"Take a sit, Lancy." narinig kong sabi niya at pinaghila ako ng upuan.

"Thank you," mahinang utas ko at nginitian siya.


Kumuha ako ng isang itlog gamit ang tinidor saka iyon kinain. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tinitigan ko si Jared na tahimik na kumakain ng bacon. Tumikhim ako kaya umangat ang paningin niya.


"Jared... Last night, you told me that you love me... I believe that when a person is drunk, he/she will spit out the truth. Now, tell me... You love me, right?" lakas-loob kong tanong.

Nag-iwas siya ng tingin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi niya kaya naman napangiti ako. Confirmed!


"Thank you for the food and for driving me home. Papasok na ako. Bye!" sabi ko nang maitanggal na ang seatbelt sa katawan ko.

Lalabas na sana ako nang magsalita siya kaya napatingin ako sa kaniya.

"From now on, I'm courting you, Lancy Sapphire Cordova."


Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niyang iyon. Uminit ang pisngi ko at naramdaman ko agad ang paghuramentado halos lahat ng parte ng katawan ko. Pati na yata ang puso ko ay sobrang lakas na ng kabog.


"You... You really love me? Then, why would you court me? I can say 'yes' in an instant, Jared. No need to court me-" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang umiling siya.

"No, Lancy. I know you're traditional and it's my responsibility to serve you... I need to..." seryoso niyang sabi.


Hindi ko na alam kung paano ako nakapasok ng bahay namin. Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Jared sa akin kanina sa kotse niya. He... He will court me? Is this true? Am I dreaming? Darn! Noon pa lang, pangarap ko nang maging boyfriend si Jared and of course, I see him as the only man I would marry kaya hindi ako makapaniwala na nangyayari 'to sa buhay ko. I didn't expect him to be traditional. Beasts have their own rule and responsibility...

Napawi ang ngiti ko nang madatnan si mommy at daddy na nakaupo sa sofa namin.

Tumayo kaagad si mommy kaya napaatras ako.

"Mom..." mahinang utas ko.

Tinitigan niya ako nang mariin hanggang sa makalapit na siya sa akin ay sobra ang pangangamba ko. Akala ko ay sasampalin niya ako pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.

"Mom?" utas ko.

Napatingin ako kay daddy na tumayo na rin at lumapit sa amin ni mommy.

"I was so worried, Lancy. Your dad and I was very worried when we didn't saw you at your room. We even called the police and personal investigators to track your location because your phone was off. It's a good thing that Jared called your dad and we were relieved when he told us that you're asleep. Don't do that again, darling. I would freak to death in worrying you." sabi ni mommy at hinaplos ang buhok ko.

Niyakap ko siya pabalik sabay ngiti.

"I'm sorry, Mom. Hindi na po mauulit." tumingin ako kay daddy na hinahaplos ang likod ni mommy, "Sorry, Dad." sabi ko na lang.

Tumango si daddy at yumakap rin sa amin ni mommy.

"Oh, I almost forgot. Cancel all your works this coming saturday, it's Aiden's wedding day."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni daddy.

"Really?" hindi-makapaniwalang utas ko.


Tumango si daddy kaya wala sa sarili akong napangiti. Gosh! That Devalli is fast! Siguro ay nalaman na niya na buntis na si Hariah kaya ayaw na niyang pakawalan pa at pakakasalan na kaagad. Shet! Ang bilis ah! Siguro ay tuwang-tuwa 'yon kasi sa wakas ay napasakaniya na rin si Hariah na wala nang magagawa kundi ang magpatali kay Aiden. I'm happy for them.

Tame That Beast (Serie De Amor #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum