Chapter 17

1.6K 68 4
                                    

"Para ka namang others, Babs. Ang pangit mo mag-joke!" he growled at me.

I heaved a soft sigh and caressed his cheek in a gentle manner. "Sorry na nga, 'di ba? Hindi ko naman alam na seseryosihin at iiyakan mo pa 'yong sinabi kong busted ka na. I-I was just joking. I immediately looked away, slightly embarrassed and feeling guilty.

Nang wala akong marinig na tugon mula sa kaniya ay mas lalong bumagsak ang aking balikat. So gano'n? Gano'n talaga katindi ang tampo niya sa akin na umabot pa talaga ng isang araw na hindi ako pinapansin at kinakausap?

I groaned and met his gaze again. Balak ko sana ulit humingi ng sorry at magmakaawa pa nang paulit-ulit, ngunit laking gulat ko nang makitang abot-langit na ang ngiti nito sa labi habang kumikinang ang mga matang nakatitig sa akin.

Nahugot ko ang aking hininga kasabay ng bahagyang panginginig ng tuhod. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa lakas ng aircon dito sa Computer Lab o dahil ba sa mabilis at nakakahingal na pintig ng aking puso.

Gathering all my strength and courage, I spoke up again, "A-Ano? Ba't ganiyan ka makatingin? Sorry na nga, eh!" I irritably muttered and trailed off, "Oh sige, ganito na lang. Bilang pambawi, ikaw na lang ang date ko sa graduation ball? Take it or leave it!"

Matapang at nakapamewang kong sinuklian ang tingin na ibinibigay niya sa akin, kahit na sa loob loob ko'y naghuhumurementado na ang aking buong sistema. Imbis na sumagot ay maingat siyang humakbang papalapit sa akin at ginulo ang aking buhok.

With both hands inside the pocket of his pants, he crouched a little to meet my eyes. "Wala ka namang ibang makaka-partner kung 'di ako lang. Sa tingin mo, Babs, hahayaan kitang mapunta sa iba?" wika niya sa marahan at malambing na boses.

Umawang aking labi at damang-damang ko rin ang pag-akyat ng sariling dugo mula sa paa paakyat sa aking mukha. Na para bang kaunting-kaunti na lang ay sasabog na ako. Mabilis akong umiwas at pasimpleng lumayo sa kaniya. Sinubukan ko pang sunud-sunod na ikurap ang mga mata para bumalik ako sa wisyo.

"Umayos ka nga," kunwaring galit kong saway.

His cocky laugh filled my ears as he watched my every movement. Umayos na rin siya ng pagkakatayo at dahan-dahang dumausdos ang kaniyang malaking palad sa aking nanlalamig na kamay.

Hindi na ako nagpumiglas pa nang tangayin niya ako patungo sa gymnasium kung saan gaganapin ang graduation rehearsal. Halos kasabay lang din namin na magdatingan ang ibang estudyante. Namataan ko pa si Griven na paparating. Nang magtama ang paningin namin ay umukit ang isang matipid at matamlay na ngiti sa kaniyang labi, gano'n din ang ginawa niya kay Brenz at may kasama pa iyong tapik sa balikat.

"Griven, kumusta ka na? Baka gusto mong sumama? Kakain kami mamaya ni Brenz sa labas after practice?" masayang anyaya ko sa kaniya na agad din niyang tinanggihan.

"Maybe next time, Hads. Marami kasi akong gagawin," tugon niya at walang paalam na nilampasan kami patungo sa upuang naka-assign sa kaniya.

Muling bumagsak ang aking balikat. Bumulatay ang lungkot at pagkadismaya sa aking mukha habang hinahabol ng tingin ang kaniyang papalayong bulto. Matunog na bumuntonghininga si Brenz at hinawakan ang aking likod.

"Let's give him more time, Babs," pampalubag-loob niya sa 'kin at wala naman akong ibang nagawa kung 'di ang marahang tumango.

Sana nga. . .

Sana nga ay bumalik na siya sa dati dahil nakaka-miss talaga ang isang 'yon. Magmula kasi noong maghiwalay sila ni Melissa ay medyo dumistansya rin siya sa amin. Though, they were still in good terms, sadyang si Griven lang nagpasyang umiwas at ilayo ang sarili niya sa amin.

Weigh Your Worth (Published Under GP)Where stories live. Discover now