Chapter 06

0 0 0
                                    

Thank you for what you've said earlier. To tell you the truth, it made me feel comfortable and it eased my pain a bit.” Malungkot akong nakangiti habang binabasa ang text ni Jay sa akin. Malungkot ako hindi para sa sarili ko, kundi para sa kaniya. Dahil halata naman at makikita mo sa mga mata niya kung ano ang totoo ilang beses niya mang itago sa amin: na nasasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Kayezelle at halatang mahal niya pa ito. Hindi ko alam kung 'mahal' nga ba ang tamang salita para doon ngunit baka nga para sa kanila, pagmamahal na iyon.

Hindi ko maiwasang isipin na kahit masakit ang naging katapusan nilang dalawa, nagkaroon rin sila ng magandang simula. Naging masaya rin sila noong una, mas nakilala nila ang isa't isa at mas minahal ang pa ang isa't isa sa kakulangan at imperpeksyon nila. Siguro nga, hindi rin naming maiwasang mainis kay Kayezelle ngayon dahil sa mga pang-aabuso niyang salita. But they know each other better. At silang dalawa ang nakakaalam ng totoo nilang pinagdaraanan.

“That's what friends for, right? Don't conceal your true feelings. If it hurts, then cry it out or shout it out. You're a human being too, Jay. Of course, it's normal for you to cry or to get mad. I'm hoping for you to get better soon.” reply ko naman sa kaniya.

At pagkatapos noon ay bumaba na ako papuntang kusina para kumain. Ipinaghanda ako ni mamita ng pasta ngayon dahil mabigat rin naman ito sa tiyan. Nakangiti siyang umupo sa tabi ko pero nawala agad ito ng napansin niya akong malalim ang iniisip.

“What's the matter, yshee? May nangyayari ba sa school?” tanong niya sa'kin.
Umiling naman ako at binigyan siya ng ngiti. “Wala naman po, mamita. Curious lang ako ngayon so I'm thinking of something.”
Pagkatapos niyang uminom sa fruit shake na ginawa niya at nagtanong siya uli. “What are you curious about? D-don't tell me boys 'yan ha. Omg, may boyfriend ka na ba, yshee? Bakit hindi ko 'yan alam?” mabilis at sunod-sunod niyang salita.
“This is about a guy, mamita but it's not what you're thinking of. Wala akong gusto, mamita.”
“Then what is it?” she looked at me.
“Sa tingin mo mamita, possible ba na may love na sa ganitong age? I mean, I'm still 15 and so does my classmates. Pero it seems like they're already serious about it. They cried when they get into fights with their boyfriend or girlfriend; or when they broke up. I just don't understand why they spend their times doing things that will not help them now.” ulat ko.
“Hmm.” binitawan ni mamita ang hawak niyang mga kubyertos.
“True love in fifteen? I'm not really sure about that. But I knew a lot of couples who fell in love with each other when they're still high school. Some of them were married now. Maybe, it's not possible, yshee. Pwede rin namang sa ngayon, mababaw pa 'yung relasyon nila and as the time passes by at nakikilala na nila 'yung isa't isa, mas lumalim na ito. And of course, natural lang naman umiyak kung nasaktan ka 'di ba? Malay mo, mangyari rin 'yan sa'yo when you're least expecting it. It's just that life, my dear, work in its own way. Everything is fated or destined to happen.” dagdag niya pa.

Tumango na lamang ako sa sinabi ni mamita. Wala na rin akong maisip na sabihin dahil nasagot niya naman lahat ng mga bagay na gusto kong tanungin. Nang natapos ang tanong kong 'yon ay hindi ko na ito sinundan. Pinagpatuloy na lamang namin ang pagkain at ako ulit ang naghugas ng mga ginamit namin ngayon.

After washing the dishes, I decided to watch ‘The Irregulars' in Netflix with mamita. Buti nalang at walang assignments or projects ngayong araw kaya't wala akong poproblemahin. I think it's not bad to relax once in a while.

Mamita and I also decided to put a face mask on our face as we watch the netflix series. We also had tea for the night before we turn off the television and sleep on our room.

Gumising akong maayos naman na nakatulog. Agad akong naligo, inayos ang sarili pagkatapos kumain ng umagahan at dumiretso na sa school.

Pagkapasok ng school ay ramdam kong maraming mata ang mga nakatingin sa akin. Napatawa naman ako sa sarili dahil halatang ito nga ang mga echoserang palaka na nagkakagusto sa umag na si Kiro Miguel. Napansin ko rin ang babaeng matangkad na may mahabang buhok, maputing balat at singkit na mga mata na natila nangingibabaw sa grupo ng mga kababaihang pinapanood akong maglakad.

Never Seen This ComingWhere stories live. Discover now