TRUE COLORS 5

12 6 0
                                    

CHAPTER 5


"Salamat Dong,"saad ko nang makababa ako sa kotse niya. Kakarating lang namin dito sa tapat ng bahay ni T'yang Lourdes.

"You're welcome kamahalan,"sagot niya. "Ayos ka na ba?"dagdag niya. Tumango naman ako.

"Itong damit mo pala ibalik ko nalang sa 'yo kung nalabhan ko na,"saad ko.

"Sa ‘yo na yan, regalo ko na sa 'yo,"

"Hindi tangeks, ibalik ko nalang sa bahay niyo kung tapos ko nalabhan. Makikikain pa ako sa inyo 'e,"sagot ko. Tumango-tango naman siya.

"Sige papasok na ako,"pagpapaalam ko. Hahakbang na sana ako papasok nang gate ng bigla siyang magsalita ulit.

"Boni, kapag may kailangan ka o gusto mo ng kausap nandito lang ako,"nakangiting saad niya. Makikita sa mga mata niya ang sinseredad nito. Ngumiti ako nang malapad at nagpatuloy na sa paglisan.

Wala akong ginawa nang ilang oras. Pinilit kong umidlip ngunit hindi ko magawa. Tatlong oras na akong nakadungaw sa bintana nang kwarto ko. Hinihintay na dumaan ang van na sinasakyan nila Marcus. Palubog na rin ang araw dahil mag-aalas sais y medya na ng gabi.

Gusto kong bumalik sa kinaroroonan ni Marcus, gusto ko siyang makita. Pero paano? Wala akong pinanghahawakan, at si Christine. Gagawa lang ako nang malaking gulo kung nagkataon.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto nang biglang kumatok si T'yang Lourdes. Kagyat akong tumayo upang pagbuksan siya.

"Kumusta ka Boni? Ayos ka lang ba rito?"bungad niya. May dala itong tray ng pagkain.

Hindi ako nag-atubiling papasukin siya. Inilapag niya ang dala niya sa lamesa at muling bumaling sa 'kin.

"Hindi ka ba nababagot dito sa Tiya mo?"

"Hindi naman po T'yang. Ayos lang po ako,"nakangiting sagot ko. Umupo ako sa tapat niya.

"Dinalhan kita nang pagkain baka nagugutom ka,"aniya at sinenyas sa 'kin ang pagkaing dala niya.

"Salamat T'yang,"nakangiting sagot ko.

Ngumiti siya nang malapad sa 'kin. Kinuha niya ang kamay ko saka iyon pinisil-pisil.

"Kung nabubuhay lang sana ang iyong ina, sigurado akong pinagmamalaki ka niya,"panimula niya. Parang may kung anong humaplos sa akin kaya nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Matagal ko nang natanggap ang pangyayaring iyon. Ngunit sa tuwing bumabalik sa 'kin ang nga alaala, nalulungkot nalang ako bigla. "Masakit man isipin na sabay nawala ang Inay at Itay mo. Siguro may plano ang diyos para sayo. Lagi mong tatandaan Boni na andito lang kami palagi. Pamilya mo kami, mahal ka namin kaya h'wag kang magdadalawang isip na kausapin kami kung may problema ka o ano man,"dagdag niya.

"Nagpapasalamat po ako T'yang kase lagi kayong nandyan. Kayo nila lola at iba pa. Salamat po sa lahat,"abot ngiting saad ko.

"Hindi mo kailangang magpasalamat Boni, responsibilidad namin 'yon bilang pamilya mo."Parang may sariling buhay ang katawan kong yumakap sa kaniya. Niyakap din naman ako ni T'yang pabalik.

Ilang segundo rin kaming nasa gano'ng sitwasyon. Ako na ang kusang kumalas sa pagkakayakap.

"Bakit parang mas maaga ka yatang umuwi kaysa kila Marcus?"takang tanong niya.

"Nagpahatid na po kase ako kay Dong, gusto ko na po kaseng umuwi,"paliwanag ko.

"Oh siya maiwan muna kita rito at magluluto muna ako ng pang gabihan natin"

"Tulungan na kita T'yang,"prisinta ko.

"Ay naku ayos lang, magpahinga ka nalang dito dahil alam kong nakainom ka. Kainin mo 'yong nasa tray ah,"aniya. Tumango-tango naman ako.

True Colors (Novella)Where stories live. Discover now