13. Chance????

436 7 0
                                    

"Hello Zands? May gagawin ka ba ngayon?" Tinawagan ko si Zandra pagkatapos ng pag uusap namin ni Art kanina.



"Wala naman bakit?" -zands




"Magkita naman tayo. Kailangan ko ng makakausap."



"Ah sige" pagpayag nya.






Coffee shop

Malalim and niisip ko tungkol sa mga nangyari at sinabi ni Art kanina ng dumating si Zandra.



"Zands!" Tawag ko sa pangalan nya.




"Mukhang malaki ang problema mo ngayon at tinawagan mo ko" medyo nang iinis na sambit nya. Tingnan mo tong babaeng to alam na ngang may problema hindi na lang ako damayan.




"Zands, nakita nya si Winter at Rain. At sigurado syang anak nya sila kahit anung tanggi ko hindi sya naniniwala.. anung gagawin ko. Natatakot ako sa mga pwede nyang gawin."




"Ano! pano? Ano ba kasing nangyari ikwento mo nga lahat sakin." Gulat nyang sambit.




Kinuwento ko kay Zandra ang lahat ng nangyari pati na yung nangyari kanina.



"Malaki nga ang problema mo. Ano na ang gagawin mo. Mukhang seryoso syang makuha at makasama ka at ang mga bata." Komento nya.




"Zandra hindi ako ang gusto nya kundi ang mga bata lang. Para namang hindi mo alam ang nangyari samin dati diba. Noon pa lang wala na syang interes sakin. Baka natatapakan ko lang ang ego nya kaya sya nagkakaganun."



"Kaya ko nga sinasabi sayo diba. Yung sinasabi mong hindi ka nya gustong makasama noon pa yun. Ang ipinaparamdam nya sayo ngayon ay yung nararamdaman na nya ngayon." Mahabang litanya nya.



"Anu ba yang pinagsasasabi mo Zandra. Hindi mo ba nakita na kasama pa rin nya ngayon si Lorraine noong unang pagkikita namin simula ng bumalik ako. Yun ba ang iba ang nararamdaman huh. Sabihin mo nga sakin Zandra?!" Frustrated na sagot ko sa kanya.



"Hindi natin alam ang mga nangyari dito noong umalis tayo kaya hindi dapat muna tayo maniwala sa mga nakikita natin Caroline. Bakit hindi mo muna sya kausapin ng maayos at magkaliwanagan na kayo.?" Pagpapaliwanag nya




"Wala na kaming dapat pag-usapan at wala naring dapat maayos. Maayos naman ang lahat nagulo lang ng pumasok ulit sya sa eksena." Sagot ko. Medyo naiinis na ko sino ba ang kaibigan nito.




"Kahit anung gawin mo Caroline parte sya ng buhay mo at kailangan din sya ng mga anak mo. Aminin mo man o hindi. Wala kang magagawa kung gusto nyang makita at makasama ang mga anak nyo dahil sya ang ama at hindi mo mapipigilan yun." -Zandra.




"Matagal na syang hindi parte ng buhay ko at mas lalong wala syang anak sakin. Simula ng pinili nyang makipagbalikan sa ex nya, yun din ang panahong pinutol ko ang koneksyaon ko sa kanya." Hindi ko na napigilan napataas ang boses ko buti na lang walang ganong customer.





"Bahala ka Caroline pero eto lang ang maipapayo ko sayo. Isipin mo ang kapakanan ng mga anak mo. Wag mong ipagkait sa kanila ang lumaki na buo ang pamilya. Pag isipan mo ng maigi ang mga magiging desisyon mo." Pagsuko nya.





Pinag isipan kong mabuti ang mga sinabi ni Zandra pero hindi ko makuha ang sinasabi nyang iba na ang nararamdaman ni Art para sakin.




Matapos ang pag-uusap namin ni Zandra at engkwentro namin ni Art naging maayos naman ang takbo ng buhay namin nitong mga nakaraang araw. Hindi na rin tinuloy ni Art ang pagkuha sakin bilang architech. Siguro sumuko na sya at natauhan na imposible ang gusto nyang mangyari.




His Unwanted Wedding (ON-HOLD)Where stories live. Discover now