TRUE COLORS 1

30 7 0
                                    

CHAPTER 1

“BONI!”Walang kung anu-ano ay sigaw ni lola mula sa baba. Halos tatlong oras na rin siguro akong narito sa aking kwarto, dahil nag-iimpake ako ng aking gamit dahil magbabakasyon ako sa ‘king tiyahin sa probinsya. Matagal na panahon na simula no’ng mamatay sila inay at itay dahil sa aksidente. Wala akong naging kapatid, si Lola Cita ang nag-alaga at nagpalaki sakin. Hindi lingid sa kaalaman niya ang buong pagkatao ko. I likes men. Yes I do.

Elementarya ako no’ng malaman ko ang tungkol sa aking pagkatao, well nagkakagusto rin naman ako sa babae, pero kadalasan nga lang. Mahirap isipin na isang lalaking kagaya ko ay magkakagusto sa kapwa lalaki. Natakot akong makutya at pagtawanan ng ibang tao kaya nanatiling sekreto sa amin ni Lola ang tunay na pagkatao ko. Siguro ay nagtataka kayo kung paano ko nagagawang itago iyon? Well simple lang. Sa tikas at maskulado kung mga braso, sa tindig nang paglalakad at pananalita ko. Hindi mo aakalaing may berde ang dugo ko. Sometimes naiisip ko, bakit hindi nalang ako naging babae? Para sana hindi ko na kailangan magpanggap sa harap ng ibang tao.

‘E ano pa nga bang magagawa ko? Hindi ko naman gustong sisihin ang magulang ko dahil ganito ang naging kapalaran ko.

Nagpapasalamat pa rin ako dahil may naging magulang ako na nagturo nang magandang asal at kabutihan.

“Opo ‘la bababa na po!”Kagyat kung sinabit ang dalawang bag sa balikat ko at nagsimulang bumaba. Nadatnan ko si lola sa kaniyang duyan. Nakatingin ito sa kawalan.

“’La aalis na po ako mag-iingat ka rito”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang malambot niyang kamay.

“Mag-iingat ka rin apo, lagi mong iisipin na hindi ka naiiba sa lahat,”wika niya sa malambing na tinig.

“Makakaasa kayo ‘la”

“At sana makahanap ka na ng magmamahal sayo at aalagan ka habang hindi pa ako pumapanaw sa mundong ito.”Ramdam na ramdam ko ang pagkasinsero sa kaniyang tinig. Sobrang thankful ako dahil mayroon akong mapagmahal at mabait na lola kagaya niya. Kung pwede nga lang hilingin na sana ay mabuhay siya magpakailanman, para hindi ako mawalan ng isang lola, kaibigan, at karamay sa buhay.

“Ilang buwan lang naman ako roon ‘la, h’wag kang mag-alala papasulubungan kita ng paborito mong mangga.”Pinilit kong ngumiti nang malawak upang matakpan ang lungkot na aking nararamdaman.

“Oh siya sige na lumarga ka na at baka maiwan kapa ng bus na iyong sasakyan.”Tumango lamang ako at nagsimulang maglakad papalabas. Pinagmasdan niya pa akong sumakay sa triycle, kumaway-kaway pa ito hanggang sa di ko na maaninagan ang bulto niya.

ALAS onse y medya na ng umaga ng makarating ako sa bahay nila Tiya Lourdes. Malaki ang bahay nila at masasabi mong may kaya sila. Kapitan kase sa barko ang kaniyang asawa at seaman naman ang kaisa-isa nitong anak na si Andrew. Nakakatandang kapatid ni Inay si Tiya Lourdes. Gustong-gusto niya akong papuntahin ‘lagi rito sa kaniyang bahay dahil wala itong kasama dahil nasa barko ang mag-ama niya. Mabait siya at maalagain katulad ni lola, sa katunayan ay gusto ko na sanang sabihan ang tunay na pagkatao ko sa kaniya. Ngunit natatakot pa rin ako na may magbago sa pakikitungo namin sa isa’t-isa.

“Boni! Ikaw na ba ‘yan.”Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Ngumiti ako at binigyan siya nang yakap.

“Kumusta po Tiya Lourdes?”tanong ko.

“Ito maganda pa rin,”sagot niya. Sandali niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. “Binata na ang Boni namin ah,”dagdag niya.

“Halika pasok ka sa loob,”pag-aalok niya at agad ko namang pinaunlakan iyon.

Malaki ang espasyo nang bahay nila kumpara sa bahay ni Lola Cita. May lima itong kwarto at may kaniya-kaniyang palikuran bawat silid. Malawak rin ang kusina at dinning area. Malawak din ang hardin nila sa likod, hindi na nakapagtataka dahil certified plantita si Tiya.

True Colors (Novella)Where stories live. Discover now