Chapter 03

2 0 0
                                    

Dummy... Dummy... Dummy... Dummy?

What the---
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng lalaking 'yon. Hindi naman ako clumsy ah. Sadyang nagmamadali lang kaming pareho ng waiter kaya hindi namin namalayan na magkakabungguan pala kami.

'Pero aminin mo, clumsy ka talaga.' sabi ng utak ko.
"Oo na. Oo na! Clumsy na talaga!" pasigaw kong sabi. Napatingin sa akin si mamita sa biglaang asal ko at binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Yshee, hija. Maayos ba ang pakiramdam mo?" tanong niya. Napatango na lamang ako dahil ayoko nang sumagot pa. Nahihiya ako sa ginawa ko kanina. Napayakap na lamang ako sa jacket na pinahiram sa akin ni Hayden dahil nilalamig ako at gabi na rin.

Pagkalabas namin ng mall ni mamita, wala na kaming mahagilap na tricycle. Buti na lang at nakita namin ang isa sa kapit-bahay namin at pumayag sila na isakay kami dahil kung hindi ay baka wala kaming masakyan at hindi kami makakauwi.

Mabuti naman at hindi matagal ang biyahe dahil malapit lang ang bahay namin. Pagkadating namin ng bahay, kwarto ang unang pinuntahan namin ni mamita. Napahiga ako sa kama dahil sa sobrang pagod at hindi ko na pinaplanong bumaba para kumain since kumain na kami kanina.

I was about to fell asleep when my phone beeped. I reached for my phone atop of the table. Tinignan ko kung anong meron.

Aries: How's today, sleepyhead? Did you have a good time?

Napangiti na lamang ako sa text niya. Tila ba biglang nawala ang pagod ko.

Me: I did have a good time. Though I've caused a mess in a restaurant where we've dine in for dinner. How about you? How's your day?

Hindi rin nagtagal at nagreply siya sa message ko. Maybe he's not busy today. He's the type of person who is workaholic and loves to study.

Aries: Well, well. It's not new to me haha. You've been causing a lot of mess you know. But don't take it in a wrong way. I actually find it cute because it makes me wanna take care of you even more hahaha.

Hindi ko alam kung ano nga bang irereply ko sa text ng mokong na 'to. Kahit kailan talaga ay bolero siya. Indeed, this guy talks sweetly. Pafall siya in fact. Buti na lamang at nasanay na ako sa ganito niyang galawan.

Me: Oh? Did I? Hahaha. I am not aware.
Me: No need. I can take care of myself.
Aries: Here comes the person with a high pride. Aminin mo na, you want me to take care of you right?; )

I don't know what to say. I didn't reply him. After 5 minutes, he sent a message again.

Aries: Where are you? Kinikilig ka siguro 'no? Ayan. Delikado. Mabilis ka mahulog. Kaya ka laging naloloko eh.

Medyo nainis ako sa sinabi niya. Pero I admit it. Totoo nga naman ang sinabi niya. Minsan na rin kasi akong nahulog sa salita ng isang lalaki. He's my crush actually. 'Yon lang. Hanggang crush lang. Ito kasing lola niyo. Nahuhulog agad sa salita at mga pangako.

In the end, naggrow naman siya at natuto. Paulit ulit na sakit lang pala ang sagot sa natatanging katangahan niya.

Me: Don't tease me, aries. I swear I won't talk to you anymore. Charot. You really know how to hit me on the home huh? Fine. Ikaw na ang panalo.
Aries: Ayan. Ganiyan dapat, lioness. But let me tell you this once more: the right one will come. Matraffic man siya, he'll do his best and he'll try all the way just to find the path to meet you. You are important so don't compromise your value again, okay?

His message melted my heart. Ilang beses niya man akong asarin o awayin, agad agad naman siyang nakakabawi sa mga ganitong bagay. Maybe you are thinking na masyado akong mababaw. Pero malalaman mo naman at mararamdaman mo when a person is sincere with his words.

Never Seen This ComingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon