KABANATA XXI

0 0 0
                                    

"Shimiri?" sambit ko at agad siyang tinulungan para makapasok dito sa loob. "Bat hating gabi na nasa labas ka pa rin?"

"Gusto lang kitang makita" sabi niya na parang puno ng kalungkutan.

"Ayos ka lang ba?"

"Ikaw?"

Napatingin lang ako sa kanya.

"Galit ka ba sakin?" tanong niyang sobrang hina.

Napabuntong hininga ako. "Hindi Shimiri.. Nagtataka lang ako kung bakit-

"Sorry.." sabay haplos niya sa mukha ko gamit ang malamig niyang kamay. "Sorry Calvin.."

"Kanina ka pa ba sa labas?" pag iiba ko ng usapan at saka hinaplos ang kanyang dalawang kamay na nasa aking pisngi.

Kahit tanging lampshade lamang ang nagbibigay liwanag dito sa kwarto na to, kitang kita ko pa rin ang mukha niya, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan.

May problema ba Shimiri? Anong iniisip mo? Handa akong makinig. Handa akong damayan ka.

Sa pagtitigan namin, napansin ko ang paglapit niya sa mukha ko, at para bang isang pagkain ang labi ko na tinikman tikman niya.

May pagkapahiya pa siyang naramdaman nang hayaan ko lamang siyang gawin iyon.

"Yong iniinis mo muna ako saka ka bumabawi no?" nginitian ko pa siya at saka hinalikan.

Ang isang kamay ko'y hinahaplos ang leeg niya at ang kabila nama'y nasa kanyang likod. Sa ganong postura, marahan ko siyang itinungo sa sofa. Naupo at nahiga nang siya ang nasa ibabaw. Yakap yakap ko ang buong katawan niya na animo'y ayoko nang makatakas pa siya.

I don't know why Shimiri's like this but I love it, I love her.

"Iloveyou Shimiri.." sambit ko sa pagitan nang malalim na ginagawa namin.

"Iloveyou too..Baby.." tugon niya na hindi ko inaasahan.

Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo. "Let's sleep?"

"Hmm"

"Goodnight" hinalikan ko pa siyang muli sa labi at natulog nang ganong posisyon sa sofa.

Kinabukasan.

"Calvin? Calvin? Gising na hijo. Alas otso ba ang pasok mo ngayon? Tumayo ka na" nagising ang diwa ko sa sunod sunod na katok.

Umaga na pala. At agad kong naalala ang nangyari kagabi. Si Shimiri.

Nilibot ng mata ko ang buong kwarto ngunit wala siya rito. Kita ko pa ang bukas na bintana. Tsk. Umalis ka nanaman ng hindi nagpapaalam ah.

Tumayo na nga ako at naghanda na para sa panibagong araw.

*

"Tignan mo ang isang to, halatang nag-aral nang mabuti kagabi" ani Riel.

"Paano mo nasabi?" ani France.

"Di mo ba nakikita? Puyat na puyat oh"

"Psh. Sigurado ka bang nag-aral talaga kaya puyat?"

"Ha? E ano pa bang gagawin nito? Mambabae?"

"Abay malay ko diyan. Saka yon lang ba? Alam mo ikaw, halatang babaero ka eh"

"At bakit naman napunta sakin?"

"Hindi por que puyat, dahil sa chicks agad. Oo pwedeng ganon ang nangyari sa isang to, pero pwede namang nagnetflix, nag online games ang isang tao. Pero ikaw, naku gago"

2 Hearts 1 Love [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora