Kinabukasan

Iniinit ko na yung mga pagkaing natira kagabi para sa breakfast namin habang si amy ay naliligo sa ngayon,.

Medyo matagal siyang maligo kaya inihanda ko na din yung uniform niya sa may kama at pati na din yung akin.

Everyday ganito ang ganap sa amin minsan siya ang magluluto at minsan ako naman.

Pero madalas siya na talaga sapagkat medyo busy ako hindi lang sa school kundi sa mga business na inaasikaso ko.

Maya maya ay nakalabas na siya at ako naman ay inilagay ko na sa may mesa yung mga kakainin namin at kumuha na din ng tuwalya nang sa ganun ay makaligo na din ako.

A few minutes later ay natapos na akong maligo at nakapagbihis na din ako, kasalukuyang kumakain na kami at masayang nag uusap lang ng mga bagay bagay.

@School

Magkahawak kamay kaming naglalakad papuntang classroom namin dito pa din naman kami sa Treston nag aaral.

Madami pa ding mga inggitera at matatalim na mga mata ang nakatingin sa amin.

Sapagkat yung mga dating fans ni amy ay hindi pa din maka move on hanggang sa ngayon na ako ang minahal ng kanilang idolo.

At mukhang ako pa ang sinisisi nila kung bakit daw nag stop na sa pagkanta si amy at itinigil na yung pangarap niyang maging idol.

Actually nalulungkot ako dahil doon pero laging sinasabi sa akin ni amy na hindi ko kasalanan yun sapagkat siya naman ang may nais na mag stop na upang sa ganun ay magkasama kami lagi.

Maya maya ay nakarating na kami sa may classroom nandoon na din sila brei ,frances at sheki na nakaupo sa may upuan at nag aasaran lang.

"Grabe ang tagal niyong dumating na dalawa kanina pa kaming 6 dito tapos 7 pala ang dating niyo!" Singhal naman ni brei sa amin nang makita niya kami sa may pintuan.

"Argh! Ang sakit sa mata!" Pangangantyaw naman ni sheki nang makitang magkahawak kamay kami ni amy.

"Buti nga at may mata kapa bonitah eh hahah pero pag tinusok ko yan baka wala ka nang makita" pagbabanta ko sa kanya bahagyang tinakpan niya naman yung mata niya dahil sa sinabi ko tsk takot naman pala.

"Happy 3rd Anniversary pala sa inyo kahapon! Stay strong amy at coleen!" Masayang sabi ni frances at may inabot siya sa aming paper bag ni amy.

"Thank you dito frances!" Sabi naman ni amy dito kay frances , nginitian ko nalang siya at naupo na sa may upuan.

Nagkukuwentuhan lang sila sa may gilid habang ako ay nakayuko lang at nakalagay sa may table yung ulo ko medyo inaantok pa kasi ako ngayon.

"Good Morning Class! May bago pala kayong magiging kaklase ngayong second semester , halika dito sa loob" saad ng professor namin bahagyang iniangat ko naman yung tingin ko upang makita kung sino yung bagong kaklase daw namin.

"Kindly introduce yourself iha" sabi niya pa dito naririnig ko naman yung mga tilian dito sa classroom.

Mukha siyang lalaki pero babae naman siya,. Ngumiti muna siya mukhang kumuha pa siya ng bwelo para makapag pakilala sa aming lahat.

"Hello everyone! My name is Gabrielle Skribikin "Gabb" for short,. Im 23 years old from University of makati, please be good to me and I hope na maka close ko kayo kaagad" aniya niya sabay kindat pa na ikinalakas ng tilian ng mga ibang kaklase namin.

Napatingin naman ako kay amanda sapagkat sa kanya nakatingin itong mukong na transeferee na ito , magkakilala kaya sila?

"Maupo ka na doon sa may bakanteng upuan sa likod at magsisimula na ang discussion ko ngayon" saad ng professor namin hindi ko naman maiwasang hindi mainis bakit ang lagkit ng tingin nito sa fiancee ko?

Napatingin siya sa akin at tinignan ko naman siya ng masama , how dare you look at my future wife ah?

Kahit tingin lang ay hindi pwede , bawal mo siyang titigan ng ganyan ganuong baguhan ka lang dito sa University baka gusto mong upakan kaagad kita dito.

Nag bagong buhay na ako pero baka mandlilim ang paningin ko at hindi kita matantsa sayang ang iyong mukha pag binasag ko iyan.

"Ang mata sa harapan hindi sa pogi sa likod" mahinang bulong ni brei sa akin napatingin naman ako ng masama sa kanya

"Pogi?! Sus brei mas pogi ako" confident na sabi ko talaga namang mas pogi ako sa Gabrielle na yun!

"Di mo maikakaila at tsaka namumula ka na oh,. Kumalma ka tingin lang ang magagawa niya kay amy sapagkat ikaw naman ang nag mamay ari ng puso niya " sabi naman ni brei at tinapik tapik pa yung likod ko upang kumalma ako ng kaunti.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now