Chapter 26: Why you can't hug me?

Začít od začátku
                                    

"Let me go" sabi ni Bethina

"Do you really hate me?" tanong ni Travis

"I hate y--" hindi na natapos ni Bethina ang sasabihin niya dahil mabilis siyang hinarap ni Travis sa kanya at kiniss ito. Napa OH na naman kami sa ginawa niya. Yung iba pinicturan na yung dalawa.

"Do you hate me?"

"I hate y---" kiniss na naman ni Travis. Grabe, kinikilig na ako sa dalawang ito.

"Sabihin mo ulit iyon, di na ganyan ang matatanggap mo" sabi ni Travis kay Bethina na ngayon ay nakayuko na. Tapos noon hinigit ni Travis yung kamay ni Bethina at tumakbo silang dalawa. Nagkaroon naman ng malakas na Ayieeeeh sa corridor.

Bigla kong naalala kung bakit ako pumunta sa tapat ng room Dandelion. May dumaan ulit na girl, kaya siya na lang ang tatanungin ko.

"Ate, nandyan ba si Mara?"

"Ha? Ah, si Maradee? Wala na eh, sabi niya mag c-cut daw siya ng class" tapos umalis na yung girl na tinanungan ko.

Bumalik na din ako sa room kasi magsisimula na din ang klase namin. Wala si Mara, nag cut daw siya. Tapos si Zac ang sabi, kapag hinanap siya ni Ma'am ang sabihin ko nag cut din siya. Di kaya.. Magkasama silang dalawa?! Oo pwede iyon, pero kung magkasama sila.. Anong ibig sabihin noon. Saan sila pupunta? Eh sabi naman ni Zac walang siyang gusto kay Mara, pero mahal naman siya ni Mara. Posible pa din na may something sa kanila.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot sa thought na iyon. Kung magkasama sila at kung magiging madalas iyon. Pwedeng mahulog si Zac kay Mara at... Haysss! Ano ba itong nararamdaman ko. Selos ba ito? No way! Hindi magandang feeling ito.

Nagsimula na yung klase namin sa Physics. Wala ako sa mood makinig kaya napahum na lang ako ng isa sa mga favorite Christian song ko. Mighty to Save ..

Savior, He can move the mountain.

My God is Mighty to Save, he is Mighty to Save

Forever author of salvation,

He rose and conquered the grave. Jesus conquered the grave..

Kinakanta ko lang siya sa isipin ko, hindi ko kasi siya kayang kantahin in real kasi ang taas ng tono ng song na ito. Pero kaya iyan! Sabi nga sa song na Voice of Truth ng Casting Crowns,

The voice of truth, says 'do not be afraid'

Bigla kong naalala yung tanong sa akin ni Mama! Kung ano daw ang course na gusto kong kunin.. Napaisip ako, ano ba talaga ang gusto kong gawin habang buhay? Hmmm, parang gusto ko na lang munang gawin yung gusto ng magulang ko para sa akin. Tama, papayag na ako na Accountancy na lang ang course na kukunin ko. Kasi yun ang pangarap nila sa akin eh, kaya iyon na lang.. Tska na lang yung akin.

Nawala ako sa pag-iisip ng may tumapik sa akin.

"Ms. Cristobal, tinatanung kita.. You seems on the another world. Can you tell us where's your mind flying?" nagtawanan naman yung mga classmate ko na nakatingin sa akin. Waaah, Lord.. Nakalimutan ko palang ipag pray kaninang umaga na wag niyo po akong ilagay sa kahihiyan. 

"Uhm, iniisip ko po kasi ang course na kukunin ko sa College." sagot ko kay Ma'am Lopez na nakatingin pa din sa akin ng masama. Naku, nabastos ko ata ang Ma'am namin dahil di ako nakikinig! Wala kasi ako sa mood eh.

"Oh, alam mo din ba kung anong grade ang kukunin ko sayo?" napailing ako sa tanong niya at nakaramdam ako ng kaba.

"-keep daydreaming on my class. I assured you Ms.Cristobal ibabagsak kita!" pagkatapos noon lumakad na ulit si Ma'am sa harapan. Nakaramdam ako ng lungkot, ibabagsak daw ako ni Ma'am kasi lumilipad ang utak ko. Ngayon lang naman ito eh, nag-aaral naman ako. Napapasa ko naman ang mga exam niya tapos ibabagsak niya ako. Nakaka down lang..

Cherish YouKde žijí příběhy. Začni objevovat