"Okay lang" I said out of nowhere.

"Ate?" tanong ni Reya na parang di nya gets yung sinabi ko.

"Okay lang na malaman iyon ni Dad at ni mama... Deserve naman nilang malaman yun kasi total apo naman nila yun" nagsimulang mag init ang bawat sulok ng aking mga mata at ramdam ko ang tubig na namumuo ito.

"Sa divorce? I never regretted it. I don't care about Dad, kung galit sya magalit sya. I don't want to be tied again to a man who only knows on how to hurts me and my child," unting nagsilabasan ang mga luha ko sa aking mga mata diko na rin mapigi-
lang mapahikbi na parang bata.
"Ahm Reya alam mo pa ba ang address ni Lola Tirzah?" buti nalang may panyo akong nakita sa loob ng bag at ginawa ko yun pampunas ng luha at sipon.

"Yes ate, sa Region 8 nakatira si Lola. The place we used to live when we went for a vacation? I think nasa municipality iyon ng Sogod. Speaking of Lola tirz wala sya ngayon sa bahay nya" kung minamalas naman agrhh!

"Saan nag punta si Lola?" Tanong ko sa kapatid.

"I think nag travel si Lola around the world? nalaman ko rin iyon kag kuya Adonis eh. Tsaka nga pala ibigay ko nalang sa iyo ang number ni Lola Tirzah para naman magkausap kayo nag-alala rin sya ate ng mabalitaan nyang nawala ka nalang bigla," may nag pop up na message notif sa phone ko at yun yung number ni Lola Tirzah.

"Ate san ka ba ngayon bat ang ingay ng busina ng bus?" Bus.. yung bus na sasakyan ko!!

Napatingin ako sa pwesto nito pero wala akong natagpuan na bus! Iniwan ako ng bus!!!!

Nalingat lang ako sandali nakaalis agad yung bus, super malas ko today! Agrhh?!

"Shit. Napag-iwanan ako ng bus!" naiinis kong sambit may mga curse words pako na sinasabi nang mapahinto yun ng nagsalita si Reya sa kabilang line, di pa pala sya nag end call.

"Ugh. I'm sorry if narinig mo yun parang tinatablan ako ng kamalasan today." I said with a pissed tone.

"Well everyone has bad luck ate— teka nasaan ka ba? Bakit napagiwanan ka ng bus?" She asked.

"I'm in Leyte" napa-what reaction si Reya sa sinabi ko.

"Your in Leyte?! How? Paano ka napadpad dyan? Wala ka namang kakilala dyan sa Leyte para magpunta ka dyan?" Super dami nyang tanong na diko nasagot.

Napabuntong hininga muna ako bago ako sumagot. "It's a super long story, I need to go. Talk to you later bye." Before she even said a word I ended the call. Inilagay ko na yung selpon sa loob ng bag since diko na iyon gagamitin, napatingin ako sa pwesto ng bus kanina na dapat sasakyan ko at tuloy na napag-iwanan.

I'm so pissed. Super pissed!

Nainis ako sa sarili ko dahil di naman kasi dapat ako mapag-iwanan kanina sa bus kong dapat sumakay nalang ako at doon nalang tumawag kay Reya pero dahil sa gut feeling ko na to, napag-iwanan tuloy ako!

But at the same time kung nakasakay man ako't napunta na sa Maynila, saan naman ako pupunta? Saan ako titira?

I let out a big heavy sighed.

Napaupo nalang ako ulit sa inuupuan ko kanina at yung utak ko ay lumilipad na kung saan-saan, with matching tulala na expression. Di ko na alam gagawin ko. Hihintayin ko nalang ba ang next bus at magpatuloy na pumunta sa Maynila? O kaya maging palaboy nalang ako sa Leyte?

How about Jerome? Nah. ayaw ko na syang distorbuhin pa! super laki na ng naitulong nya sakin, I don't want him to see me as a hopeless woman.
I can't live like this! I promised myself that I would change the way I live and I will change my life.

The Red StringsWhere stories live. Discover now