"Hey, Mr. Lucretius..."
 
 
 

"Don't come near me."
 
 
 

(–_–)
 
 
 

Konti na lang masasapak ko na 'to! Whoo kalma!
 
 
 

"Okay! But may I have some of that food? I'm really hungry..." Tanong ko sa kaniya habang nagpapa-cute, baka sakaling gumana sa hinayupak.
 
 
 
 

Pero ano pa bang aasahan ko sa taong walang pakiramdam diba? Malamang, sinamaan niya lang ako ng tingin na pawang nagtatanong kung nababaliw na ba 'ko.
 
 


"You don't want to?" hindi makapaniwala kong tanong.
 
 
 

"I don't want to." seryoso niyang sabi. Nakatulala ko siyang tinignan habang nililipat niya na sa lalagyan ang mga niluto niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan at magsimulang kumain.
 


'Fuck!'
 
 
 

"You really won't give me a piece? You're so mean!" naiinis kong sabi. Sa sobrang inis ko nga sa kaniya ay halos makalimutan kong mamamatay-tao nga pala ang abnormal na 'to. Sino ba naman ang hindi maiinis kung ang damot-damot niya?!
 
 


"No! Will you shut up? You're annoying!" sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain.
 
 


'Gosh! This guy is not perfect at all! He's definitely a demon lord!' 
 
 


"Tsk! Mabulunan ka sana!" mahina kong bulong. Nakita kong napalingon siya sa'kin kaya minabuti ko na lang na ngumiti ng pilit. Baka sapian 'to at bigla akong barilin edi tapos ang masasaya kong araw.
 
 
 

Dumiretso na lang ako sa refrigerator at naghanap ng pwedeng maluto. Dahil sa gutom na gutom na talaga ako ay nagluto na lang ako ng fried rice at simpleng meat dishes na mabilis lutuin. Mabuti na nga lang may kanin akong nakita sa lagayan, mukhang natira kaninang umaga.
 
 
 

Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay makakakain na rin ako sa wakas. Ang pinagtataka ko lang ay hanggang ngayon nandito pa rin ang animal na si Vile at mukhang walang balak na umalis.
 
 
  

Hindi ko na rin pinansin dahil wala akong lakas na makipagtalo sa taong kakaiba mag-isip. Diretso lang ang tingin ko at umupo sa harapang upuan ni Vile. Nang susubo na ako ng kanin ay tsaka ko lang napansin na nakatingin siya sa pagkain ko.
 


"What?"
 
 
 

"I want that food. Give me some." nakapoker-face nitong sabi bago ilapit sa'kin ang plato niya.
 


Nginisihan ko na lang siya at nilayo ang pagkain ko sa kaniya. Ano siya sinuswerte? Pagkatapos niya akong pagdamutan ay bibigyan ko siya ng pagkain ko? Ano ako sira?
 
 

"Why would I do that, Mr. Lucretius? After what you did awhile ago, you still dare?" nakangiti kong sabi na pawang mabait na bata.
 
 
  

Napatigil lang ako sa pagngiti nang makita ko na siyang seryosong nakatingin sa'kin. Gosh! This is unfair!Kailangan niya ba talagang manakot ng ganiyan nang dahil lang sa pagkain?!
 
 
 

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon