6: Argue

1.2K 42 3
                                    

His dark eyes turned to me and that send shiver down my spine.


Tinabi niya ang kotse sa gilid at huminto doon.


"Ano ba talagang problema mo, Tharia? Kanina ayaw mong magpahatid sa akin sa loob ng airport tapos ngayon naman ayaw mong magpasundo."


Pinagdikit ko ang mga labi ko saka nangapa ng salita.


Paano ko ba masasabi sa kan'ya na kaya ayokong magpahatid at magpasundo sa kan'ya dahil baka maapektuhan noon ang image ko? Baka kasi isipin nila na dinadala ko at pinapamukha ko na asawa ako ng may-ari ng pinag-o-OJT-han ko. I don't want them to think that there's a 'special treatment' happening.


"Kinakahiya mo ba 'ko?" He said out of the blue.


"What? Of course not!" Agap ko. Ano bang pumasok sa isip niya at naitanong niya 'yon? Sino ba namang mahihiya kung ang asawa mo ay si Trevor Jervish Frenielle?!


"Then why? May tinatago ka ba sa akin? O baka may ibang maghahatid sa'yo just like the last time?"


Tumingin ako sa kan'ya at pinaningkitan siya ng mata.


"We're at Von's issue again?" Tanong ko. Bakit ba hindi niya makalimutan 'yon?


Hindi niya 'ko sinagot at itinuon lang ang madilim na mata sa daan. Means yes huh? Hindi pa niya nakakalimutan 'yon? Gano'n ba siya kaselos may Von?


"What about the guy who's always near you?" Tanong niya ulit.


Inisip ko kung sino ang tinutukoy niya—


"Luigi?! Goodness, he's just a friend!" Halos magheristiya ako.


Nabalot kami ng katahimikan bago ko napagdesisyunang magsalita.


"You know what, Trevor? Just drive." Saka ako sumandal sa upuan. We're up again at some nonsense argument.


He heaved and started the engine again. Panay lang ang pag igting ng panga niya habang mariin ang hawak sa manibela.


He's so jealous!


Pagdating namin sa garahe ay agad siyang bumaba. Hindi na 'ko hinintay. Natanaw ko siyang dirediretso sa itaas ng bahay namin. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na rin sa loob. Nagulat pa 'ko dahil nakita ko si Andrew na nakaupo sa sofa.


"Hey, andiyan ka pala," Bati ko.


Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.


"Yeah, gonna spend the night here, is it okay with you?" Tanong niya.


Tumango ako at ngumiti. "Oo naman,"


Nagpaalam na 'ko sa kan'ya na tataas na para magbihis.


Papasok na sana ako sa kwarto namin nang naisip na silipin muna si Caliver. I remember, he is turning six next month.


"Cali! Mom's here," pagtawag ko sa kan'ya mula sa pinto.


"Hi!" Bati niya lang nang hindi ako tinitignan dahil nasa iPod ang mata niya. I just sighed and make my way out of his room.


Pagdating ko sa kwarto ay wala si Trevor. Malamang nasa study room niya.


Bumaba ako nang mag didinner na. Tinulungan ko si yaya Cecil na maghanda ng pagkain.


"Cali, call your dad and tito Andrew, tell them that we will eat dinner." Utos ko sa anak ko.


"Yes mom," Sagot niya at tumaas na.


All of Her (His Maid Sequel) Where stories live. Discover now