TRUE COLORS 2

12 6 0
                                    

CHAPTER 2


MAAGA akong nagising dahil nasanay ang katawan ko sa bahay ni lola na maaga nagigising araw-araw. Ayaw ko pang tumayo sa kama dahil batid kung hindi pa gising si Tiya pasado alas kwatro palang ng madaling araw. Abala ako sa pagscroll sa facebook ng biglang may nagtext na unknown number.

Hey Boni, goodmorning. Have a nice day ahead.

Napangiti nalang ako dahil alam kong galing iyon kay Dong.

Sayo din. Happy morning.
Sent.

Maya-maya ay nagvibrate ang phone ko. Tumatawag si Dong! Sandali muna akong bumalikwas sa gilid ng kama bago ito sinagot.

"Hello..."saad niya mula sa kabilang linya. Medyo biyak pa ang boses niya, halatang bagong gising.

"Napatawag ka?"tanong ko.

"Wala lang gusto ko lang mangamusta,"natatawang saad niya.

"Halos magkatabi nga lang ang bahay na tinutuluyan natin,"saad ko habang tumatawa.

"Nakausap ko na pala sila JV, Buyong at 'yong iba. Gusto nila mag-outing. Game ka ba?"

"Magpapaalam muna kay T'yang Lourdes"

"Papayagan ka no'n, akong bahala sa 'yo,"saad niya sa masiglang timbre.

"Sige na, ibababa ko muna 'to, gising na yata si T'yang. Tutulungan ko lang sa baba,"wika ko nang marinig ang ilang yabag sa baba, mukhang gising na si T'yang Lourdes at naghahanda nang agahan.

"Sige sige bye..."Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil kagyat kung pinatay ang tawag at agad na bumaba. Nadatnan ko si T'yang Lourdes na nagluluto ng itlog.

"Oh, Boni ang aga mo yatang nagising?"wika niya nang makita ako.

"Maaga po kase akong natulog kagabi. Tulungan na kita T'yang,"prisinta ko. At aastang kukunin ang sandok sa kaniya.

"Kaya ko na 'to ano kaba, mas lalong nanghihina ng katawan ko kapag hindi ako nagkikilos."Wala na 'kong nagawa kundi ang umupo at panoorin siya. Ilang minuto rin ang lumipas at natapos niya na ang kaniyang niluluto, tinulungan ko na siyang maghanda ng mga plato.

"Tara Boni, magsilamon na tayo."Nagsimula kaming kumain, naging tahimik lang kami hanggang sa may pumukaw sa atensyon namin mula sa labas.

"T'yang Lourdes! Tao po!"bulyaw ng isang lalaki mula sa labas. Aasta na sana akong tatayo ng bigla niya akong pinigilan.

"Ako nang magbubukas,"prisinta niya at nagsimulang magtungo sa harapan ng gate. Ilang minuto rin ng itinagal niya bago ito bumalik.

Gano’n na lamang ang pagkagulat ko nang bumalik ito ng may kasamang binata. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa nakikita ngayon. Its Marcus!

I can't. I can't, lamunin ako nang lupa now na!

Wala pa ring nagbago sa kaniya. Brusko pa rin ang pangangatawan niya at mistiso pa rin ng balat niya. His lovely and sweet eyes, the perfect shape of nose, the pinkish lips. Even the spiky hair na nagpapadagdag sa kagwapuhan niya.

True Colors (Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon