Wala pang thirty minutes ay nakarating na din naman kami sa shop kung saan ako bibili ng chicken breast.

"Ako nalang ang bababa. Gusto mo ba ng sisig?" I asked, pero imbis na si Ethan ang sumagot ay ang kapatid ko ang siyang nag salita.

"Yes po, I really want to eat sisig po. Tagal ko ng hindi nakakakain nun, eh." Napailing nalang ako bago bumaba ng sasakyan.

Bumili lang ako ng pork sisig at one pound of chicken breast. "Ano pa yung isa mong binili?" Ethan asked as I entered the car. "Chicken breast," I immediately answered, tumango naman siya bago muling paandarin ang sasakyan.

Nang makarating sa unit ay agad ng binuhat ni Ethan ang kapatid ko dahil nakatulog na ito, napagod dahil buong araw nasa galaan.

"Mag pahinga na muna kayo sa kwarto, tatawagin ko nalang kayo kapag kakain na." Sabi ko bago tanggalin ang sapatos ni Levi habang karga siya ni Ethan.

"Opo, mommy." Ethan said in a babyish voice.

Umirap lang ako kaya natawa siya bago mag tungo sa loob ng kwarto. Ako naman ay nag tungo sa kusina pa simulang mang luto.

Isinalang ko na muna ang sisig bago hugasan ang binili kong chicken breast at ang hihiwain kong green onions. Matapos kong mag hiwa at mag salang ng panibagong kawali para sa lulutuing mongolian chicken ay siya namang pag hango ko sa natapos na nilutong pork sisig.

"Hmm," himig ko ng maramdaman ang dalawang braso ni Ethan na pumalupot sa bewang ko.

"I love you." Ethan said softly before I could feel his chin resting on my shoulder.

Parang may kung anong paru-paru ang nagwawala sa tiyan ko, dahil sa munting pag lalambing na iyon ni Ethan.

Pilit kong pinipigilan ang ngiting pilit sumisilip mula sa labi ko dahil sa kilig. Pero sadyang traydor ang aking labi dahil ang laki-laki na ng ngiti ko ngayon.

"I love you." I answered before placing my hand on top of his hand on my waist.

"I love you the way I see myself waiting for you at the altar and building a family together until our future children grow up and we grow old." He said as he hugged me tightly.

"Ang sweet mo naman, hindi na ako makapag luto ng maayos." Ani ko pagkaharap sakaniya bago pisilin ng mahina ang magkabilang pisngi niya, "sige na, maupo kana muna sa mesa. Tatapusin ko lang ito mahal ko."

Naiinis ako sa sarili ko dahil pati si Ethan ay hindi ko pa gaanong mapagkatiwalaan pagdating sa mga ganoong bagay.  Natatakot ako na umasa lalo, dahil alam kong sobra akong masasaktan kapag hindi natuloy ang bagay na tinutukoy niya.

Puno ng negativity ang sarili ko pag dating sa pag titiwala. Sinira na kasi ng mga magulang ko ang bagay na iyon kaya ganoon nalang ang hirap kong mag tiwala ng sobra.

"Hmm, bango." Sabi ni Ethan paglapag ko palang ng kawali sa mesa.

Pinisil ko lang ang tungki ng ilong niya bago ako pumasok sa kwarto para gising ang kapatid ko. "Levi, wake up baby. Kakain muna ng dinner, nag hihintay na si papa kuya Ethan sa dining." I said before tickling his foot.

Nang umamba ng karga si Levi ay napanganga nalang ako. Ang bigat niya tapos mag papa-karga pa.

"Ang bigat mo na, mag lakad ka nalang." Sabi na, eh! Palagi siyang naka-karga kay Ethan kaya ngayon nasanay.

"Please... I'm sleepy po," pamimilit niya.

"Hindi na kita kaya,---"

"Ako na ang kakarga sakaniya." Pagsingit ni Ethan bago lumapit kay Levi.

Oh 'di ba!?

Wala akong magawa kung hindi sumunod na lamang sakanilang dalawa palabas. Malilintikan na talaga sakin si Levi, masyadong spoiled kay Ethan!

"Subuan mo po ako, papa kuya Ethan... please." Sabi pa ng kapatid ko habang naka sandal kay Ethan.

"Isa! Levi malaki kana,---"

Napairap nalang ako sa kawalan ng sumabat si Ethan, "love, pagbigyan na natin." Naka-ngiti pang sabi niya, nangungumbinsi.

Umirap lang ako sa kawalan bago mag simulang kumain. Hindi naman ako mananalo sakanilang dalawa, eh!

"Ini-spoil mo kasi!" Mahina kong singhal.

Paano nalang kapag iiwan mo na kami? Sinong gagawa ng mga nakasanayan niyang ginagawa mo?

"I love you, mama Lahari." Masuyong sabi ni Ethan bago hawakan ng isa niyang kamay ang braso ko.

"I love you, mama ate Lahari." Panggagaya ng kapatid ko, nag flying kiss pa! Talagang ng aasar.

"Kumain nalang kayo, dami pang sinasabi." Mahina kong bulong na siya na namang kinatawa ng dalawa.

Gusto kong iumpog ang sarili sa pader dahil palagi ko nalang sinasabi na 'iiwan din naman ako ni Ethan'. Ang nega-nega ko palagi!

'Iba-iba po ang klase ng tao, don't make me look like you'. Iyan mismong salita na iyan ang sinabi ko sa sarili kong ina, pero hindi ko napapansin na nagiging parehas na kami.

Ipinilig ko ang ulo dahil sa mga naiisip. Sa ngayon, I will stay positive muna sa sarili ko.

May tiwala ako sa boyfriend ko. Alam kong hindi siya gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan ng walang dahilan.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora