Chapter Twenty Four

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagbabantang para sa mga bata lamang ang gano'ng klaseng laro. Akala ata niya ay wala kaming alam tungkol dito sa mga pagbabanta sa kaniya. Pwes, nagkakamali siya.

"Kaibigan mo talaga si Alex?" Bulong ng isa sa mga kaibigan ni Alex sa tabi ko. Tumango ako rito. Ayaw pa ata nilang maniwala e. Tapos ang mga kasama naman namin ay nag uusap-usap na kaso hindi ko sila maintindihan dahil ang buong atensyon ko ay na kay Victoria.

Nilingon ko naman muli si Victoria na tahimik at hindi na muli nagsalita. Para siyang busy sa sarili niyang mundo. Nag iisip ata siya kung paano ako papatayin gamit ang laser niyang mga mata.

Paano naman kasi, ayaw daw ako makita pero kung magalit naman siya, aba akala mo pinagdadamot na ako sa kahit sino e. Kung saan man ito nagsusuot kanina ay hindi ko alam. Nauna pa ako rito sa cafeteria bago sa kaniya. Napakagaling talaga.

"I excuse myself first. I need to go to Mrs. Gonzaga's office." Nakatingin lang ako rito hanggang sa tumayo siya. Hindi pa nag iinit ang puwetan namin ay aalis na siya agad?

Gagaya ba siya kila Alex at Miss Tala?

"Babalik ka pa ba rito after?" Tanong ni Ate Sherez sa kaniya.

"Hindi ako sigurado, Sherez e."

"Oh, okay. See you around then, Victoria." Tumango at ngumiti si Victoria kila Ate Sherez.

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya sa kamay na ikinatingin niya ng masama sa akin.

Napapangiwi na lang talaga ako sa loob-loob ko dahil dito. Ang laki na naman at ng kasalanan ko.

"P'wede ba tayo mag usap sandali?" Tumingin siya saglit sa mga kasama. Mukhang nagdadalawang isip pa kung papayagan ba ako o hindi. "Hindi naman magtatagal, Victoria."

Hindi ba talaga ako na-miss ng irog ko? Pagkatapos niyang hindi nagturo sa klase namin ng tatlong araw? Tapos malalaman ko na dito lang pala siya naglalagi. Ang dami-daming tao dito, hindi ko maiwasang mag alala. Galit kaya ito kasi hindi ako nagpupunta ng bahay nila?

Pambihira, siya magagalit? Baka nga natutuwa pa siyang hindi ako nakikita e.

"Okay." Para naman akong nabunutan ng tinik dahil pumayag siya. Tumayo na rin ako bago kunin ang ilang gamit niya. Hinayaan niya lang ako bago kami nagpaalam ulit sa mga kasama na tahimik na tumatango lang. Hindi naman talaga sila tahimik. Ang ingay kaya bigla nila Galaxy lalo na si Ate Summer na kung ano-ano ang sinasabi.

"Victoria—"

"What do you want to talk about?" Nahimigan ko ang walang ganang boses niya na medyo ikinatigil ko, napalunok pa ako ng bahagya habang napapatingin sa mga estudyanteng napapalingon sa aming dalawa tuwing nakakasalubong namin. "Make it fast, Banana. May pupuntahan pa ako."

"Victoria—"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Miss Crescencio." Pambihira naman, oo. Pangalawang beses na niyang pinutol ang sasabihin ko. Paano ako mag uumpisa niyang magpaliwanag? Tapos Miss Crescencio na naman ang tinawag sa akin? Akala mo naman hindi niya ako ninakawan ng halik no'ng kailan lang e. "I am busy."

Pero hindi ba't ako naman ang humalik sa kaniya? Ah, basta. Unang halik ko iyon kaya siya ang nagnakaw sa akin no'n.

"Ang sungit naman." Bulong ko sa sarili. "Wala pa naman kasi e pero pinuputol mo na agad ang sinasabi ko."

Hindi talaga ako nito nililingon at deretso lang ang tingin sa dinadaanan niya. Estudyante pa talaga ang iiwas sa daanan niya para hindi lang siya mabangga. Medyo masungit na naman kasi ang presensya nito e.

Wala nga akong kaalam-alam na Sports Day pala ang ganap dito. Akala ko kung ano lang kaya maraming tao kahit no'ng mga nakaraang araw. Ang ganda sana makipaglaro sa mga booths nila kaso ayaw kong iwan ang irog ko. Baka kung sino lumapit, masapak ko pa.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon