🎵 𝐻𝑜𝑤 𝑑𝑖𝑑 𝑦𝑜𝑢 𝑘𝑛𝑜𝑤
𝐼 𝑛𝑒𝑒𝑑𝑒𝑑 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑙𝑖𝑘𝑒 𝑦𝑜𝑢 𝑖𝑛 𝑚𝑦 𝑙𝑖𝑓𝑒
𝑇ℎ𝑎𝑡 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒'𝑠 𝑎𝑛 𝑒𝑚𝑝𝑡𝑦 𝑠𝑝𝑎𝑐𝑒 𝑖𝑛 𝑚𝑦 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡
𝑌𝑜𝑢 𝑐𝑎𝑚𝑒 𝑎𝑡 𝑡ℎ𝑒 𝑟𝑖𝑔ℎ𝑡 𝑡𝑖𝑚𝑒 𝑖𝑛 𝑚𝑦 𝑙𝑖𝑓𝑒
𝐼'𝑙𝑙 𝑛𝑒𝑣𝑒𝑟 𝑓𝑜𝑟𝑔𝑒𝑡
𝐻𝑜𝑤 𝑦𝑜𝑢 𝑏𝑟𝑜𝑢𝑔ℎ𝑡 𝑡ℎ𝑒 𝑠𝑢𝑛 𝑡𝑜 𝑠ℎ𝑖𝑛𝑒 𝑖𝑛 𝑚𝑦 𝑙𝑖𝑓𝑒
𝐴𝑛𝑑 𝑡𝑜𝑜𝑘 𝑎𝑙𝑙 𝑡ℎ𝑒 𝑤𝑜𝑟𝑟𝑖𝑒𝑠 𝑎𝑛𝑑 𝑓𝑒𝑎𝑟𝑠 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝐼 ℎ𝑎𝑑
𝐼 𝑔𝑢𝑒𝑠𝑠 𝑤ℎ𝑎𝑡 𝐼'𝑚 𝑟𝑒𝑎𝑙𝑙𝑦 𝑡𝑟𝑦𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑜 𝑠𝑎𝑦
𝐼𝑡'𝑠 𝑛𝑜 𝑒𝑣𝑒𝑟𝑦𝑑𝑎𝑦 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑙𝑖𝑘𝑒 𝑦𝑜𝑢 𝑐𝑜𝑚𝑒𝑠 𝑚𝑦 𝑤𝑎𝑦
𝑁𝑜 𝑤𝑜𝑟𝑑𝑠 𝑐𝑎𝑛 𝑒𝑥𝑝𝑟𝑒𝑠𝑠 ℎ𝑜𝑤 𝑚𝑢𝑐ℎ 𝐼 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑦𝑜𝑢 🎵

Pagkatapos ng kanta ay nagpalakpakan na ang lahat at nagbigay na ng pera ang iba. Binigyan ko sila ng 20 pesos at binigyan din ni Johnson ng libreng ulam ang kanin ang mag-asawa.

"Salamat po, mga sir! Mag-boyfriend po ba kayo?" tanong ng babae

Bigla akong nagulantang sa tanong ng babae. Hindi lang pala ang mga tao sa plaza ang nakitsismis sa aming dalawa ni Johnson. Pati rin pala ang mga namamalimos, nakitsismis na rin sa lovelife ko?

"Hindi!" sabay na sagot naming dalawa ni Johnson

"Hoy, kahit na hindi ako nakakakita ay alam ko na mag-boyfriend kayo." sabi ng lalaki

"Agree ako sa sinasabi ng asawa ko!" tugon ng babae

"Friends lang po kami at hindi pa namin nilalagyan ng label ang isa't isa." sabi ni Johnson

"Sige, aalis na po kami ng asawa ko at pupunta pa kami ng palengke." paalam ng babae sabay alalay sa kanyang asawa.

Habang nag-lunch kaming dalawa ni Johnson ay biglang napadaan sina Garret, Cheliza, at Johann.

"Kaya pala di na sumama sa atin pauwi noong nag-swimming tayo after ng graduation kasi busy pala sila habang naglalandian." pang-aasar ni Johann

Dahil sa inis ay kinuha ko ang sapatos ko na nasa kanang paa ko para hagisan si Johann at naghabulan kaming dalawa hanggang sa nahagis ko sa likod ni Johann ang sapatos ko. Nadapa si Johann at tinawanan namin siya.

