KABANATA XIX

0 0 0
                                    

May naririnig akong sumisinghot. Nagising na ang diwa ko at napamulat na ng mata. "Shimiri?"

Lumingon sa akin ang isang babae. "Gising ka na pala, nag uusap pa si Ri at Lex sa labas, saglit lang tatawagin ko" sabi ng girlfriend ni Lex.

Hindi man lang si Shimiri ang bumungad sakin? Kakaiba talaga magmahal ang babaeng yon.

At ilang saglit lang, pumasok na ang Baby ko. Sinalubong ko siya ng ngiti pero ayon..hindi uso ngumiti sa babaeng to. Kainis.

"Masaya ka na sa ginawa mo? Masaya kang pati ikaw napahamak? Pati ikaw dumagdag sa alalahanin ko?! Hindi mo nga sinuway si Lex, pero ako sinuway mo! Masaya ka ba na pinag-alala mo ko nang sobra? Ha?!-

"Ri, tama na yan" biglang saad ni Lex, at tuluyan nang pumasok sa room na to, kasama si Ar Ey. Mabuti naman at ligtas sila pareho. "Gumawa ng napakabigat na desisyon si Calvin kanina, at malaki ang utang na loob namin sa kanya. Kung hindi dahil kay Calvin, malamang hindi kami nakalabas ni Ar Ey."

"At kung magagalit ka man Ri, kay Calvin, siguro sakin na lang. Natrap ako sa loob-

"Ano ba kayo, huwag na tayong magsisihan, ang mahalaga ligtas tayong lahat, at sana matukoy na kung sino ang gumawa ng pagsabog na yon" sabi ko.

"Tama si Calvin. Kaya Ri, please huwag mo nang-

Hindi pa natatapos ni Lex ang sasabihin niya nang umalis bigla si Ri. Napahawak na lamang sa ulo si Lex.

"Pasensiya na Calvin. At maraming salamat sa ginawa mo. Utang ko sayo ang buhay ko"

"Pati na rin ang buhay ko" saad din ni Ar Ey. Nginitian ko lamang sila.

Maya-maya.

Nagliliwanag na. Hindi na ko makatulog. Kaya napagdesisyunan kong lumabas. Bawat sulok mayroong bantay. Hinanap ko si Shimiri. Hindi ko alam kung nasaan kami. Mukhang nakalayo na kami sa resort kanina.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang napansin ko ang bukas na pinto. Tumungo ako ron at napagtantong roof top na pala ito. Iginala ko ang aking paningin pero nakapagtatakang walang tao rito- except sa isang to na nakatulog na habang nakaupo.

Dahan dahan akong pumunta sa kanya at naupo sa kanyang tabi. Ikaw yong taong kahit hindi naman pinapabantay, kahit antok na antok na, pilit pa ring ginagawa ang gusto. Hayst.

"Bat nandito ka?" nagulat ako nang bigla siyang magsalita, akala ko tulog to?

"W-wala naman.. H-Hindi na ko makatulog tapos wala ka pa ron"

"Bat ka pa kasi pumunta rito?" tila may galit niyang tanong sakin. Tumayo siya at diretsong naglakad.

Sinundan ko. "Hinahanap lang kita, gusto lang kitang makita-

"Ibig kong sabihin-" hinarap niya ko. "Ibig kong sabihin..bat ka pa pumunta sa birthday ni Lex? Simula pa lang naman, ang alam mo, wala kang kasama rito. Pwede namang humindi, pwede namang magpass. Alam mo yon? Hindi naman always OO ang isasagot mo, saka si Lex lang naman yon-

"Ano bang pinagsasabi mo Shimiri?"

"Hindi mo ba ko maintindihan? Sana hindi ka na lang pumunta rito! Sa lugar na to!" tumalikod siya sakin. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko..anong gagawin ko pag may mangyaring masama sayo" napansin ko pa ang pagbitaw niya ng malalim na paghinga. "Ako ang poprotekta sayo, at hindi mo kailangang protektahan ang mga importanteng tao sa buhay ko" saad niya at bigla na naman akong iniwan.

Nakauwi ako nang hindi nakikita si Shimiri.

Lumipas ang ilang araw..umabot ng isang linggo, hindi ko pa rin siya nakikita.

2 Hearts 1 Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now