9. Arthur Adrian Santillian

440 9 0
                                    

ART'S POV

"Hello Lorraine!" Iritableng sagot ko. Tumawag si Lorraine habang nagbabasa ako ng nga papeles na kailangan ng approval ko.





"Ah pwede ka bang lumabas? Lunch naman tayo. Its been so long since you step out to your jail office." Sambig ni Lorraine sa nang aasar na boses.




"Fine saan ba tayo kakain?" Pagpayag ko.




Sinabi sakin ni Lorraine kung saang restaurant kami magkikita at binaba na nya ang phone.

Siguro kailangan ko ring mag relax kahit ngayon lang sobrang nakakasawa na ang mga ginagawa ko. Sa loob ng 6 na taon noong pinasa na sakin ni Daddy ang paghawak ng kompanya naging madalang na ang paglabas labas ko at simula rin noong umalis sya at piniling iwanan ako ay malaki ang nagbago sakin. Pinili ko na lang isubsob ang ang sarili ko sa trabaho dahil yun lang ang alam kong paraan para kahit papaano ay makalimot naman sa problema.




Noong umalis sya hindi ko alam kung saan sya hahanapin kahit ang pamilya nya hindi alam kung nasaan sya. Lahat na pinagtanungan ko kahit ang mga kaibigan nya walang alam.




Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Nagalit ang pamilya nya sakin lalong lalo na ang papa nya miski ang magulang ko muntik na akong itakwil dahil sa nangyari.





Noong araw na iyon
Hindi ko inaasahang darating si Lorraine sa bahay. Umuwi ako ng maaga para isurprise si Belle. Nakapag decide na kong aaminin ko sa kanya ang nararamdaman. Oo nahulog na ang loob ko sa kanya. Hindi naman sya mahirap mahalin. Kakaiba syang babae. Klase ng babae na pahahalagahan at mamahalin ng isang lalaki habang buhay.




Noong una ayokong amin sa sarili ko dahil naisip ko na baka dinadivert ko lang ang atensyon ko sa kanya para makalimutan si Lorraine na iniwan ako at piniling umalis at gawin ang gusto nya sa america. Pero nung may nangyari sa aming dalawa sa unang pagkakataon ay nalaman ko na mahal ko natalaga ang asawa ko. Na gusto ko sya ang makasama ko habang buhay wala ng iba.




Pero nung araw ring yun nasira ang lahat dahil nagpadala ako sa kalituhan ko noong dumating si Lorraine sa bahay at gusto nyang magkaayos kami ulit. Sinabi ko na sa kanyang hindi na pwede. Pinaalis ko na sya at umakyat sa kwarto para magbihis at maghanda na pero sumunod pala si Lorraine at pilit akong niyayakap. Pinipigilan ko sya pero bigla nya akong hinalikan. Hindi ako tumugon pero kalaunan nadala ako sa nararamdaman ko at tumugon ako sa mga halik nya hanggang sa nakita kami ni Belle.



Lahat ng sinabi nya ay parang mga kutsilyong sinasaksak sa puso ko at nung sinabi nyang ayaw na nya ay gumuho ang lahat.



Hinanap ko sya kung saan saan lahat pinagtanungan ko na pero wala silang alam naghire pa ako ng mga private investigator pero wala silang nakuhang impormasyon kung nasaan sya.



Halos patayin ako sa bugbog ng papa at mga kuya ni Belle noong nalaman nila ang nangyari saamin ni Belle at nung umalis sya pati si papa gusto akong itakwil dahil doon.




Napaka tanga kong tao para hayaang makawala ang babaeng para sakin. Ang babaeng inilaan ng Diyos para mahalin at pahalagahan ko. At pinangako ko noon na kapag nakita ko ulit sya ay hindi ko na sya pakakawalan.




Bumalik ang utak ko sa malalim na pag iisip ng kumatok ang secretary ko at sabihing tumawag si Lorraine para ipaalala ang lunch date namin.




Tumayo na ko para umalis. Pumunta ako sa restaurant na sinabi ni Lorraine. Habang kumakain kami nahagip na paningin ko ang isang babae na sobrang pamilyar sakin pero hindi ko na lang pinansin dahil baka sa sobrang pag iisip ko ay nakikita ko na sya kahit saan.





"Art buti pumayag ka kala ko wala ka ng balak lumabas sa kulungan mo eh" pabirong sabi ni Lorraine.




" naisip ko kailangan ko ring lumabas para makapagrelax sa mga problema." Sagot ko sa kanya.







Natapos kaming kumain. Napansin ko ang isang grupo nagtatawanan at nakilala ko ang isa sakanila. Si Zandra yung besfriend ni Belle kailan pa sya bumalik. Nung nawala si Belle sya ring alis nya para magtrabaho daw. Isa sya sa unang tinanungan ko para hanapin si Belle.




Lumapit ako at tinawag sya. Mga kaibigan pala nila ni Belle ang kasama nya kilala ko sila dahil pinakilala sila sakin ni Belle noon hindi ko nga lang pinansin noon.





Pero habang papalapit ako sa kanila nacurious ako sa babaeng nakatalikod sa gawi ko.




"Zandra?" Lumingon sya sakin na parang nakakita ng multo at tumingin sa babaeng kaharap nya.




"A...ART!" gulat na sambit nya sa pangalan ko.




Nakalapit na kami ni Lorraine sa table nila. Sa paglapit namin ay sya namang tayo ng babaeng nakatalikod samin.





"Guys excuse me ah tumatawag si papa." Pagkarinig ko sa boses nya ay parang tumigil ang mundo ko.






Bo...boses na yun hindi ako pwedeng magkamali. Humarap sya sa gawi namin at tama nga ang hinala ko.




"B....be...belle" utal na bigkas ko sa pangalan nya.




"Oh hi. Excuse for a while" casual na bati nya sakin. Na parang wala lang ako sa kanya.





Natulala lang ako sa gawing pinuntahan nya para kausapin ang tumawag sa kanya. Hanggang sa makabalik sya ay tulala lang akong tiningnan sya.





"Guys I need to go papa just called me and He said that Winter needs me now." Nagpapanic na sambit nya






Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya kahit hindi pa sumasagot ang mga kaibigan nya.






She's back now and who the hell is Winter for her to act like that?!




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hey guys sorry nga pala sa mga errors saka ko na lang ieedit hehehe.

Hope you guys like my story.

His Unwanted Wedding (ON-HOLD)Where stories live. Discover now