"Ah... Wala kasi si Tita Cynthia kaya napagdesisyunan kong samahan dito si Marcus. Lasing kase siya, baka kung ano pang mangyari sa kaniya."Nanigas ang buong katawan ko nang bigla niyang kinuha ang kaliwang palad ko.

"Salamat Boni ah... Sa pag-aalaga kay Marcus,"magiliw na saad niya. Halos mapunit ang mukha niya dahil sa lapad nang ngiting nasa mukha niya ngayon. Para siyang ina na nagpapasalamat dahil binantayan ang kaniyang supling.

Siguro nga ay napakabuting at maganda ang kalooban ni Christine kaya siya minahal ni Marcus.

Hindi niya alam kung gaano siya kaswerte sa nobyo niya dahil masasabi kong boyfriend material si Marcus.

Dapat ko na sigurong tigilan ang mga ilusyon ko. Ang isiping kayang suklian ni Marcus ang pag-ibig ko.

Dahil kung ikukumpara ang sarili ko kay Christine, malayong-malayo.

Minsan talaga may mga bagay na gusto mo nalang itago, bagkus natatakot ka dahil sa mga puwedeng resulta nito.

Ayoko man isipin na wala na akong pag-asa pa kay Marcus. Ngunit sa sitwasyong ito. Alam kong mas makakabuti sa lahat kung titikom nalang ako at ibabasura ang ilusyong gawa nang imahinasyon ko.

I love you Marcus, mahal na mahal kita. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko no'ng gabing iyon. Dahil kahit sa unang pagkakataon, nahalikan ko ang nga labing kay tagal kong ninais.

Alam kung napakaunfair sayo na minahal kita na mas higit sa inaasahan mo. Patawad kung hindi ko kayang magtapat sa 'yo.

Iniisip ko lang ang kapakanan nating pareho.

Hinding-hindi kita iniwan Marcus, bagkus lagi ka rito sa puso ko. No'ng araw na pumunta ako sa maynila upang manirahan kay lola Cita. Walang araw na hindi ako nagsusulat ng mensahe para sa 'yo.

Palagi kitang hinahanap dahil, ni ultimo kalaro ay wala ni isa no'ng mga oras na iyon.

Gustong-gusto kitang makita muli, ngunit masyado pa akong bata para kitahin ka noon. Umiiyak ako sa tuwing naalala ang mga kulitan natin. Nalukungkot ako sa tuwing papasok nalang ang larawan mo sa isip ko. Nanlulumo ako kapag naaalala ko ang mga ngiti na kay tagal ko nang hindi nasisilayan muli.

Ngayong nandito na ako sa probinsya. Ninais kong makita kang muli para makasama. Ngunit sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana.

Dahil hindi na natin lubos na kilala ang isa't-isa. Siguro nga ay maraming nagbago. Mga wangis at estado, ngunit hindi ang pagtingin ko sa 'yo.

Pero mukhang sisimulan ko ng burahin ang pagmamahal na umusbong dito sa aking dibdib.

Dahil alam ko kung sino talaga ang laman ng iyong puso.

Si Christine.

Natigil ako sa pag-iilusyon dahil naagaw ang atensyon namin dahil sa boses ni Marcus.

Hindi ko na kayang pigilin ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata.

Binawi ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Christine. Pinilit kong ngumiti.

"Mauuna na ako,"pagpapaalam ko. Tumango naman siya at mabilis akong humakbang papalayo. Sandali pa akong natigil at bumaling sa gawi ni Marcus.

True Colors (Novella)Where stories live. Discover now