"Ang baho ng sapatos mo pre!" sabi ni Johann sabay amoy ng sapatos ko at mas lalo namin siyang tinawanan.

Ibinigay na ni Johann sa akin ang sapatos ko at isinuot ko ulit sa kanang paa ko.

"Puwede ba makikain?" pakiusap ni Cheliza

"Sure!" sagot ko at binigyan ko si Cheliza ng paper plate at plastic spoon.

Nakikain na rin sa amin sina Johann pati si Garret. Binigyan ko rin sila ng paper plate at plastic spoon.

"Aalis na sana kami dito sa plaza at guto sana namin mag-lunch sa Chowking pero nakita ko kayong dalawa." sabi ni Garret

"Mabuti nga lang at nandito kayo pero at least, nakalibre kami." tugon ni Cheliza

"Nagluto kasi kanina si Nanay Didith dahil darating ang mga anak niya galing abroad." paliwanag ko

"Kaya pala masarap kasi si Nanay Didith pala ang nagluto. Na-miss ko na ang mga luto niya sa tuwing pumunta tayo sa bahay nina Ford." sabi ni Johann habang ngumunguya.

"Sayang nga lang at wala si Lyndon dahil busy sa kanyang preparation para sa summer job. Busy din siya sa kanyang kalandian ngayon." ani Garret

"Eh, sina Lyndon at ang kanyang kalandian pari sina Ford at Johnson ay pareho silang naglalandian pero wala naman label." pang-aasar ni Cheliza

Dahil sa pang-aasar ni Cheliza sa aming dalawa ni Johnson ay tinulak namin siya palapit kay Johann. Nagtitigan sina Cheliza at Johann ng two seconds pero pareho silang nandiri sa isa't isa.

"Ew! Hindi kita type!" sabi ni Cheliza

"Mas lalong di kita type!" tugon ni Johann

Nakita kong ayaw talaga ni Cheliza na landiin si Johann at alam naman namin na lesbian siya.

"Kung ayaw mo na ma-develop ang feelings niyo sa isa't isa, huwag niyo kaming asarin ni Johnson dahil friends lang kami!" pagbabanta ko

"I don't care at least hindi boy ang type ko!" sabi ni Cheliza

Pagkatapos namin mag-picnic sa plaza ay pumunta kami pauwi ng bahay ko at kinuha ko ang bag ni Johnson dahil uuwi muna siya sa kanilang bahay. Hiniram ko ang motorsiklo ni Sandro para ihatid ko si Johnson papunta ng bahay nila.

(Johnson's POV)

Hindi muna kaagad umalis si Ford at pumasok siya ng bahay namin. Sinalubong ako kaagad ng mga kapatid ko at tinignan nila ako na parang may something sa akin.

"Buti nga lang at naisipan mo pang umuwi." ani kuya

"Sabi daw ni Hansel sa akin na kasama mo raw ang boyfriend mo." pang-aasar ni ate

"Johnson, aminin mo na kasi na boyfriend mo si Ford." pang-aasar ni Hansel

Hinagisan ko si Hansel ng tsinelas para matahimik siya.

"Hoy, huwag kang gumawa ng fake news or else isusumbong kita kay mama na napakababaero mo!" pagbabanta ko

"Johnson, hindi ako babaero. Sadyang friendly lang ako sa mga girls." sabi ni Hansel

"Guys, gagawa lang muna ako ng meryenda natin." paalam ni ate

Habang gumawa ng meryenda si ate ay nanonood kaming apat ng Fast and Furious sa Netflix.

"Nanonood ka pala ng Fast and Furious?" tanong ko habang nagbubulungan kaming dalawa ni Ford.

"Oo, idol ko kasi sina Vin Diesel at Paul Walker." sagot ni Ford at di ko namalayan na nakasandal na pala ang ulo niya sa balikat ko.

"Sayang nga lang kasi sumakabilang-buhay na si Paul Walker." sabi ko

"Kung buhay sana siya ngayon baka marami pa siyang magawang pelikula na siya ang bida." tugon ni Ford

Nagpatuloy lang kami sa panonood at nag-enjoy kami sa meryenda ni ate habang nanonood hanggang sa natapos namin ang pelikula. Pagkatapos ay nagpaalam sa akin si Ford na uuwi na raw siya baka hahanapin na siya ng kanyang mga ate.

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now