CHAPTER 1

378 10 0
                                    

20 Years Later

Sylvia Luis's POV

2000

18 ako noon nang makilala ko si Thomas A. Tan. Parehas kaming third year college and same course. An Architecture student.

Ang sabi ng karamihan, hindi raw kami compatible sa isa't-isa. Bakit nga raw? Kasi parehas 'yong ugali namin.

Hindi ba't compatible na kami? Dahil naiintindihan namin ang isa't-isa?

Matalino si Thomas, matalino rin ako. Pareho kaming tahimik, at ilang words lang ang nasasabi namin sa isang araw. Parehas kaming mahilig sa prutas lalo na kung orange ito.

Medyo snob siya at ganoon din ako. Basta parehong-pareho ang ugali namin. Dahil ika nila, "opposite do attract."

Madalas daw nagkaka-develope-an ang mga magkaiba ng ugali. Pero para sa akin mas mahuhulog ka sa kapareho mong ugali.

Bored lang kami noon, isa pa ang dami ring classmates and schoolmates namin ang couple.

Kaya hayon, naisipan naming mag-on na. As in boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako.

Normal naman ang date namin. Pupunta kami sa SM at maglalaro ng games doon. Maglilibut-libot kami sa loob ng mall.

Bibili ng kung anu-anong abubot. At kakain kami sa Starbucks. Magde-date kami sa Enchanted Kingdom at sasakay ng mga rides.

Tahimik na uupo kami sa bench na nasa park at magmamasid lang kami sa paligid. Naka-holding hands pa kami.

Pero hindi kami nagsasalita. Para kaming pipi kung magkasama. Sinyales lang ang ginagawa namin. Tila napapagod kaming magsalita.

"Tara snack?" Pag-aaya niya sa akin matapos ang klase namin sa morning season.

"Sure," maigsing sagot ko at kinuha na niya sa akin ang pink na backpack ko.

Sinuot niya ito kahit na masyadong pang-girl ang kulay ng bag ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na tinungo ang cafeteria.

Sabi ko nga 'di ba, nagkaka-unawaan kami? May sparks naman sa pagitan namin.

Guwapo si Thomas at gustung-gusto ko siyang pagmasdan. Lalo pa ang dimples niya sa magkabila niyang pisngi.

Gentleman naman siya, kaya nga siya ang nagdadala ng bag ko kahit na ang gaan-gaan lang.

"Mag-be-break din sila."

"They are not compatible each other."

"Paano ba naman kasi, eh parehas silang tahimik at snob pa. Paano nila mamahalin ang isa't-isa?"

Hindi na bago sa amin ang mga naririnig namin. Tahimik lang kami at tila hindi pa namin narinig ang mga sinasabi nila.

Kasi nga hindi mahalaga sa 'yo ang opinion ng iba. Ang mas mahalaga ay kayong dalawa.

"Order," aniya at tumayo na siya upang bumili ng pagkain namin.

Ako naman ay naghanap ng bakanteng table para sa amin. Nilapag ko na ang dala-dala naming bag at umupo na ako.

Pinagmasdan ko ang paligid. Maraming estudyante ang kumakain sa loob ng cafe. May magba-bakarda, may mga couples at karamihan ay magkaibigan lang din.

Maya-maya lang ay umupo na sa tapat ko si Thomas. Dalawang pansit cantoon, apat na pirasong tinapay at dalawang soft drink ang binili niya.

 20 Years Later (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon