Prologue

7 0 0
                                    

Mapaglaro ang buhay...

Minsan, may mga bagay na dadating sa panahong hindi mo inaasahan.

May mga sitwasyon na mahirap pero mapipilitan kang pasukan.

May mga taong kailangan at kailangan mong pakisamahan.

May mga tao kang makikilala at magiging kaibigan.

...at may tao kang mamamahalin ng lubusan.

May mga araw na gigising kang naguguluhan.
Iisipin kung dapat mo bang panghawakan ang isang bagay.

Kung magtatagal ba?
Kung magpapatuloy ba ang relasyon niyo katulad ng nangyari nung una.

Kung ang ‘once upon a time’ ba ng istorya niyo ay magtatapos sa ‘happily ever after.‘’

Kung mananatili ka ba sa nakasanayan mo na o sa bagong tao na nagparamdaman sayo ng mga bagay na ngayon mo lang naranasan...

Kung magpapatuloy ka pa ba sa paglakad sa napili mong daan...

Kung mananatili ka pa bang susugal sa isang bagay kahit alam mong ang pagkapanalo ay walang kasiguraduhan...

Taking risk is dealing with things we have no ability to foresee the result.

Because we already know that,

Things happen in a way that is opposite of what we are expecting.
Things happen in a way that you've never seen them coming.

Never Seen This ComingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon