Chapter 18

1.7K 83 12
                                    

"Babs, I'm really really sorry. Wala talaga akong ideya na gano'n ang sasabihin niya sa iyo. . . kung alam ko lang. . ." Suminghap siya at naiinis na inihilamos ang parehong palad sa kaniyang mukha.

Humakbang ako papalapit at hinimas ang kaniyang braso para pakalmahin. "Okay lang, Brenz. Ano ka ba!" Ginawa ko ang lahat upang hindi ipahalata ang pekeng pagtawa. Umiling-iling pa ako para mas lalo siyang makumbinsi. "Wala kang kasalanan, okay? At saka, sanay na 'ko kaya you don't have to worry about me. . ." dagdag ko pa.

Of course, that was a lie. Because right now, I felt so ashamed and embarrassed. Kung puwede nga lang na tumakbo na ako palayo at huwag nang magpakita pa kahit kanino dahil sa labis na kahihiyan.

Pagak akong natawa sa aking isip. Walang hiya naman, oh. Akala ko'y sanay na ako sa mga ganoong klaseng tagpo. Akala ko'y mas masakit na iyong mga salita ng mga taong mula sa paligid at kilalang-kilala mo. . . pero mali pala ako. Wala rin palang pinagkaiba ang sakit ng talas ng dila ng mga taong ngayon ko lang nakatagpo.

Pero anong magagawa ko, 'di ba? Iyon naman ang totoo.

Nang hindi siya kumibo ay ako na mismo ang humawak sa kamay niya at hinila siya palabas ng gymnasium gamit ang nangangatog na tuhod. Hindi ko na inalintana pa ang mga matang naiiwan sa amin sa tuwing dumadaan kami sa kanilang harapan.

Umakto akong normal at masaya habang tinatahak namin ni Brenz ang direksyon patungong parking lot. Batid kong hindi siya kumbinsido sa mga ikinikilos ko ay hindi na siya nagsalita pa na siyang ipinagpasalamat ko naman.

Bukod kasi sa ayaw kong mag-alala pa siya sa akin ay ayaw ko ring masira ang araw na ito. Dahil kagaya nga ng sinabi ko ay isa ito sa magiging espesyal na araw para sa aming dalawa. Kasi ang totoo niyan ay pina-plano ko na siyang sagutin mamayang gabi, sa mismong oras ng graduation ball.

"So pano ba 'yan, Babs? Susunduin na lang kita mamayang gabi." He smiled at me as we stopped walking.

I nodded my head nonchalantly. "Sige. Congrats ulit sa atin, Brenz."

"Congratulations din, Hadassah. At sorry ulit sa mga nasabi ni Tita. . ." And before I could react, his soft lips landed on my forehead.

Hinalikan niya ako sa noo. . .

Sa harapan ng maraming tao. . .

Sa harap ng Ate Samantha at Daddy ko. . .

Hindi ko nagawa pang makapagprotesta pa hanggang sa tumalikod ang lalaki at maglakad na palayo. Nanatili akong tuod sa aking kinatatayuan habang awang ang labi. Wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib nang maramdaman ang marahas na pagtambol nito. Nakakapigil hininga ang bawat pagpintig. Nakakapanindig balahibo.

"Ano na, Hadassah Marie? Tara na! Gutom na 'ko!"

Kung hindi pa ako kakaladkarin ni Ate Sam patungo sa aming sasakyan ay hindi pa ako babalik sa ulirat. Naiiling ngunit naroon ang ngiti sa labi ni Daddy nang pagbuksan niya kami ng pinto sa backseat at habang nasa biyahe nga ay panay ang talak ng kapatid ko sa akin. Hindi ko na lang siya masiyadong pinansin dahil sa oras na ginawa ko iyon ay mas lalo pang hindi matitigil ang bunganga niya.

"Ako na ang magma-makeup sa 'yo, Hadassah Marie. Ako na rin ang pipili ng isusuot mong dress because knowing your taste. . ." Maarte siyang umirap sa kawalan bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Baka magmukha ka lang katawa-tawa sa party."

"Kailangan ba talagang sa tuwing magsasalita ka ay may kasamang panlalait?" tamad kong tanong ngunit mahihimigan doon ang pagkainis.

She, then, took a quick glance at me as she let out a sarcastic laugh. "Sana kaya mo ring sumagot ng ganiyan sa ibang taong nanglalait sa 'yo 'no?"

Weigh Your Worth (Published Under GP)Where stories live. Discover now