Chapter 20

54 21 6
                                    

Chapter 20

“Private...” I softly whispered while crawling to his direction. Hindi ito umimik at nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata, “Shit!” hindi ko mapigilang mapamura nang makita ang mga dugong dumadaloy sa kaniyang ulo.

He was pierced by a bullet. Siguro’y sinalo niya ang balang papunta sa akin kanina. Nanginginig ang aking mga kamay. Hahawakan ko sana ang katawan ni Private Raker nang mapansin ko ang taong papalapit sa amin.

A man wearing a black mask was taking his steps towards my direction, aiming his gun’s mouth on my head. Napansin ko ang kaniyang suot na tuxedo, siya ang taong nasa video habang pinapahirapan ang matandang lalaki.

Hindi ako gumalaw at tinitigan itong papalapit sa akin habang nakatutok parin ang kaniyang hawak na baril sa aking ulo.

“Stoyat!” he growled and immediately pressed the muzzle of his gun to my forehead. I felt the heat touching my skin and it’s giving the aroma of burned powder.

Hindi ako nakinig sa kaniyang sinabi habang nakatitig sa kaniya. Ibinaling ko ang tingin kay Private na parang walang baril na nakatutok sa aking noo at mabilis kong hinawakan ang pulso sa kaniyang leeg.

He’s still breathing and there’s a high chance that Private Raker will survive. Pero kailangan naming makalabas dito. Is this my fault?

Marahan akong napahiyaw nang maramdaman ang biglang paghawak sa aking buhok at mabilis akong itinayo gamit ito.

“Ya skazal stoy! Ty grebanaya zhenshchina!” galit na usal nito sabay diin ng kaniyang hawak na baril sa aking pisngi. He’s talking in Russian language. Hindi ito isang Nepalese.

“Otpusti menya!” sagot ko sa kaniya. I studied fifteen main languages because of my profession. Mabuti na lang at isa doon ang lengguwahe ng Russia.

“Ty vse yeshche otvechayesh’ kha!” after the man holding my hair said those words, he suddenly sneered at me, causing my stomach twists in pain.

Mabilis siyang naglakad papunta sa pintuan habang hila-hila ang aking buhok. Naiiyak ako dahil sa sakit ng aking ulo. Sobrang higpit ng mga kapit nito sa akin.

“LET GO OF HER!” the baritone voice echoed inside the place which was made of soundproof. Mabilis akong napalingon sa harapan at nakita si Commander habang nasa kaniyang tabi si Lieutenant.

They were holding guns while pointing at our direction. Tumitig ang mga kapeng mata ni Commander Shamer sa akin. Hindi ko alam pero nawala ang nararamdaman kong takot bagkus ay napalitan ito nang saya.

I’m safe.

Mabilis akong inikot ng lalaking nakahawak sa aking buhok at agad niyang ipinulupot ang kaniyang mga braso sa aking leeg habang nakatutok ang baril sa aking ulo.

Nagpumiglas ako ngunit sadiyang malakas lang ito kaysa sa akin. Mabilis nitong idiniin ang baril sa aking ulo dahilan para mapatigil ako.

Commander Shamer was looking at me with worried eyes. Parang hindi niya nagustuhan ang kalagayan ko ngayon. I think, they are four meters away from us.

May sinabi sa kaniya si Lieutenant dahilan para ibaling ni Commander ang kaniyang tingin sa kinaroroonan ni Private Raker. Bakas sa kaniyang mukha ang galit at pag-aalala bago ibinalik sa amin ang kaniyang nag-aalab na mga mata.

“My hand doesn’t missed any bullets. I said, let go of her. She’s my woman,” pagkasabi niya no’n ay hindi ko mapigilan ang aking sarili.

Juan, My CommanderWhere stories live. Discover now