basag ng baso sound effect.

Nagulat kaming lahat nang biglang nahulog at nabasag ang baso na para kay Jerome dahil bigla nalang nyang dinaganan ang lamesa.

Napatingin ako diretso kay Jerome; mahigpit ang kapit nya sa clothing ng mesa, kunot ang noo, at pinipigil nito ang galit.

Napatayo si Manang Hermenia at pinapatahan nito si Jerome habang si Juny naman ay kinuha ang dust pan at   walis para iligpit ang nabasag nitong baso, habang ako? Parang na deep freeze sa kinauupuan ko at nakatunganga lang— what kind of visitor I am... I brought misfortune.

"Hijo ayaw palabi intawn huna hunaa naa ang ingon sa imoha tiyo, kalma na dong. Brenda kalakaw na adto nas kwarto nimo, pagdali lakaw na ako nay bahala sa imo kuya" (Hijo wag kang padalos-dalos alalahin mo ang pinayo sayo ng Tito mo, kalma ka lang dong. Brenda umalis ka muna sa kwarto mo, bilis pumunta ka na sa kwarto mo ako na ang bahala sa kuya mo) di ko alam ang gagawin, Wala akong naintindihan sa pinagsasabi nila.

Napaupo naman si Jerome ng tuluyang maka alis si Brenda, kumalma naman sya ng kaunti ng laging kinakausap sya ni Manang.

Wala akong nagawa.

Di parin ako makagalaw parang na paralyze ako sa nangyari, hinatid na ni Manang Hermenia si Jerome sa kwarto nito para kumalma ng tuluyan at makapag pahinga.


Naiwan kami ni Juny sa dining area, busy parin ito sa kakaligpit ng mga bubog sa sahig. Di man lang namin natapos ang pagkain na inihanda ni Manang at Jerome, iniligpit ko naman ito at nilagay sa isang tupperware— Sabi kasi ni Juny na doon ko nalang daw ilagay ang ulam at si Manang nalang daw ang bahala.

Habang nagliligpit ako ay nag dedeep thoughts na naman ako sa pangyayaring naganap kanina.






Di ko expect na magka ganun..

Ngayon ko lang nalaman tong side ni Jerome, I didn't meant it in a bad way but in good way. Ayaw nya sa hindi rumerespeto.

Si Brenda kamusta kaya sya, Kita ko sa mata nya Ang pag kagulat sa inasta ng kuya nya kanina.





I think misfortune talaga ako.
Nagdadala ako ng badluck,
Sana ay hindi ko nalang tinanggap ang alok ni Jerome.

Kung sana ay sumakay lang ako ng bus di to nangyayari e.




























⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹

A/N: heheheh thanks for reading!

The Red StringsWhere stories live. Discover now