May pic rin na karga ng Papa ni Jerome ang ate nitong nasa edad 4 years old ata, may family pic rin na nakatayo silang apat— Yung mama ni Jerome is pregnant at si Jerome at ang ate nya ay mga teenagers na at his father naman is katabi nito ang kanyang asawa.
Nawili ako sa kakatingin ng mga family pictures nila. Meron din kami nito sa bahay pero unti lang rin picture ko doon since di ako sumasali sa mga pictures nila dahil narin sa sakit ko, naalala ko nun nagtipon ang mga kaklase ko nung grade 6 para daw mag groufie selfie. Sinali nila ako sa groufie na labag sa kalooban ko, at doon nagka anxiety ako at inatake agad ng sakit ko. Sa taranta nila dinala agad ako sa hospital dahil nahihirapan na akong huminga, how funny to think na sa araw ng graduation namin sa elementary ay sinugod ako ng hospital.
"Who are you?" Napalingon ako sa bandang kaliwa ko ng may nagsalita— isang batang dalagita.
Napataas pa ang left brow nito habang naka tingin diretso sa kin.
Natameme ako kasi hindi ko alam anong sasabihin ko.
"A-Ah I'm Jasmine..." now what? Hinintay kong rumesponda ang dalagitang bata pero she just gave me an eye roll before she left. Saktong pag alis nito ay syang pagdating ni Jerome sa living room.
"Hey..." may malapad pa itong ngiti habang naglakad palapit sakin— nandito parin ako sa pwesto ng mga nakahalerang picture frames at portrait. Never move an inch.
"Okay ka lang?" Tanong nito at napatango naman ako bilang sagot—ayaw ko ring sabihin ang nangyari kanina, ayaw kong maging oa at assume.
*********
NASA dining area na kami at nakaupo sa isang malaki at mahabang lamesa kung saan maraming bakanteng pwesto na upuan, pinili kong umupo sa kaliwang bahagi at sa ika-tatlong upuan.
Katapat ko sa lamesa si Juny— anak ni Manang Hermenia na kaedad lang ni Brenda (Jerome's little sister).
Tahimik lang kami at wala ni isa naming tatlo ang nagsalita, busy pa sina Manang Hermenia at Jerome kakahanda ng pagkaing hapunan namin.
Panay titig lang sakin si Brenda at kung salubungin ko man yung tingin nya ay pinapaikot lang nito ang mga mata at umiwas ng tingin, si Juny naman tahimik lang na parang may sarili syang mundo.
Parang natutuyo yung lalamunan ko kaya panay ako ng igham, ilang seconds rin ang lumipas ay pumasok na sina Manang Hermenia at Jerome sa dining area na may dalang plato, utensils at baso— puro babasagin lahat ang ginamit nila.
"Teka dyan kana Senyorito umupo kana at ako na kukuha ng ulam"
"Tutulungan na kita Manang—,"
"Naku hijo kaya ko pa naman, umupo kana at asikasuhin muna ang iyong bisita" kumindat pa ito bago ito tuluyang umalis sa dining area. Napa lingo-lingo naman si Jerome na may ngiti sa labi— ganyan rin ako noon sa nanny ko, mas close ko pa si Nanny Juli kesa kay Mama.
Umupo narin sa wakas si Jerome—sa padre de pamilia na side ng upuan.
Parang na feel rin nya ang nakakabinging tahimik na bumalot sa dining area that's why he cleared his throat and started talking.
"Hey Juny, laki mo na ah" ngumiti naman ang batang si Juny.
"And Brenda do you still have a crush to this Juny boy?"
"Kuyaaaaaa?!" Humalakhak naman si Jerome sa case nyang to super saya nya habang ang kapatid nya super galit at inis at hindi na mapinta ang mukha.
YOU ARE READING
The Red Strings
General FictionRed Strings? Fate? Destiny? Jasmine Bernadaz never believed in such things. She always thought the world is cruel and pathetic just like her life. Then one day she end her life and leads to an accident- but unexpected person came up and give her hop...
•Chapter 5
Start from the beginning
