Chapter 17

47 23 5
                                    

Chapter 17

I’m a Media Writer under a Company, far from the Government. My profession allows me to communicate with other people, sometimes face-to-face and other times through the mass media.

I’m living in the era of technology where Media was born. Even when you communicate with people nearby, you rely on writing for important matters instead of oral communications. 

People will say, they write fictions when the word ‘writer’ hit their ears. They think that believing the Media was a madness because all of their works was fictitious. Yes. Some of but I was born to write the reality.

Kung si Dr. Joze Rizal ang sumulat ng aklat upang palayain tayo mula sa mga Español, gagamitin ko rin ang aking mga salita upang lagyan nang katapusan ang lahat ng kasamaaan sa mundong ito.

“Are you sure about this, Madam? We can just leave this to the soldiers.”

Napalingon ako kay Andy. Kasalukuyan akong naglalagay ng life vest. Marahan akong tumango sa kaniya’t mabilis na ibinalik ang tingin sa harapan habang inaayos ko ang pagsusuot.

Naglakad si Andy papunta sa aking harapan.

“Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo, Madam?” tumango ako habang hindi siya tinignan, “Sasama ako,” mabilis akong lumingon sa kaniya nang matapos kong ikabit ang life vest sa aking katawan.

“No. You need to stay here, Andy.” Matigas na usal ko sa kaniya. Nag-aalalang tumitig siya sa akin.

“Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?” pag-uulit niya sa kaniyang tanong.

“Oo. Hindi na. I can’t just sit while something is happening. Relaxing and do not become involved in it? God. Manatili ka rito. Don’t stop on watching every live they will make. Wrote down everything because we will need it to put Draigana down.”

“Paano pag may mangyaring masama sa’yo, Madam?” bigla akong natahimik ngunit agad ko namang binawi dahil ayaw kong mag-alala si Andy.

“Nothing will happen, right, Commander?” usal ko’t agad na binalingan nang tingin si Commander na kasalukuyan ding nag-aayos nang kaniyang sarili.

Pagkatapos niyang ilagay ang baril sa kaniyang gilid ay mabilis itong lumingon sa amin at ngumiti.

“I won’t let anything happen to My Anita.”

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay naglakad si Commander papunta sa amin. Nang ibaling ko ang aking tingin kay Andy, nakangiti na ito’t tila nawala ang pag-aalala. Lumapit ito sa akin at bumulong.

“Diba, tama si Tin, Madam. Nasa military ang true love.”

“Nagawa mo pa talagang magbiro,” mahinang humagikhik si Andy. Salamat naman at kumalma na siya.

“Miss leader,” napatingin ako kay Commander na ngayon ay nakalapit na sa amin. Magsasalita sana ako pero nagulat na lamang ako nang marahan siyang yumuko’t agad na iniabot ang strap belt sa suot kong life vest.

Mahina niya itong hinigpitan kaya naramdaman ko ang puwersa sa aking katawan. Pagkatapos ay iniayos niya ang kaniyang pagkakatayo’t tumitig sa akin habang nakangiti.

Juan, My Commanderحيث تعيش القصص. اكتشف الآن