Chapter 13

1.6K 83 6
                                    

Matagal akong natuod sa kinatatayuan bago tuluyang mag-sink in ang salitang lumabas mula sa bibig ni Brenz. Katulad ng isang atletang sumali sa karera, gan'on kabilis ang pagkalabog ng aking dibdib. Nakakaubos ng hininga. Tila mayroong hinahabol.

At nang makabawi ay saka ko lamang napagtanto na medyo nakalayo na ito sa akin. Marahan at mabagal ang bawat hakbang niya na para bang sinasadya niyang gawin iyon upang makahabol ako.

Marahas akong lumunok at hindi na nagdalawang-isip pang sakupin pa ang malawak na distansya sa pagitan naming dalawa. I grabbed his arm tightly to stop him from walking. Tumigil naman ito ngunit nanatili pa ring nakatalikod sa akin. Ramdam ko ang paninigas ng kaniyang katawan at maging ang pag-akyat ng dugo mula talampakan hanggang tainga ay hinding-hini maipagkakaila.

"Gusto mo 'ko? May gusto ka sa 'kin?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa naging tono noon. It didn't sound confused, mad, disappointed or what. . . because if I was given a chance to label it, that was more likely to be a hopeful one.

Suminghap ako at mariing kumuyom ang kamao nang unti-unting gumalaw ang mga paa ni Brenz upang lingunin ako. Malamlam at punung-puno ng sinseridad ang paraan ng paggawad ng tingin sa akin. Bahagya pa niyang itinagilid ang kaniyang ulo at ipinagkrus ang mga braso sa kaniyang dibdib. Habang ako'y heto, nakatulala at walang magawa sa pabilis nang pabilis na pagkalabog ng dibdib.

Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaniyang ipinagtapat o hindi kaya'y sa paraan ng pagtitig niya. Masiyado kasi itong malalim, na tipong sa sobrang lalim ay nakakatakot akong nababasa niya ang nilalaman ng aking puso at kaluluwa.

"Oo. Gusto kita. Gustong-gusto kita," wika nito na tila ba siguradong-sigurado.

Nanginig ang aking mga labi. "P-Pero bakit?"

"Anong bakit?" kunot noong tugon niya na kalauna'y natawa. "Bakit hindi?"

"Ang ibig kong sabihin. . . bakit ako?"

Sumibol ang isang matunog na ngisi sa kaniyang labi, itinagilid niya ang ulo habang naniningkit ang mga matang tumitig sa 'kin. "Bakit hindi ikaw, Hadassah?"

And that made my mouth go agape. Hindi ako nakapagsalita at tuluyang napipi na. Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay para akong lumulutang sa ulap kasabay ng pagbaha ng napakaraming tanong sa aking isip.

In all honesty, I don't freaking know what I should feel. Gusto kong tumili sa labis na kilig. Gusto kong ngumiti nang napakalawak na para bang nangangarap. Gusto kong akuin lahat ng gawaing bahay dahil pakiramdam ko'y ang gaan-gaan ng lahat. Ngunit sa huli ay pinigilan ko ang sarili. Baka mamaya ay isipin ng mga tao rito sa bahay na nababaliw na ako, especially si Ate Sam na palagi na lang yatang may sinasabi sa bawat kilos ko.

Even so, I just found myself dialing Melissa's number at sa kaniya ko sinabi ang lahat ng mga nangyari kanina. Ine-expect ko na magagalit siya or kokontrahin niya ang kasiyahan ko, but it turned out na mas malakas pa yata ang ginawa niyang tili kaysa sa akin. Kung hindi ko pa siya papakalmahim ay hindi pa rin siya titigil.

"Hay wakas! Hindi na torpe ang pinsan ko!" she giggled from the other line.

Namilog naman ang mga mata ko dahil sa tugon niya. "Alam mo?! Totoo ngang may gusto sa akin si Brenz?"

She bit her lip to suppress her wide smile as she nodded her head. "Uh-huh, matagal na 'no. Alam din iyon ni Griven. Wala akong idea kung kailan pa siya may gusto sa iyo pero alam ko ay matagal na rin. You've been a schoolmate ever since, right?"

Gulantang akong tumango kaya mas lalong lumawak ang ngisi niya sa labi. Kung ganoon, matagal nang may gusto sa akin ang lalaking iyon? Pero paano naman mangyayari iyon? Eh nito lang kami naging malapit sa isa't-isa. Oo, nakikita at nakakausap ko siya noon pero karamihan yata sa pagtatagpo namin ay puro pang-aasar lamang niya.

