Chapter Twenty Eight

7.8K 318 42
                                    

Banana


Hindi ko mapigilang hindi magtaka.

Kanina pa talaga ako naghihinala sa mga kakaibang kinikilos ni Victoria. Nagsimula ito pagkababa nilang dalawa ni Lila galing sa k'warto niya.

Hanggang sa makaalis kami ng bahay nila ay parang wala na itong naririnig mula sa akin. Hindi man lang ako nililingon o hindi man lang magawang sagutin ang mga tanong ko.

Kahit sa pagsakay namin ng sasakyan ni Lila. Pagsakay ng isang private Jet at hanggang sa makarating ng Subic.

Halata naman talagang iniiwasan ako ni Victoria. Kung ano man ang napag usapan nilang dalawa ni Lila kanina ay wala akong kaalam-alam. Gusto kong malaman kung anong problema niya sa akin.

Sinabi na ba ni Lila? May sinabi ba siyang mga nalalaman niya tungkol sa akin kay Victoria kaya ganito ang kinikilos niya ngayon?

Ngayon ay sakay na kami ng Van at papunta na sa rest house kung nasaan sila Alex. Tahimik lang ako at nag oobserba sa mga kasama.

"Toni, 'di ba kilala mo naman si Alicia? Alam mo ba kung anong mga gusto at hindi niya gusto?! O kaya kung paano ko makukuha ang atensyon niya?" Pasimple akong nagulat. Hindi ko na pinahalata pero nagulat nga talaga ako sa narinig mula kay Mrs. Jade. Interesado ba siya kay Alicia? Bakit parang ang naging dating sa akin ay nagpaparinig ito sa akin patungkol sa nararamdaman niya sa kaibigan ko? Sa tingin ba niya ay tutulungan ko siya?

May asawa si Mrs. Jade, hindi ba?

Gaya ng sabi ko kanina ay sakay kami ng isang Van pero hindi ko katabi si Victoria. Halatang hindi ako nito gustong makatabi. Nasa passenger seat siya sa tabi ni Lila na nag da-drive habang ang dalawa sa kasunod at ako naman sa pinakadulo o likod na upuan nitong sasakyan.

"Alam mo ikaw, Jade. Hindi ko alam kung anong gamot ang nainom mo at si Alicia pa ang nagustuhan mo. E hindi ka naman papansin no'n e!" Sang ayon ako. Sa ugali pa lang ni Alicia ay mahihirapan na talaga siya.

Napansin ko naman ang pag crossed arm ni Mrs. Jade na parang hindi sang ayon. Seryoso ba talagang may pagtingin siya sa kaibigan ko?

"Hindi naman masamang magustuhan siya, Toni!" Asar na sagot pa niya sa kaibigan niya. Kung titignan, si Mrs. Jade ang kakaiba sa kanila. Mapapansin mo ang kaibahan niya sa mga kaibigan niyang narito sa sasakyan na 'to. Maybe she looks innocent but I don't want to be deceived by those.

"Walang pakialam iyon sa iba, Jade. Parang si Banana lang iyon na si Victoria lang ang pinapakialaman. E si Alicia nga kaibigan at libro lang ang alam niyang pansinin!" Malaking tama! Si Alicia ay hindi basta nakukuha ng kahit sino. Kung tutuusin nga ay hindi ko alam kung papayag ba siyang ma-in love sa kapwa babae.

Sa kakasagot sa sariling isipan ay napagpasyahan ko ng magtanong. Nilapit ko ang mukha mula rito sa p'westo ko sa likuran hanggang sa pagitan nilang dalawa ni Ate Toni. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko pero napakamot na lang ito sa pisngi niya.

"Kanina mo pa bukang bibig si pareng Alicia. May gusto ka doon sa yelo na iyon?" Natawa ako ngunit hindi ko mapigilan na malagyan ito ng pang iinsulto. May asawa ito at kasal siya pero may gusto siya sa kaibigan ko. Bakit hindi muna siya makipaghiwalay sa asawa niya kung gusto nga talaga niya ang kaibigan ko? Mas kapani-kapaniwalang malalim ang pagkakagusto niya kung uunahin niyang makipaghiwalay.

Dahil kung tutuusin, hindi rin papatol si Alicia sa may asawa.

"Isa ka pa, Saging. Ang puso ay titibok kung kanino siya magkagusto. E ang isang Alicia Santillan ang natipuhan ko e. Para namang sobrang big deal no'n! Edi ako na ang walang maipagmamalaki!" Inis na turan nito  sa akin bago humalukipkip.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon