Chapter 4

2.1K 138 32
                                    

Akala ko ay hindi talaga seseryosohin ni Griven iyong sinabi niya ngunit laking gulat ko nang kinabukasan ay nakita ko siyang nag-aabang sa labas ng bahay namin. Nakakahiya nga dahil halos ilang minuto na pala siyang naghihintay sa akin ng hindi ko alam.

Magkasama kami sa loob ng kaniyang kotse ngunit agad ding maghihiwalay pagkababa sa parking lot. It's fine with me, though. Maraming mai-issue na tao sa paligid at ayaw ko namang ma-issue siya sa akin. Nakakahiya. Okay na sa akin ang makasama at masilayan siya tuwing umaga. Pakiramdam ko ay magaan at kumpleto na ang araw ko basta makasama ko lamang siya!

"Have you eaten your breakfast?" he asked, smiling.

Pigil ang ngiti kong tumango sa kaniya. "I-Ikaw, kumain ka na ba?" I lied.

Siyempre, nagda-diet ako. Hindi rin ako kumain kagabi kaya nararamdaman ko talaga ang pangangalam ng sikmura ko ngayon. Tinitiis ko lang.

"Yeah," tipid niyang sagot at tumango. "Fasten your seatbelt, Hads. Aalis na tayo."

Tumango ako at sinunod ang utos niya. Hindi ko maiwasang mamangha habang pasimple ko siyang pinagmamasdang magmaneho. Sa bawat pagmaniobra niya sa kotse ay natatanaw ko rin ang pagflex ng kaniyang biceps.

What an amazing view! Braso pa lang ulam na!

Nang makarating kami sa school at maipark niya ang kaniyang kotse ay agad akong ngumiti nang matamis at nagpasalamat sa kaniya.

"No problem, Hads. Bukas ulit?" aniya at sunod-sunod akong tumango.

Nauna akong bumaba ng kotse. Mabuti na lamang ay wala pang gaanong tao sa paligid. Halos mapunit na ang labi ko sa sobrang lawak ng aking ngiti habang naglalakad patungo sa aming classroom. Ngunit ang ngiting iyon ay agad nawala nang mayroong umakbay sa akin. Base pa lamang sa amoy ng kaniyang pabango ay kilalang kilala ko na. Hindi ko na kailangang lingunin pa.

"Hi, Babs! Mas maganda ka pa sa umaga!" energetic niyang bati, nakaakbay pa rin sa akin.

Inis kong tinanggal ang braso niyang nakadantay sa balikat ko. "Umayos ka nga, Brenz. Umagang umaga sinisira mo araw ko!"

He looked shocked but the amusement was still evident in his eyes.

"Hala. Bakit ka sumisigaw? Inaano kita, Babs?" natatawang aniya.

Umirap ako sa kawalan. Imbis na patulan ang mga pang-aasar niya ay mas binilisan ko na lamang ang paglalakad. Imposibleng sundan pa ako nitong mokong na 'to dahil nasa ikatlong palapag ang room namin habang ang kanilang classroom naman nina Griven ay nandito lang sa ground floor. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi na nga siya sumusunod sa 'kin. Tumungo na siya sa direksyon na papunta sa Cafeteria.

Ang lalaking 'yon! Ang lakas talagang makasira ng araw! Parang kabute na palagi na lamang sumusulpot sa kung saan.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita siya ng mga kababaihan ay tila ba lumiliwag ang mundo nila, samantalang kapag nakikita ko siya ay nagdidilim ang paningin ko sa kaniya. Ewan ko rin ba kung bakit patay na patay sa kaniya ang mga babae, samantalang ako ay heto, gusto siyang patayin dahil sa sobrang inis.

Pero siyempre, hindi ko gagawin 'yon. Hindi na nga ako maganda tapos magiging criminal pa ako? No.

Nang mga sumunod pa na araw ay ganoon pa rin ang ginagawa ni Griven. Nakilala na rin siya nina Mommy at Daddy. Aware ang parents ko na may gusto ako sa kaniya kaya naman grabeng pang-aasar palagi ang inaabot ko. Isa lang naman ang palaging kontrabida sa buhay ko at iyon ang nakakatanda kong kapatid na si Samantha.

Ate Sam is definitely beautiful. Walang duda iyon. Palagi siyang nananalo sa kahit anong beauty contest na salihan niya. She's the crowd's favorite. Maging sina Mommy, Daddy, at iba pa naming kamag-anak ay proud na proud sa kaniya at palagi siyang ipinagmamalaki. Kaya nga hindi na rin nakakagulat na nakukumpara siya sa akin.

Weigh Your Worth (Published Under GP)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt