Prologue

4.9K 248 115
                                    

Ever since, I've always been the center of attention. Not because I'm pretty, not because I'm genius, not because I'm talented. . . but always because of my size. People never get tired of repeating the same questions they asked every time they see me. Ako na 'yong napapagod sa mga paulit-ulit nilang tanong na paulit-ulit ko rin namang sinasagot. Hindi ba sila nagsasawa? Kasi ako, sawang-sawa na. In my eighteen years of existence, wala na yata akong ibang narinig kundi ang mga katagang. . .

"Maganda ka sana kaso mataba ka,"

"Wala ka bang balak mag-diet?"

"Ano ba 'yan? Patagal nang patagal lalo kang lumalaki!"

"Alam mo, Hadassah. Kung gusto mo ng maraming kaibigan at kung gusto mong may magkagusto sa 'yo, magpapayat ka. Tingnan mo 'yang anak ko, oh! Maganda na, sexy pa! Kaya ayon, maraming kaibigan at hinahabol pa ng mga lalaki!"

"You should lose weight. Sayang naman 'yang talino at talent mo kung mataba ka."

It was exhausting to hear. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, wala akong ibang nakikita kung hindi ang mapanghusga nilang mga tingin, na kahit takpan ko pa ang mga tainga ko, paulit-ulit ko pa ring naririnig ang mga masasakit na salitang binitawan nila. Tila nakatatak na iyon at kahit kailan ay hindi na mabubura pa.

Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip. Sa hugis at timbang ba talaga ng katawan masusukat ang halaga ng isang tao? Is there really a weight limit on beauty? Dapat ba talaga na pasok ka standards ng society bago ka ma-appreciate ng mga tao sa paligid mo?

Today was my grandmother's birthday. Mahigit isang oras din ang inabot ko kakahanap ng matinong damit na susuotin. Halos lahat kasi ng isukat ko ay hindi na kasya. Ramdam ko ang butil-butil na pawis na nabubuo sa gilid ng aking noo kahit na kakatapos ko lamang maligo. This was my most hated part every time na may pupuntahan akong ocassion. Ang hirap humanap ng damit na isusuot!

Ayaw ko rin sanang sumama kaso hindi naman maaari. Nang makarating nga kami sa bahay ng grandparents ko ay hindi na ako nagulat nang ako na naman ang naging center of attention ng aking mga kamag-anak.

Just like now. . .

"My gosh, Hadassah! Don't be so sensitive. Iyong sinasabi namin sa 'yo, it's just. . . it's just criticism!" saad ng isa sa mga relatives ko.

"Tita Amanda is right," panggagatong pa ng mas nakakatanda kong kapatid na abala sa paglantak ng fried chicken. "You know what, Hads. You should learn how to accept criticisms. H'wag mo kasing masiyadong dibdibin 'yong mga sinasabi sa 'yo ng mga nasa paligid mo. Totoo namang mataba ka, ah? So ano bang ine-expect mong sasabihin sa 'yo ng mga tao?"

Tumango ang iba kong kamag-anak na nakikinig at bahagya pa silang natawa. Marahas ang ginawa kong paglunok bago iniyuko at pinaglaruan ang mga kamay ko.

Of course, Hads. They wouldn't understand. Your sister wouldn't understand you. Ni kahit kailan yata ay hindi siya nakatanggap ng masasakit na salita mula sa ibang tao. She was everyone's favorite. The apple of the eye. With her soft feature face and a body to die for. . . sino ba naman ang hindi hahanga sa kaniya, 'di ba? Ang unfair nga, eh. Kahit na hindi naman masiyadong katalinuhan, palagi pa ring nasa kaniya ang mata at papuri ng mga tao.

"May point nga naman ang kapatid mo. Imbis na magmukmok ka sa isang tabi at kumain nang kumain, bakit hindi ka na lang mag-exercise?" tanong na naman ni Tita Amanda.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya at pilit na ngumiti. "Nagbabawas naman po ako, Tita. It's just that. . ." I swallowed the lump in my throat as I looked away. "Malaki lang po talaga ang epekto sa akin nitong sakit ko."

Her forehead creased, confusion was written on her face. "Bakit ano bang sakit mo? Katamaran?" she mockingly whinned at muli na naman silang nagtawanang lahat.

"N-No, Tita. I have—"

"Regardless of what disease you have, it doesn't change the fact that you are fat and you need to lose your weight," she cut me off and heaved a lazily sigh. "Mabuti pa itong Ate Samantha mo, marunong makinig sa mga payo namin."

Nagsalubong ang mga mata namin ng kapatid ko ngunit siya na rin ang naunang nagbawi ng tingin. Ibang topic na ang pinag-usapan nila kaya naman nakahinga na ako nang maluwag. Napagdesisyunan kong lumabas na lang muna para magpahangin. Magalang akong nagpaalam sa kanila ngunit walang pumansin sa akin. Dala ko sa paglabas ng bahay ang isang monoblock chair.

Umupo ako roon at mariing pinikit ang mga mata ko nang humampas sa akin ang malamig na simoy ng hangin. I just couldn't help but to smile bitterly in my mind.

You couldn't really please everyone, could you? You couldn't please them to like you nor to accept you for being who you are. Ang masakit lang dito, kahit ilang oras akong tumingin sa salamin, hindi ko na rin makita ang sariling halaga ko.

My insecurities were loud and getting bigger and bigger every day that passed by. It was suffocating and in all honesty, it was eating me alive.

Palihim kong hinihiling sa aking sarili na sana. . . na sana maganda rin ang katawan ko dahil hindi ko na alam kung ano ba ang mas mahirap sa dalawa; ang pilit na pagkasyahin ang masikip na damit o ang pilit na pagkasyahin ang sarili sa mga taong nakapaligid kahit tanging natatanggap ko'y puro mga pangungutya at panlalait. 

Weigh Your Worth (Published Under GP)Where stories live. Discover now