4: Tired

1.4K 40 3
                                    

Isang liwanag ang umakupa sa akin. Dinilat ko ang mga mata ko at agad na natanaw si Trevor na tinutuyo ang buhok.


Wala pa din siyang saplot pang itaas at nakita ko ang dress shirt niya na nakasabit sa rack.


He has work huh?


Unti unti akong bumangon at napagtantong nakasuot na 'ko ng puting t-shirt niya. Napasapo ako sa noo nang maalala ang nangyari.


"Morning," Bati niya saka nag-spray ng pabango sa katawan bago isuot ang dress shirt.


"Morning," I answered back, my voice was husky.


He chuckled. "Tired huh?"


Inirapan ko siya at binato ng unan. "Dahil sa'yo!" I shouted.


Ngumisi lang siya at sinuot na ang coat. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas sais pa lang.


"Maaga ka ngayon ah?" Tanong ko.


"Yeah, maraming trabaho sa Company,"


Tumango lang ako saka bumangon para magbihis na din.


Umalis na si Trevor habang nasa banyo ako.


Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay nagpahatid na 'ko kay kuya Ogi. Tulog pa ang anak ko kaya hinalikan ko na lang siya sa noo at nag iwan ng note.


'I prepared a breakfast for you, don't separate the veggies please. – mommy'


Pagdating ko sa school ay agad akong dinaluhan ni Mika.


"Bukas na ang start ng OJT natin!" She squealed.


"Excited na 'ko, gusto ko nang makapunta sa Frenielle Airlines! Nakikita ko kasi ang pictures ng mga artista sa Instagram na andoon sa Airport na 'yon, parang sa ibang bansa ang datingan!" Tili niya.


Hindi naman ako sumagot at tumango tango lang.


Narinig ko ang buntong hininga niya. "Hindi ka man lang excited, palibhasa, lagi kang nakakapunta doon kahit anong oras mo gusto."


"Wala lang ako sa mood makipag-usap, okay?" Sagot ko.


"Aysus, kung naunahan lang sana kita kay Trevor," Saka siya tumawa.


"Kay Luigi ka na lang," Pang aasar ko.


Napailing iling na lang ako nang umirap siya sa akin. In denial lang naman siya. Sa totoo lang, may itsura si Luigi at talagang kagusto-gusto.


Pagdating namin sa room ay nag meeting na kami about sa OJT. Wala kaming babayaran na kahit ano dahil kay Trevor, sagot niya na daw lahat. Ayaw niya daw na may babayaran ang mga estudyanteng mag o-OJT sa airline niya.


Pasikat talaga.


As usual, sabay sabay kaming nag lunch. Last day na namin dito sa school since simula bukas, sa airlines na ang pasok namin.


Habang kumakain ay tinext ako ni Trevor. Hindi niya daw ako masusundo mamaya dahil sobrang busy niya. I replied 'okay, no prob.'


Diniscuss lang sa amin ang mga mangyayari sa OJT. Pagdating daw namin sa airline bukas ay may mag-aassist naman daw sa amin tapos ay magsisimula na ang trabaho.


May allowance din daw kaming 500 pesos per day. Malaki iyon kaya tuwang tuwang ang lahat. Sagot na din kasi nila ang pamasahe namin.


"Grabe! Iba pala 'pag sa Frenielle Airlines ang OJT!" Hampas sa akin ni Mika.


All of Her (His Maid Sequel) Where stories live. Discover now