"Maybe you didn't notice since duper ultra mega crush mo si Griven. . ." Melissa added, which made my cheeks heated up in so much embarrassment.

Hindi ko na crush si Griven ngayon!

"I'm sorry, Mel. Hindi ko alam na may girlfriend siya." Nahihiya akong nagtakip ng mukha dahil naalala ko iyong mga kahibangan ko nitong mga nagdaang buwan sa boyfriend niya.

Me, imagining things like Griven is my boyfriend. . . gusto ko na lamang matawa.

"But hey, what did you answer to Brenz ba? Did you confess you like him, too?"

I bit my lower lip and slowly opened my mouth to answer, "I didn't." I let out a soft sigh as I stared at her in the camera. "Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil hindi naman ako sigurado kung gusto ko rin ba siya. I'm still weighing things, Mel. Basta masaya akong malaman na may nararamdaman siya para sa akin. . ."

I know Brenz's intention for me was pure, lalo na noong sinabi niya sa akin kanina na liligawan niya ako upang mapatunayan ang sarili sa akin. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan at magduda.

What if he's just making me believe that he likes me pero sa loob-loob ay pinagtatawanan niya ako? Bakit sa dinami-rami ng magaganda at sexy na babaeng nakapaligid sa kaniya, bakit ako? Bakit ako na kung ikukumpara sa kanilang lahat ay walang-wala at tiyak na talunan? Bakit ako na maraming insecurities sa buhay lalo na sa aking katawan?

"Don't you ever doubt his feelings and intentions for you, Hadassah. Hindi ko ito sinasabi dahil pinsan ko si Brenz. I'm saying this because I witnessed how he was head over heels over you. At loko-loko lang 'yon pero he respects you so much. Kaya kung ano man ang maging desisyon mo, kung hindi mo man siya magustuhan pabalik, I know he'll understand and respect that too."

Those were Melissa's last words before finally ending up our call. I slept with a well lighted heart that night until the whole weekend passed by.

Nang sumapit ang panibagong Lunes ay excited akong naghanda papasok sa eskwelahan. I chose the best civilian outfit I could wear. I also put light make-up on my face and I couldn't help but to smile while staring at myself in the full-length mirror.

"I looked so. . . pretty," nangingiti kong papuri sa aking sarili bago lumabas ng silid.

Naabutan ko pa sina Mommy, Daddy, at Ate Samantha na masayang kumakain ng breakfast. Nang makita nila ako ay sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa akin ngunit tanging si Daddy lang pumansin sa akin. Inalok niya akong sumabay na sa kanila kaya dahan-dahan akong lumapit sa dining table at umupo sa pwestong nakalaan para sa akin.

Hindi nakaligtas sa akin ang pag-ngiwi ni Ate Sam na tila ba nasira ang mood niya dahil sa akin kaya binilisan ko na lang ang ginagawang pagkain. Matagal din silang natahimik sa harap ng mesa bago muling magsalita si Mommy.

"Nagda-diet ka ba, Hadassah? Kasi nasabi sa akin ni Sam na nagjo-jogging ka na rin daw at nag-g-gym," she told me, so I stopped from my track and nodded my head proudly.

"Yes, Mom. Brenz finally encouraged me. Masarap din naman po sa feeling ang mag-exercise dahil nakakatulong po siya para maging productive ako sa maghapon. . ." kwento ko pa at masayang tumango-tango si Daddy.

"That's good to know, Hadassah! And also, it helps you to become a better version of yourself," komento pa nito.

I heard Mommy pour out a low groan before she shook her head lazily. "I think that's not a good idea, hon. Look at Hadassah, panay ang exercise niya pero hindi naman siya pumapayat. Ni hindi nga nababawasan ang timbang niya. She's just wasting her time!"

"I couldn't agree more," dagdag na wika pa ni Ate Sam. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nagtama ang mga mata naming dalawa at hindi nga nakaligtas sa titig nito ang pang-uuyam na tila ba isa akong katawa-tawang nilalang.

Mapait akong umiling at napailing sa aking isipan. Imbis na pagtuunan pa iyon ng pansin ay pinagsawalang-bahala ko na lamang ang lahat. I'm used to it. I'm totally used to their words and I think I'm to dumb to feel offended that was why it didn't bother nor hurt me anymore. 

Weigh Your Worth (Published Under GP)Where stories live. Discover now