"Ang arte mo naman, 'eh ayaw mo rin naman kasing sumabay sa akin sa bike..."


"Nakakahiya nga kasi!"


"Anong nakakahiya sa pagba-bike, Desiree?" Natatawa niyang tanong.


Napasimangot ako. "Basta ayoko!"


Hindi ako komportable doon. Isang beses sinubukan kong sumabay sa kanya sa bike, nasa likuran niya ako habang nakahawak sa gilid ng uniform niya. Noong una, normal lang ang pagpapatakbo niya pero nagulat ako ng halos nakikipagsabayan na kami sa takbo ng mga sasakyan sa kalsada.


Imbes na simpleng hawak lang sa beywang niya, hindi ko na naiwasang higpitan ang kapit ko at tuluyang yumakap sa kanya. Panay ang pang-aasar sa akin nina Mags at Pia dahil doon at kahit nang ibang estudyante na nakakita sa amin.


Tuwang-tuwa naman si Bryle. Inasar niya pa ako na tsumatsansing sa kanya! Ang kapal talaga!


Agad din naman kaming nakasakay ng tricycle at mabuti ay maagang nakarating sa campus. Sabay kaming naglalakad sa hallway nang may naalala ako.


"Malapit na ang graduation. Anong plano mo?"


Alam kong hindi ito ang unang beses na tanungin ko siya. Tulad ng inaasahan, natahimik siya at umiwas ng tingin.


"May isang buwan pa naman, Des." Tipid niyang sabi.


"We have to prepare for college admission, Bryle. May napili ka na bang university?" Kuryuso kong tanong sa kanya.


Kagabi, pinag-isipan kong mabuti ang desisyon kung luluwas ba ako ng Maynila o dito na lang sa kalapit na unibersidad mag-aral ng kolehiyo. Naisip kong manatili na lang muna dito sa amin, kahit alam kong may malaking opurtunidad na naghihintay sa akin sa Maynila.


Sa ilang buwang lumipas, hindi ako kailanman naging sigurado para sa aming dalawa. Our relationship was dull and blurry. Marami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang estado naming dalawa at kahit ako ay walang mahanap na sagot roon.


I like him and I know there's something more than I like him but I don't want to commit myself yet. At sa tingin ko ay ganoon din siya sa akin. But our actions was enough, the way we support and care for each other was already enough.


Hindi na naming kailangan klaruhin ang estado naming dalawa o kung ano kami sa isa't-isa dahil pareho naman naming alam at ramdam ang totoo. At para sa amin, sapat na iyon.


"I already told you Des, I want to pursue Med."


Umiwas ako ng tingin. "Dahil gusto ng parents mo?"


"Dahil gusto ko."


I felt my heart clenching. Inasahan ko na ito, narinig ko na rin ng paulit-ulit sa kanya pero umaasa akong may iba siyang plano para sa pangarap niya at para sa aming dalawa.

Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now