Tinignan ko siya. Siya yata si Kierra, 'yung magandang transferee na nagkakagusto kay Kiro. Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan. Wow, I'll be the subject of jealousy and issue in this school again. Ano bang nakita nila sa mayabang na iyon at ako naman ang bubuhusan nila ng selos at galit. Famous na ba ako? Natatawa kong ulit sa sarili.

Hindi pa man ako nakakalayo at may nagsalita na agad. “Hoy!” Aba, ewan ko sa inyo. Hindi ako lilingon.
“Hoy! Makating higad!” sa tatlong salita na iyon ay lumingon ako sa mga inggiterang babaeng 'yon. Dahil sa kalmado kong mukha na walang bakas ng insulto sa kabila ng pang-iinsulto nila, alam kong mas lalo pa silang nainis.
“Bakit ba ang lakas ng kapit mo kay Kiro ha? Makati ka, girl?” tanong ng inggiterang babae 1. Napatawa na lamang ako sa kaniya.
“Friends daw? Baka naman may hidden agenda ka teh? Hahahaa!” dagdag naman ng IG 2.
“Layuan mo siya, pwede ba? Huwag ka ngang malandi! Hindi ka naman kagandahan. Buti nga matalino ka eh.” si Sierra naman ang nagsalita ngayon.

Tinignan ko silang lahat ng walang sinasabi. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago magsalita. “Is that all? Any second opinion? Do you have anything to say?” mataray kong tanong sa kanila. Ngunit bago pa ulit makapagsalita si Sierra ay itinaas ko ang cellphone ko at inihirap ito. Kasalukuyang nakikinig si Kiro dahil tinawagan ko siya para marinig niya ang mga sinasabi at insulto ng fans niya sa akin. Siya rin naman ang nagbilin na magsabi raw ako sa kaniya agad kapag ganito ang nangyayari. Binuksan ko ang speaker para marinig nilang lahat.

“I'm...I'm so sorry, yshee. I'm disappointed with them. Where are you right now?” at pinatay ko na rin ang tawag agad.

“Ano? If you want Kiro to like you someday, then you should be friendly to anyone around him. We've been friends even before I transferred here so we know each other more. Another thing, he doesn't want a rude girl.” sinabi ko naman sabay irap sa kanila. Ha! Akala niyo kayo lang ma-attitude ha.

Hindi na matiis ni Sierra kaya mabilis siyang lumakad sa akin at akmang sasampalin ako. Dumating si Jay at hinablot ang kamay ni Sierra para ilayo sa'kin. “What are you doing?!” sigaw niya kay Sierra at hindi siya nakapagsalita. “What's going on?!” tanong pa ni Jay sa amin.

Nang bitawan ni Jay si Sierra ay takot itong tumakbo palayo habang naluluha at sinalubong siya ng mga ambisyosa niyang kaibigan. I flipped my hair and took a deep breath. “Kasira ng araw. Hays!”

Sumabay si Jay sa akin habang naglalakad ako papuntang school. Nakita ko ring patakbong lumapit sa akin si Eli at Kiro. “Okay ka lang, yshee?”  sabay nilang sambit. Ininom ko ang bigay na tubig ni Kiro sa akin at binigyan ko sila ng impit na ngiti. “Ayos lang ako. Hindi naman ako pisikalang nasaktan.”

Sandaling tumahimik ang tatlo at hinampas ni Eli si Kiro sa braso. “Ito kasi eh. Hindi pinagsasabihan 'yung fans. Sasabunutan ko mga 'yon ang isa't isa eh.” Magsasalita sana si Kiro ng inawat siya ni Eli. “Oh, huwag na huwag mo nang gagamitin 'yang ‘kasalanan ko bang pogi ako’ statement at baka isabit kita patiwarik!” dagdag niya pa.

“Ito naman oh.” sagot ni Kiro sa kaniya at binigyan ako ng tingin na tila humihingi ng pasensya sa nangyari.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Jay sa likod. Paniguradong may bago na naman siyang pang-asar sa pinsan niyang takot kay Elisha. Binigyan siya ni Kiro ng masamang tingin.

“Okay talaga ako. Hindi pa ba ako sanay? Halina kayo at pumasok na tayo sa room. Malapit nang mag time.” aya ko sa kanila. Hindi na nagsalita ang tatlo dahil alam nilang mas gugustuhin ko ng katahimikan. Kaya naman sabay na kaming tatlo ni Jay at Kiro sa room namin, samantalang humiwalay si Eli dahil sa kabilang section siya.

Recess time na ngayon at natapos ang dalawang klase sa umaga nang hindi ko naririnig ang usapan ng mga kaklase ko. Maya't maya'y hindi maiiwasang lumapit sila sa'kin para alamin ang detalye ng gulong naganap kanina lang. Of course,  I stated the fact and nothing more dahil hindi naman ako ang magsisimula ng gulo lalo na kung walang sense.

Never Seen This ComingWhere stories live. Discover now