Dala-dala ko na ang scrapbook papasok ulit ng bahay. Hindi ko muna piniling mamili ngayon dahil parang napakaimportante ng hawak ko ngayon.
In fairness naman sa scrapbook na ito. May lock pa!
Ang ipinagtataka ko lang, kanino naman galing ito? Baka naman bagong pakulo ni Adrian sa akin.
Sa totoo lang, hindi pa rin ako maka-get over sa panaginip ko.
Ang sweet naman namin masyado ni Frank do'n. Pero, sa totoong buhay nga, wala namang espesyal na namagitan sa amin. Friends lang kami. Gano'n. But, I still treasured that thing. Alam ko namang wala akong espasyo sa puso niya.
Bwisit lang. Bakit ko nga ba siya iniisip masyado ngayon?
Panaginip lang naman ang lahat?
May dapat ba akong malaman ngayon?
...
Tinitingnan ko lang ang scrapbook.
Parang may arrow kung saan nakalagay ang lock.
Nasa likod pala nito.
...
Binuksan ko na ang scrapbook.
Nagulat ako dahil ...
Ang nakalagay ay ...
PROPERTY OF: FRANK SANTILLAN
TO BE SUBMITTED TO: CARRIE "MY FOREVER" RUIZ
?
HUH?
Clueless ako.
Sinimulan ko nang buklatin ang unang pahina.
Nagulat ako sa picture.
Ako? Nagsusulat? Inalala ko.
Ito yata 'yong ...
Gumagawa kami ng termpaper no'n? Meaning?
Pini-picture-an niya ako no'n?
May caption pa.
"This is the day that I started to fall in love with "CARRIE"
Huh?
Weh?
'Di nga?
Really?
Parang ayaw ko namang maniwala?
'Yong totoo?
Second page ...
May picture ulit.
Nakatayo ako ...
Parang nagsasalita.
Ano ba ulit ito?
'Yon! Naalala ko na!
Oral recitation sa Philo!
Parang stolen pa!
May alam ba sila beks dito?
YOU ARE READING
Is That True? (Maybe, it's not?)[COMPLETED]
Teen FictionCreated, October 2012-February 2013. [COMPLETED] VOTE. COMMENT. SUGGEST. SUPPORT. This story is surrealistic but realistic at the same time. How true is your feeling? Maybe, you are just enclosed to a ... dream ... or you wish you're not fantasizing...
![Is That True? (Maybe, it's not?)[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/3650300-64-k697119.jpg)