Kaagad naman siyang umiling, "no need, love. Matalino na kaya itong boyfriend mo."

"Ang yabang mo. Edi ikaw na,---"

"Ang para sayo," pagputol niya sa dapat na sasabihin ko.

"Babanat ka na nga lang ang pangit pa, tskk!" I joked.

His mouth immediately curved into a smile, "banat pala, ahh. Sige meron akong isang pangmalakasan na sasabihin sayo."

Taas kilay naman akong sumagot ng 'ano'. "I'm not mathematician but I'm 2² to lose you." He said then grin.

"Alam ko na iyan, noh! I'm too scared to lose you,---"

"Takot ka palang mawala ako? Yieee." Ngisi niya habang kunyareng kinikilig.

Napailing nalang ako bago mag paalam dahil gagawa muna ako ng assignment ko. Hindi naman siya nag reklamo dahil aalis din daw siya para bumili ng mga kailangan pa para sa school niya.

Nagluto lang ako saglit ng waffles para sa meryenda bago puntahan si Levi sa kwarto niya.

Hindi na ako kumatok dahil hindi naman niya ni-la-lock ang pinto. "Levi, do you want waffle?" I asked as I entered his room.

"Yes po, ate." He immediately replied, hindi padin tumitingin sa gawi ko dahil busy sa ginagawang pag p-paint.

Nilapitan ko siya sa pwesto niya bago panoorin ang ginagawa. "Ano ba iyang pinipinta mo?" I asked.

"Masayang pamilya, ate." Sagot niya bago tumingin sakin at ngumiti ng maliit, "ate, why don't we have a dad? Tapos si mama nasa ibang bansa." Dagdag niya, ang ilong ay namumula na dahil sa pagpipigil na lumuha.

Kaagad ko siyang niyakap dahil doon. I didn't know that he was already hurting. I thought I'm the only one, akala ko hindi pa siya mag tatanong dahil bata pa at nadadaan pa sa laruan ang lungkot na nararamdaman.

"Shhh... andito naman si ate 'di ba? Hindi kita iiwan kasi lab na lab kita." I said gently.

Seven years old palang si Levi pero nararanasan niya na ang ganitong senario sa buhay niya. "Pero ate... bakit ba hindi buo ang pamilya natin? D-Don't they l-love us?" Levi asked between his sobs.

I closed my eyes tightly because of his question. "M-Mahal nila tayo, Levi." Hirap na hirap na saad ko dahil sa walang kasiguraduhan ang sinagot ko sakaniya. Maski ako kasi ay hindi ko alam kung mahal ba nila kami. "Tahan na, okay? Gusto mo tawagan natin si kuya Ethan?"

Tumango naman siya bago punasan ang luha. Agad kong kinuha ang cellphone bago ko muna i-message si Ethan.

Lahari Torres:
Can I call?

Wala pang ilang minuto ay siya na ang nakita kong tumatawag.

"Why? May kailangan ka po?" Masuyong tanong niya pag sagot ko ng tawag.

Ngumiti naman ako bago itapat kay Levi ang camera. "K-Kuya," umiiyak padin na saad ni Levi.

"Levi, why are you crying? Inaway ka ba ng ate mo? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Ethan.

My brother cried even more, "kuya... kompleto po ba ang f-family mo?" Tanong niya kaya kaagad kong iniwas ang mukha dahil sa luhang basta na lamang tumulo.

Bakit ang sakit? Akala ko okay na ako, akala ko wala na sakin kapag ang pinag u-usapan ay pamilya. Pero bakit unti-unti na naman akong nadudurog lalo na at alam kong hindi lang ako ang nasasaktan.

"Oum, pero nasa malayo ang mama at papa ko. Si Ate Ali lang kasama ko dito sa Pilipinas pero hiwalay din ang bahay namin," sagot ng lalaki.

"M-Masaya po ba kapag... kompleto ang f-family?" Humihikbing tanong ulit ng kapatid ko.

Ethan looked at me before he smiled, ginantihan ko lang din naman siya ng pilit na ngiti. "Oo naman. Hmm, gusto mo kami nalang ng ate mo ang mama at papa mo?"

Mabilis namang tumango ang kapatid ko, "pwede po?" Tanong niya na agad tinugunan ng tango ni Ethan. "Yeyy! Papa kuya Ethan po tawag ko sayo." Masiglang sabi ng kapatid ko na akala mo ay walang nangyarenh iyakan.

"Kay ate Lahari, ano itatawag mo?" My boyfriend asked my brother.

"Mama ate Lahari!" Wala sa sarili akong napangiti dahil sa naisip ni Ethan.

"Sasama ikaw palagi kay mama ate Lahari kapag pupunta siya dito, okay?" Tanong ng lalaki kaya tumango naman ang kapatid ko.

"Papa kuya Ethan, wag mo po kami iiwan ni Mama ate Lahari, haa?"

Ngumiti naman ang lalaki, "of course, dito lang ako palagi para sainyo. Love na love ko kayong dalawa."

Nang matuon ang atensiyon ni Levi sa pag kain na dala ko ay saglit akong lumabas bago sabihin kay Ethan na mamaya nalang kami mag-usap.

"Levi, iba nalang i-paint mo." Sabi ko pagbalik sa kwarto niya.

My brother nodded quickly, "okay po, i-paint ko nalang iyung tayong tatlo nila papa kuya Ethan." Naka-ngiting sabi niya bago tanggalin ang canvas sa stand at palitan iyon ng bago.

I just smiled at him before saying goodbye, nag tungo muna ako sa sariling silid para mag gawa ng assignment.

Habang nag gagawa ay hindi mawala sa isip ko ang ginawang plano ni Ethan. Ang pag sabi niya na 'gusto mo ba kami nalang ng ate mo ang mama at papa mo?'

Sigurado akong lalo akong aasa na hindi niya ako iiwan. Na mag s-stay siya sakin... samin ng kapatid ko kahit anong problema pa ang dumating.

Natatakot ako na baka dumating ang araw na masanay na talaga ang kapatid ko kay Ethan at sobra siyang masaktan kung mangyare na ang kinatatakutan ko... namin ni Levi.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now