TRUE COLORS 7

9 6 0
                                    

CHAPTER 7

"HINDI ka na ba mag-aagahan dito?"tanong ni Marcus, pagkalabas ko nang banyo. "Nagluto ako,"nakangiting aniya. Nakasuot na siya ngayon ng black t-shirt and simple white short.

But god! Ang gwapo niya tignan. Kahit magdamit pulubi pa siguro siya ay magmumukha pa rin siyang modelo kung titignan.

"Ah... Hindi na doon nalang ako kay T'yang Lourdes kakain, baka naghihintay na siya eh,"palusot ko. Sa katunayan gusto ko lang lumayo sa lugar na 'to, tuwing naaalala ko kase ang mga nangyari kagabi, para akong kinikitilan nang buhay dahil sa kahihiyan.

"I see..."sagot niya. "By the way goodmorning."Tanging pagngiti at tango nalang ang sagot ko.

"Sige mauuna na ako,"pagpapaalam ko.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang palabas ng kwarto niya. Napatigil ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Ang pakiramdam na iyon.

Ang pakiramdam no'ng gabing iyon. Parang bumalik lahat sa 'kin ang lahat ng nangyari kagabi. Kung paano niya hawakan ang kamay ko't inilapat sa kaniyang mukha.

Ang pagdampi ng kaniyang kamay sa balat ko.

"Salamat nga pala kagabi... Hindi mo 'ko pinabayaan."Punong-puno ng kasiyahan ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang din akong napangiti.

"Wala 'yon,"kiming sagot ko. "Bakit kaba kase naglasing?"takang tanong ko. Sandali kaming nabalot ng nakakabinging katahimikan bago siya tuluyang nagsalita.

"'E pa'no iniwan mo 'ko 'e."Tumitig siya nang diretsyo sa aking mga mata. Agad naman akong napaiwas dahil 'di ko kayang labanan ang mga tingin na 'yon. "Galit ka ba sa 'kin Boni?"

Hindi ako nakasagot. Tanging paglunok lang ang nagawa ko.

Mas lalo akong nalunod sa kaba ng bigla niyang hawakan pa ang isa ko pang kamay.

"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin."God please, alam kung ang rami kong kasalanan pero h'wag namang ganito.

Lamunin ako nang lupa now na!

"Ah... Eh... Wala naman."Mabilis kong binawi ang nga kamay ko. "Sige mauuna na ako,"pagpapaalam ko. Kagyat kong tinungo ang pinto papalabas ng bahay nila.

Ngunit gano'n na lamang ang pagkabigla ko ng makita ang pamilyar na mukha sa harap ng bahay nila Marcus.

Si Christine. Anong ginagawa niya rito?

Ngumiti siya ng malapad nang masipat ang kinatatayuan ko.

"Oh Boni right?"takang tanong niya at animo'y inaalala ang wangis ng mukha ko.

"Ah... Oo,"tipid kong sagot, "a-ano palang ginagawa mo rito."Kahit hindi ko siya kilala, hindi ko alam kung bakit ko natanong sa kaniya iyon. Siguro ay nilamon na ako ng kuryosidad ko. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng kalungkutan.

"I'm here for Marcus, mukhang hindi kasi naging maganda ang naging usapan namin kahapon. Nandito ba siya ngayon?"takang tanong niya. Labag man sa kalooban ko, tumango pa rin ako. "Ikaw bakit andito ka?"

True Colors (Novella)Where stories live. Discover now