Chapter 13

63 23 10
                                    

Chapter 13

“Oh my God,” hindi makapaniwalang usal ni Andy nang makita ang mga nakatumbang gusali sa aming harapan kasama ang sirang mga daan. We just arrived at the district of Lalitpur and it was in great chaos.

Madaming Nepalese ang mga naglalakad sa daan. Walang mga tsinelas at madudungis ang mukha. Natutunaw ang aking puso habang nakatingin sa kanila.

“Be careful. There might be sharp, broken woods on the road and ongoing falling of debris,” napatingin ako kay Commander na nasa aming gilid habang ang ibang miyembro ng Alphageus ay nasa aming likuran.

“No need to worry, Mister Gajuan. I can handle myself,” napalingon ako kay Berdin. Nakatitig ito ng malagkit kay Commander bago ibinaling ang kaniyang tingin sa akin. Bigla siyang ngumisi dahilan para lihim kong paikutin ang aking mga mata.

“My Anita. Be careful,” gusto kong matawa dahil hindi pinansin ni Commander ang mga salita ni Berdin. Ano ka ngayon? Gusto kong ilabas ang dila sa harap ng babaeng iyon pero ayaw kong magmukhang isip-bata. Isa pa, dagdag points naman itong si Commander.

Tinignan ko si Berdin, maitim na ang timpla ng kaniyang mukha. Pinigilan ko ang matawa. Ibinaling ko ulit ang tingin kay Commander.

“Yes. Thank you Commander.”

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gitna ng mga magulong daan na natatambakan ng mga sirang gusali, Templo, at iba pang mga bagay.

Nalalagpasan namin ang ibang Nepali na nakaupo sa daan habang lugmok ang kanilang mga mukhang nakatingin sa harapan ng mga nasira. Ang iba’y naglalakad na parang walang nangyari.

Habang nakatingin ako sa paligid, parang wala kami sa isang distrito. Wala ng masiyadong nakatayong mga Templo’t wasak na ang lahat. May ibang natitirang nakatayo ngunit isang yugyog na lang ay matutumba na ang mga ito.

This City was renowned for its festival and feast, fine ancient art, and the making of metallic and stone carved statues. Lalitpur was rich in cultural heritage such as traditional arts and crafts. But right now, it was devastating.

Parang lugar na dinaanan ng matinding ikot ng ipo-ipo.

Ilang minutong paglalakad sa gitna ng sira-sirang daan, napahinto kaming lahat sa harapan kung saan maraming kulay itim na plastik ang nakahilera; binabalot ang mga katawang wala ng buhay.

“This is frustrating,” narinig kong usal ni Tin sa aking tabi.

“Kahit hindi ko nakikita ang kanilang mga actual na katawan, sumasakit na ang aking dibdib,” malungkot na usal ni Carter.

“I felt like having a necrophobia,” wika naman ng isa sa mga Reporters Team.

“It’s not that we aren’t use to these kind of things but this is too much. Hindi ko ata kayang mag report sa harapan ng ganito karaming patay,” litanya rin ng isa sa mga lalaki ng Reporters Team.

Kagaya namin, apat lang din ang miyembro sa Team ni Berdin. Dalawang babae’t lalaki.

“We feel you, guys. Pero kahit anong mangyari, nandito tayo para magtrabaho. Make your individual complaints as motivation so that we can finish our task here,” mahinang pahayag ni Berdin sa kaniyang mga kasama.

Tumingin din ako kay Andy baka kasi inatake na naman ng nerbiyos. When my eyes landed on her, I was relieved when I saw that she’s fine. After sighing, I take my eyes on our side where the Commander was standing.

Juan, My CommanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon