Chapter 3

107 30 27
                                    

Chapter 3

Naunang bumaba ng kotse ang aking mga kasama nang pumarada ang aming sinasakyan sa harapan ng isang napakalaki at eleganteng hotel. Bubuksan ko na sana ang pintuan sa aking gilid ngunit may nagbukas na rito mula sa labas.

“Thank you but you don’t need to open the door for me, Commander. I have my own hands,” usal ko sa kaniya habang tinapunan ito ng mga tingin. He just grinned at me and suddenly reached for my luggage, “I said I can do it,” pag-uulit ko ngunit hindi niya pinansin ang aking sinabi’t malayang kinuha ang maleta mula sa aking tabi. This Commander was somewhat stubborn as a mule.

“Why are you pissed, Miss leader?”

“It’s Anita.”

“Okay. So, why do you feel enraged, my Anita?” natatawang usal ng Commander habang dinidiin ang mga huling salita. Masama ko siyang tinitigan. Kung kanina lang ay puno sa kaba’t kilig ang katawan ko dahil sa kaniya, lahat ng iyon ay napalitan ng inis.

“Bawal bang mainis kahit walang dahilan? At anong ‘my’ ang tinutukoy mo? I’m not someone’s property, Commander Gajuan Shamer.”

Pagtataray na sabi ko’t agad na lumabas mula sa kotse. Nang makalabas ako’y wala na pala sila Tin. Siguro ay nasa loob na sila ng Hotel.

“Stay here Lieutenant. I will just escort Miss leader to their room,” usal niya kay Sy na nasa driver’s seat pa rin. Why does this Commander doesn’t seem to understand that I have a name? He keeps on calling me Miss leader!

“Akin na.” Matigas na sabi ko at kinuha ang maleta mula sa kaniya nang makalingon na siya sa akin. Bigla niya itong itinaas gamit ang kaniyang kanang kamay dahilan para mapatigil ako’t mapatitig sa kaniyang mga braso na nakataas dahil hindi ko kayang abutin ang tangkad niya.

Lumalabas ang mga ugat  mula sa kaniyang kamay papunta sa mga braso dahil sa puwersang kaniyang ibinibigay sa pag-angat ng aking maleta gamit ang isa niyang kamay.

I gulped because I found the Commander’s strength bewitching. It was giving uproar to my body. Am I turned on because of that? Damn, he is indeed a soldier. Marahan akong napaiwas ng tingin mula sa kaniya at palihim na nagdasal ng sampung Mahal na Birhen.

Jusko! Alam kong dalaga ako’t walang sabit pero Lord naman, ayaw ko pang lumandi ng di inuunahan.

“Fine. If you insist,” usal ko’t mabilis na tumalikod kay Commander. Ginagawa ko lang ito para matakpan ang namumuong pamumula sa aking mukha. Bakit ba ako ganito sa isang Indianong Juan na ito!

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko alam ngunit tumatagos ang kaniyang mga titig mula sa aking likuran. Gusto ko siyang lingunin at tanungin kung na se-seksihan ba siya sa akin pero pinigilan ko ang aking sarili.

Hanggang sa maaari, ayaw kong magmukhang desperada’t pelingera sa huli. Sinabi sa akin ni Commander kung anong floor ang naka reserve para sa amin. Hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad na pumasok sa elevator.

Madaming Nepalese sa loob ng Hotel ngunit parang wala lang ito sa akin dahil sa pagod na aking nararamdaman sa katawan. Dahil siguro ito sa biyahe.

Muntik na akong atakihin sa puso ng mapagtantong kaming dalawa lang pala ang nasa loob ng elevator. Bakit ba kasi nauna ang tatlong iyon? Parang hindi nila ako team leader at ang dali lang para sa kanila ang iwanan ako, aba!

Habang nasa loob ng elevator, nasa gitna namin ni Commander ang aking maleta’t ito ang nagsisilbing boundary namin sa isa’t-isa. Namamawis ang aking kamay habang pilit kong kinakalma ang aking sarili.

Juan, My CommanderWhere stories live. Discover now